Chapter 17

1 1 0
                                        

Gabriel's POV

Nagkasarapan kami ng kwentuhan ni Mia ng may --

"Pre!" nagulat kami ng tinawag ako ni Toper

"Oh?" tanong ko sa kanya

"Ano pang ginagawa nyong dalawa dyan? Kakain na ng lunch baka mahuli pa kayo ng terror Madre sa paligid" binulong ni Toper yung last part para di siya marinig ng Iba

"Oo nga pala, lunch na, Mia?" tawag pansin ko kay Mia

"Una ka na sa loob lunch time na raw eh sunod kami ni Toper" say ko Kay Mia

"Sige, pasok na rin kayo ah baka maubusan kayo ng lunch" say ni Mia at tumayo na sya at naglakad papuntang kainan

Naiwan kami ni Toper at binatukan ako...

"Aray? Para saan Yun?" takang tanong ko Kay Toper matapos nya akong batukan

"Pre, buti na lang ako ang nakakita sa Inyo, at hindi yung masungit lagot na" say ni Toper

"Bakit ba pre? Masama bang kausapin ko si Mia?" tanong ko Kay Toper

"Sa amin hindi, pero Kay Sister Tessy ibang usapan na yun, istrikta yun di ba? Di nga ako makaporma Kay Lei na chumika man lang, swerte mo tumagal usapan Nyo ng di kayo nahuli kung di lagot na!" say ni Toper sa akin

"Ang higpit talaga ng Madre Yun, Pati ba naman pakikipagkwentuhan gagawin ng ibang meaning?" say ko Kay Toper

"Ganun talaga yun pre, sya ang senior dito eh, lahat ng junior na Madre ay vow down sa kanya, pati mga altar server vow down" kwento ni Toper

"Magkaibigan lang naman kami ni Mia, anong masama don?" depensa ko Kay Toper habang nagalalakad kami papasok ng kainan

"Lahat may malisya don pre, kaya better be careful kapag chichikahin mo si Mia, kung magkwentuhan kayo sa labas na ng simbahan wag na dito sa loob safe pa sa mga mata nung you know who--" napatigil na si Toper sa pagkukwento dahil palapit sa kinaroroonan nila si Sister Tessy

"Oh kayong dalawa? Di pa ba kayo kakain?" tanong sa amin ni Sister Tessy

"Papunta na rin po sa loob at kakain na rin po Sister" magalang na sambit ni Toper, kabait kanina lang nirarant nya tong Sister na to

"Bilisan nyo at malapit na maubos ang handang pananghalian" say ni Sister Tessy

"Opo, papunta na po kami!" hinila na ako ni Toper at madalang pumila sa handaan ng lunch

Habang nakapila..

"Grabe pre! Di ka man lang kumibo, ako na lang magsalita ng magsalita don, kinabahan ako akala ko narinig yung rant ko sa kanya" kinabahan pa talaga si Toper nung lagay na Yun

"Sorry pre! Di kita naback-upan nakakatakot kasi ang mukha " say ko sa kanya

"Grabe ka sa akin pre!" yun na lang nasabi ni Toper

Nakaabot naman kami sa lunch, at pumuwesto na kami sa malapit sa bintana, malapit rin ang pwesto ng girls...

"Salamat sa pagkain!" at kumain na kami ni Toper ng tahimik at payapa

"Sarap talaga ng sinigang!" say ni Toper habang hinihigop ang sabaw

"Tama ka pre ang sarap nga!" sang-ayon ko sa kanya

Habang busy kami sa kakain, narinig namin ang chismisan ng girls sa kanilang table...

"Mia, ano chika Nyo ni Gabriel?" umpisa ni Clarice

"Hah?" say ni Mia habang nainom ng tubig, katatapos nya lang kumain

"Girl, nagpahangin ka nga sa labas pero Iba ang ginawa mo dahil nandun si Gabriel" Sabat naman ni Lei habang nahigop ng juice

"Nauna sya dun, FYI! nagkakwentuhan lang kami yun lang!" say ni Mia sa kanila

"Swerte mo girl at di kayo nahuli ni Sister you know who, kung di lagot kayo!" say naman ni Luisa

"Bakit naman? Pati ba pakikipagkwentuhan sa kapwa altar server bawal na rin?" parehas kami ng tinanong ni Mia

"Sa amin girl okay lang, pero kay you know who is a big no no! Takot lahat ng Madre dyan at ibang server dahil sya ang senior dito, vow down ba ang lahat kung baga!" kwento naman ni Lei

"Grabe naman! friends lang naman kami, bawal rin?" say ni Mia

"Sabi ko nga nung una sa iyo crush pwede pa, Pero yung super close na kayo ay Iba na yan girl, peg-ibig na yan and it's a no to you know who!" babala ni Luisa

"Kaya girl, limited edition mo na ang chumika kay Gabriel pwede siguro sa labas pero ang nanay mo naman ang kalaban mo, ano ba yan girl? Wala Kang way para chumika kay Gabriel" nanukso pa si Clarice

"Ang supportive Nyo talagang friends no? Super supportive, tutal tapos na naman ang lunch break una na ako sa loob ah! Bye!" halatang medyo naturn off si Mia sa mga sinabi ng mga girl friends nya

"Pre?" si Toper

"Bakit?" say ko

"Papasok na si Mia sa loob, sundan mo na kaya, mukhang medyo off sya matapos syang sabihin ng mga girls ng tungkol sa Inyo" say ni Toper sa akin

"Ano? Baka makita kami ni you know who eh?" pag-aalala kong sabi

"Akala ko ba kapag need nya ng kausap nandun ka? Pinangako mo Yun di ba?" pinaalala pa sa akin ni Toper ang kakornihan Kong sinabi kay Mia

"Tsk! sige na nga, maglook out ka nga para safe ang pagpunta ko don! Okay?" say ko Kay Toper

"Okay! no problem!" nagthumbs up pa si Toper sira ulo talaga

Sinundan ko si Mia sa loob ng simbahan, nakita ko siya nakaupo sa may gilid malapit sa altar at nakatingin sa altar, nilakasan ko ang loob ko at nilapitan ko, Buti nalang walang tao pa sa loob at wala pa yung mga Madre nakain pa ata

"Need a friend?" tumingin sya sa akin na blanko ang mukha nya

"Sana! Kasi limitado na ang pag-uusap natin dito sa loob baka makita tayo ni Sister Tessy" sambit nya na medyo malungkot

"Mahirap nga dito sa loob ng simbahan" say ko sa kanya

"Tama ka, at mahirap rin sa labas nanay ko naman ang nakamata!" say ni Mia na medyo malungkot

"Edi hanap na lang tayo ng lugar kung saan di tayo makikita ng mga mainit ang mata sa atin, dun lang tayo magkwentuhan, kung okay lang sayo?" say naman ko naman sa kanya

"Saan naman?" tanong sa akin ni Mia

==================================

Chapter 18 is up next....


Divine ConnectionWhere stories live. Discover now