Chapter 66

1 1 0
                                    

"Ang simbahan po ba ang naging tulay ng lahat?"

"Kung saan nag-umpisa ang inyong koneksyon" sambit ni Lola Maria Kay Mia at naiwan na lamang ito mag-isa sa sala

"Bakit ba di ko maalala ang tungkol don? Ano ba talaga!?" hinawakan ni Mia ang ulo nya

Lumipas ang Isang Linggo...

Isang Linggo di nagparamdam si Kino kay Mia simula nung nagkasagutan sila kamakailan sa bahay nila Mia, babalik trabaho na rin sila Clarice, Luisa, Lei, Toper at si Gabriel

Nag-eempake na si Gabriel ng mga damit nya dahil luluwas na siya kinabukasan para bumalik sa Manila, kumatok sa kwarto ang kanyang ina..

"Pasok po ma" say ni Gabriel matapos nyang sarhan ang maleta nya, nakita nya ang kanyang ina sa may pinto nakatingin lang sa kanya

"Kabilis talaga ng dalawang Linggo at babalik ka na muli sa Manila para sa trabaho mo" say ni Grace sa kanyang Unico hijo

"Kaya nga po ma, para bang saglit lang ang dalawang Linggo, babalik na naman ako sa realidad ng buhay ko" sabay tingin ni Gabriel sa bintana sa buntong hininga

"May problema ba anak?" lapit ni Grace kay Gabriel

"Wala po ma, okay lang po ako!" say ni Gabriel

"Anak, kilala kita, kahit bente tres anyos ka na at Isa ka ng Piloto, alam ko pa rin kung may gumugulo sa isipan mo , ano ba Yun anak?" umupo si Grace sa kama at tinabihan si Gabriel

"Ano po bang nangyari sa akin bago ang aksidente, two years ago?" tanong ni Gabriel sa kanya ina

"Anak, ang totoo nyan you suffered a traumatic head injury two years ago, you experience a temporary memory lost kaya nung magising ka matapos ang aksidente, naaalala mo kaming lahat maliban sa Isa" pagtatapat ni Grace ng totoo Kay Gabriel

"Maliban sa Isa? Sino ma!? Sino yung taong bukod tangi kong nakalimutan matapos ang aksidente?" sunod sunod na tanong ni Gabriel sa kanya ina

"Ang taong iyon ay walang iba kung di si--" bago pa masabi ni Grace ang totoo ay biglang lumagabog sa labas ng kwarto ni Gabriel

"Ano Yun?" nagmamadaling lumabas ng kwarto sila Gabriel para makita kung ano ang nangyari

Nang makalabas sila Gabriel at Grace sa kwarto bumungad sa kanila dahilan ng bulabog sa sala nila..

"Kino Legazpi!" seryosong sabi ni Gabriel ng makaharap si Kino

"Kilala mo ang lalaking to Gabriel?" tanong ni Albert, ama ni Gabriel

"Opo pa! Si Kino Legazpi, Isang US based Pilot at boyfriend ni--" di na pinatapos ni Kino si Gabriel

"Mia Brielle Santos! Yan ang idikdik mo sa utak mo Philippine Based Pilot Gabriel Dela Cruz, girlfriend ko si Mia!!" diin na sagot ni Kino kay Gabriel, nanlaki ang mata ni Grace ng banggitin ni Kino ang pangalan ni Mia

"Paano mo naman nalaman na dito ako nakatira?" tanong ni Gabriel kay Kino ng mahinahon

"Gaya ng Sabi mo Gabriel, I'm a US based Pilot and being a citizen of the Estados Unidos, I have my connection, in the US and even here in the Philippines, kaya nung sinabi sa akin ni Mia na inihatid mo lang sya sa kanila nung nakaraang Linggo sa kanila, di ako naniniwala, dahil alam Kong magkasama kayo ng buong gabing iyon!!" nagtaas na ng boses si Kino

"Huwag kang magtaas ng boses dito sa pamamahay ko!" saway ni Albert Kay Kino, ngunit di ito nagpatinag

"Kaya ngayon Gabriel, idedeny mo pa ba ang mga katotohanan itinago Nyo ni Mia sa akin, sa amin lahat!!!" galit na si Kino

"Anong masama don Kino ah? Kung magkasama kami ni Mia buong Gabi? Magkaibigan lang kami, bakit nagseselos ka ba?" nagawa pang manukso ni Gabriel at lalong ikinapuno ni Kino, sa bilis ng kamay ni Kino ay nasuntok nya si Gabriel sa mukha

"Gabriel!!" sigaw ni Grace ng nakitang bumagksan si Gabriel

"Umalis ka na ditong hayop ka!" hinihila ni Albert palabas ng bahay nila si Kino

"Kulang pa yan Gabriel, bitawan Nyo ako!" nabitawan ni Albert si Kino at nilapitan muli si Gabriel na nakaupo sa lapag, dahan dahan itong tumayo at hinarap si Kino kahit may bangas sa gilid ng labi

"Ano bang gusto mong malaman hah?" seryosong tanong ni Gabriel kay Kino

"Di ba may girlfriend ka na? Si Sally, I know her Gabriel, nakilala ko sya sa Manila kaya nalaman ko na ikaw pala ang boyfriend na tinutukoy nya nung nagkakwentuhan kami sa Isang restaurant doon sa Manila" say ni Kino

"Yun lang ba ang gusto mong malaman? Eh nalaman mo na pala eh, ano pa ba ang gusto mong halukatin sa buhay ko at una palang pagkikita natin ay pikang pika ka na sa akin?" say ni Gabriel kay Kino ng harap harapan

"Pikang pika na ako sa sayo dahil sinusulot mo ang girlfriend ko!!" Nakatikim na naman si Gabriel ng Isa pang suntok, bumagsak na naman ito this time napadura na sya ng dugo

"Tama na!!" sigaw ni Grace

"Wala ka talagang respeto sa kung sino ang kinakalaban mo!!!" akmang susuntukin ni Albert si Kino ngunit nakailag ito at na pasubsob sa may upuan ang tatay ni Gabriel, nakita ni Gabriel ang pagsubsob ng Tatay, agad agad itong tumayo at--

"Hayop ka!!! Trespassing ka na nga!! Pati tatay ko dinamay mo!!!" Isang suntok ang pinadapo ni Gabriel sa mukha ni Kino

"Masa tarantado ka!! May girlfriend ka na nga!! Pati girlfriend ko susulutin mo pa!!" Nagsimula na ang suntukan sa pagitan nila Gabriel at Kino

Ninenerbyos na si Grace sa nangyayari kaya napasigaw ito, sakto naman dumadaan si Toper at Lei ng marinig nila ang sigaw ni Grace...

"Teka? Si Tita Grace Yun ah?" say ni Toper Kay Lei

"Oo nga, mukhang may nangyayari sa loob ng bahay nila Gabriel? Tara!!" nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay sila Toper ng madatnan nila si Gabriel at Kino nagsusuntukan

"Anong ginagawa ni Kino dito!?" say ni Lei, agad na umawat si Toper sa dalawa, hinila nya si Kino palayo Kay Gabriel, agad naman humarang si Lei Kay Gabriel para hindi ito gumanti muli ngunit sa di inaasahan ay nakawala si Kino at pinatamaan ng Isang malakas na suntok si Gabriel, bumagsak ito at tumama ang ulo sa kanto ng mesa

"Gabriel!!!" nilapitan ni Grace ang kanyang anak na bumagsak sa may kanto ng mesa

"Ano bang problema mo Kino!!!?" say ni Toper Kay Kino

"Sabihin mo dyan sa kaibigan mo na layuan ang girlfriend ko!! Oras na lapitan mo ulit si Mia!! Hayop ka!!! Di pa tayo tapos" pagbabanta sabi Kay Gabriel, may malay naman ito, sabay hawi ni Kino sa kamay ni Toper, sabay walk out

Kinapa ni Grace ang  likod ng ulo ni Gabriel..

"Gabriel? May dugo!!!?"

Biglang nawalan ng malay si Gabriel

====================================

Chapter 67 is up next

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now