Chapter 4

9 2 0
                                    

Mia's POV

"Sister Margaret?" sambit ni Mia ng makita nya si Sister Margaret  sa likuran

"Tila nag-iisa ka ata Mia?" tanong ni Sister Margaret

"Nagpapahangin lang po Sister.." sambit ko kay sister

"Pero tila malalim ang ating iniisip natin.." tumabi si Sister Margaret sa akin

"Sister, pwede po kayang magtanong?" sambit ko sa kanya

"Ano yun Mia?"  tanong ni Sister sa akin

"Need po ba talagang sundin ang mga rules kahit labag sa loob mo?" tanong ko sa kanya

"Paano ko nga ba ipapaliwanag sayo, ganito kasi yung, may times kasi na may mga rules na di naaayon sa gawi mo at may rules naman na kailangan mong sundin dahil Yun ang gawi ng mga ninuno mo or ng pamilya mo, halos parehas rin lang naman ang ibig sabihin non, tulad dito sa atin sa bayan natin, halos lahat ng pamilya dito ay talagang nasunod sa tradisyon nila, sa gawi nila kung saan ipinapasa nila sa susunod na henerasyon, di talaga nababali yun lalo na ang religious tradition na may isa sa pamilya nila ang isinasali sa simbahan bilang Isang servant or servers" kwento ni Sister Margaret

"Kailangan po talaga may isa sa pamilya ang isinasali sa mga ganitong Gawain?" tanong ko naman

"Gaya nga ng sabi ko, nasa tradisyon ng bawat pamilya dito ang gawing iyon.." sambit muli ni Sister Margaret

"Talagang nabubuhay pa rin talaga tayo sa sinaunang tradisyon.." buntong hininga ko

"Kaya nga hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagseserve o dumadalo sa simbahan dahil sa gawing iyon, ganto talaga sa ating bayan, ako di pa naman ako gaano matagal dito bilang Madre ay nakikita Kong madami talaga nadalo  sa Misa, nagseserve sa altar.." say ni Sister

"Pero may mahigpit na rules na dapat hindi mabali dahil kung hindi ay mapapaalis ka sa tungkulin mo sa simbahan?" tanong kong bigla, nakatingin sa akin si Sister, ay naku my big mouth

"Kanino mo nalaman yan Mia?" takang tanong ni Sister Margaret, Mia ang daldal mo girl Alam mo ba Yun *facepalm*

"Ahm, narinig ko lang sa usapan dyan po sa labas.." ay Mia nasa loob ng simbahan natuto na agad magsinuganling, naughty girl

"Mia, ito ay di dapat makalabas sa labas okay? Dahil kabilin bilinan na ang mga rules o regulasyon dito sa loob ng simbahan ay mananatili lamang sa loob ng simbahan, hindi dapat ito makalabas o anupat baka ikapahamak mo ito.." bilin sa akin ni Sister Margaret

"Wag po kayong mag-alala Sister, madaldal man po ako, pero nasa lugar naman kaya ang rules sa loob ay sa loob lamang at ang rules sa labas ay dun na Yun sa labas" say ko Kay Sister

"Mabuti naman kung ganon at least wala tayong maging problema okay?" si Sister Margaret

"Promise po!" taas kamay kong sabi

"Oh siya! Halina sa loob ng magkapag umpisa ulit mag-ensayo para ikaw ay nasanay na sa mga gawi dito sa loob ng simbahan!" niyaya na ako ni Sister sa loob

Nagpatuloy ang aming ensayo hanggang sumapit ang ika-3 ng hapon...

"Okay, tapos na ang ating ensayo sa araw na ito, sa mga bagong altar servers bukas ay alas-7 ng Umaga ang ating Misa kaya, maready po kayo before 7 ay kailangan nandito na para maisaayos ang dapat isaayos, maliwanag ba?" sambit ni Sister Margaret

"Okay po!" sagot namin lahat

"Pwede na kayong magsiuwi para makapagpahinga" at sabay sabay na kaming lumabas ng simbahan, kasabay ko sa pag-uwi si Luisa kasama pa ang Isang altar server

"Mia!" sinabayan ako ni Luisa

"Oh Luisa, pauwi ka na?" say ko sa kanya

"Yup, sya nga pala eto pala si Lei, Isa ring altar server sa ating parokya, sya ay sa krus naman nakatoka!" pakilala ni Luisa Kay Lei sa akin

"Hi Lei.." bati ko sa kanya

"Hello, bago ka palang candle lit server.." say ni Lei sa akin habang kami ay naglalakad pauwi

"Yup! Unang ensayo ko palang kakapasok ko lang sa altar servers.." simple kong sabi

"Sabagay, kami ni Luisa ay magdadalawang buwan na sa altar service" say ni Lei at tumango si Luisa

"Unang sabak ko palang sa ensayo, mapapasabak na agad sa serve bukas sa Misa" sambit ko sa kanila

"Kaya mo yan, ganyan rin kami nung una, nakakakaba pero masasanay ka rin!" say ni Luisa sa akin

"Parang sa tingin ko sa Inyo ng dalawa ay mukhang sanay na sanay na kayo sa mga gawi dito sa simbahan at mukhang talagang sinusunod nyo talaga ang rules!" say ko sa kanila

"Mia, wag na natin pag-usapan ang rules dito sa labas ng simbahan baka tayo ay mapahamak alam mo na!" sabay akbay sa akin ni Luisa

"Ay Oo nga pala! sorry na carried away!" say ko sabay peace sign

"Tsaka masasanay ka rin dun sa rules na Yun, kita mo kami sanay na sanay na!" si Lei

"Sana nga, being a free spirited girl like me, Sana nga makasanayan ko!" say ko na lang sa kanila

"Tama ng mag-emote mahaba haba pa ang lakarin natin!" at nagpatuloy na kami sa pagpalalakad pauwi ng kanya kanyang bahay

Lola Maria's House..

"Nandito na po ako!" sigaw ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Lola

"Apo! Kumusta ang Umaga araw ng ensayo? Masaya ba?" na-eexcite ka tanong ni Lola

"Okay naman po, mabait naman po sila, tsaka magseserve na po kami bukas ng alas-7 sa Misa kaya kailangan ko na rin pong magpahinga, sige po la pasok na po ako sa kwarto!" dumeretso na ako sa kwarto para magpahinga dahil nakakadrain ng energy ang mga ginawa at nalaman ko for today's ganap

Meanwhile...

Nag-usap usap sila Lola Maria at Mila..

"Nay? Kumusta di Mia?" tanong ni Mila sa ina

"Ayun mukhang pagod at gusto ng magpahinga, mukha naman nag-enjoy ang anak mo sa ensayo nila sa Simbahan kanina" say ni Lola Maria Kay Mila

"Mabuti naman kung ganon Nay, at least nasa right path na si Mia to continue our tradition.." masayang sambit ni Mila

"Wag ka munang masyadong magsaya Mila anak, unang araw palang ngayon marami pa tayong dapat gawin para mas ma enjoy talaga ni Mia ang pagseserve sa simbahan" paalala ni Lola Maria kay Mila

"Alam ko nay.." say ni Mila

"Mabuti pa ay kumain na tayo ng Hapunan at ng makapagpahinga, para bukas ay magsisimba tayo dahil magseserve na si Mia bukas" sambit ni Lola at nagtungo na sila sa hapag para maghapunan dahil magsisimba sila bukas para sa unang sabak ni Mia sa altar service sa simbahan

===================================

Chapter 5 is up next..

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now