Chapter 76

2 1 0
                                    

Mia's POV

Mag-6 na ng Gabi ng makarating ako sa amin, tumambay pa kasi kami nila Clarice sa bahay nila ng saglit, papasok na ako ng bahay ng makita ko ang sasakyan ni Kino..

"Him again?" sambit ko sa sarili ko

Nakapasok na ako sa bahay and look who's here..

"Mia?" tawag pansin sa akin ni Kino na may dala pang flowers at chocolates panuhol

"Kino pwede ba? Magulo pa isip ko, pwede ba sa ibang araw na lang?" say ko sa kanya and I pass by him

"Is it because of Gabriel?" anak ng tinapa na naman Kino di ka ba marunong makinig

Hinarap ko sya..

"I said magulo pa isip ko kaya pwede ba Kino, sa ibang araw na lang kapag okay na ako pwede?" say ko sa kanya sabay turo sa ulo Kong may Benda

"Mia, nandito ka na pala at --" well si nanay, nagulat lang sya sa nakita nya

"Anong nangyari sayo?" Bakit may Benda ka sa ulo?" takang tanong ni nanay sa akin, lumabas na rin si tatay at Lola Maria

Tinignan ko si Kino..

"Fine, we'll talk when you are okay na, bye tito, tita and lola Maria" paalam ni Kino kila nanay, dere-deretso na itong lumabas ng bahay di na sa akin nagbabye, badtrip na naman

Hinarap ko muli sila nanay

"Bakit mo pinaalis si Kino? Mia? Di mo man lang inayang magdinner dito ang boyfriend mo?" Wow nay, mas nag worry pa kayo Kay Kino kaysa sa akin, sabagay di Nyo naman ako iniintindi two years ago

"Pinaalis ko ba po sya nay? Tumingin lang naman ako sa kanya!" what a naughty girl Mia, bumalik ka na naman sa dating ikaw

"Narinig Kong sinabi mo kanina Mia, anong magulo pa ang isip mo kaya ayaw mong makipag usap Kay Kino? Anong meron anak at ganyan ang trato mo sa nobyo mo?" hay nay, bakit hindi Nyo tanungin ang sarili Nyo kung bakit ako nagkakaganto

"Mila, pwede ba wag mong puwersahin ang anak mo sa gusto mong malaman" saway ni Tatay kay nanay

"Gusto Nyo po bang malaman kung bakit ako nagkakaganto?" pabiro Kong sagot Kay nanay, tumingin sya sa akin

"Anong nangyari sa iyo at bakit ganyan ang trato mo Kay Kino? Pumunta dito yung tao para suyuin ka Pero anong ginawa mo, hindi mo kinausap instead pinaalis mo pa!?" medyo gigil na si nanay sa attitude ko

"Mia, apo! Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mong bumalik? Sino ang nanakit sa iyo apo?" pag-aalalang tanong ni Lola sa akin

"Lola, malinaw na po sa akin ang lahat.." simpleng sagot ko Kay Lola, at mukhang nakuha na nya ang punto ko

"Anong ibig mong sabihin!?" sagot ni nanay sa akin, tinignan ko sya ng seryoso

"Ang alin nay? Kung paano Nyo tinago sa akin ang tunay na nangyari two years ago o kung paano Nyo pilit ako na ilayo sa taong tunay na importante sa akin?" nagulat si nanay sa sinabi ko sa kanya

"Anong sabi mo?" di pa rin sya makapaniwala sa sinabi ko

"Nay, wag na kayong mag kunwari pa na di Nyo alam ang buong nangyari at pwede ho ba, wag na kayong gumawa ng kwento!" sagot ko sa kanya

"Mia, anak, hindi kita maintindihan" nagkukunwari pa si nanay na di nya alam

"Nay!! Wag Nyo na akong gawing tanga na concern kayo sa relationship namin ni Kino dahil ano!? Pinaniwala Nyo ako nung nasa US tayo na kaya ako nasa ospital dahil sa malalang sakit, tama na nay!! Alam ko na ang totoo, kaya ako nasa ospital dahil naaksidente ako dito sa Pilipinas, pinilit Nyo akong dalhin sa Amerika, para ano? Kalimutan ang lahat, magsimula ng bago, Nay! Noon pa man alam nyong labag sa akin ang pumunta doon, Pero dahil sa aksidenteng Yun, ginawa nyong oportunidad na ilayo ako dito! Di Nyo ho ba naisip na kalahati ng pagkatao ko nakalimutan ko, pasalamat pa nga ako na di ko nakalimutan ang mga kaibigan ko dito, Pero yung Isang tao na naging malaking bahagi ng buhay ko dito sa Pilipinas, sya pa ang nakalimutan ko dahil sya lang naman ang huli Kong kasama nung aksidente!" inilabas ko na lahat ng Sama ng loob ko Kay nanay, di sya makapagsalita

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now