Nakapasok na sa loob ng bahay si Mia ng may tumawag muli sa kanya ng pansin..
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi!"
Humarap si Mia sa kung sino ang nagsalita...
"Nay.." sambit ni Mia sa kanya ina
"Makapag-isip isip ka na ba sa ginawa mo kagabi?" tanong nya kay Mia na medyo seryoso
"Pasensya na po nay sa inasal ko po kagabi, pasensya na rin po at bigla na lang po ako umalis, pasensya na po talaga" paghingi ng pasensya ni Mia
"Naisip mo rin na mali ang umalis na lang at talikuran ang magulang mo? Naisip mo na rin na para sa iyo rin naman ang ginagawa namin paghihigpit?" si Nanay Mila
"Naintindihan ko naman po ang lahat ng sinabi nyo po kagabi, Pero --" napatigil si Mia sa sasabihin nya
"Pero?" si Mila
Inipon ni Mia ang lahat ng lakas ng loob nya para sabihin sa nanay nya ang dapat nyang sabihin...
"Hindi ko po magagawang layuan si Gabriel!" matapang na sabi ni Mia sa ina, nanlaki ang mata ni Mila
"Ano!? Mia Brielle! Sinabi ko na sayo na layuan mo na ang lalaking yun, kung saan pa mapunta yang pakikipagkaibigan mo sa kanya!!" tumaas muli ang boses ni Mila sa anak nya
"Nay!! Di Nyo ba ako papakinggan man lang? Di ko magagawang layuan si Gabriel, you can't make me do things that will make me unhappy, sorry Nay! Di ko kayang layuan ang kaibigan ko!" matapang sagot ni Mia kay Mila, sa kanyang ina
Lumabas sila Lola Maria at Tatay Carlos sa sala, namataan na naman nilang nagtatalo na naman si Mila at Mia...
"Mila, ano ba naman to anak? Kakauwi lang ng anak mo, pagtataasan mo na naman ng boses? Umagang Umaga, Buti nga at umuwi pa yan sa iyo eh" saway ni Lola Maria kay Mila
"Nay, bakit ba ako na lang ang pinagsasabihan mo? Etong apo nyo ang ayaw sumunod sa tradisyon at rules ng pamilya at ng simbahan, pinagsasabihan ko lang naman po sya, ngunit sadyang di marunong makinig!" naiinis na si Mila sa inasal ni Mia sa kanya
"Pagsabihan mo ang anak mo sa mahinahon na paraan hindi yung magpapataasan kayo ng boses mag-ina dyan kung sino ang manalo sa inyong dalawa! Hindi ito sabungan para magbangayan kayong dalawa!" pinagsabihan ni Lola Maria si Mila
"Pero nay--" di na pinatapos ni Lola Maria si Mila magsalita
"Magpasalamat ka nga at umuwi pa si Mia sa atin sa kabila ng nangyari kagabi!!" punto ni Lola Maria
"Mila, intindihin mo na lang si Mia pwede ba? Pakinggan mo kung ano ang saloobin ng anak mo bago ka magbigay ng konklusyon mo" nagsalita na si Carlos sa kanyang asawa
"Ayan ang ginagawa mo Carlos kaya ganyan katigas ang anak mo, ayaw makinig!" sermon ni Mila kay Carlos
"Nay! Wag Nyo po nga idamay si Tatay sa issue natin, tama naman po sya eh di Nyo ako magawang pakinggan, lagi na lang kayo ang tama kahit nakakasakal na, Opo! Alam kong tama kayo na dapat sundin ko ang rules ng pamilya ng to at ng simbahan, pero ni minsan po ba pinakinggan Nyo po ako? Nay?" matapang na tanong ni Mia kahit na konti na lang ay tutulo na muli ang kanya luha
"Simula nung iniwan ka namin dito sa lola mo, lalo kang naging matigas Mia!" say ni Mila sa anak
"Hindi naman po ako ganto nung wala kayo dito eh!? Ang tagal Nyo na dito sa Pinas, kailan po ba kayo babalik sa America?" naluluhang tanong ni Mia dahil sa tuwing nagkasagutan sila ng nanay nya naaalala nya ang ginawa ng kanyang ina sa kanya kagabi at kung paano maliit palang ay iniwan na sya sa pangangalaga ng kanyang Lola
"Bakit marunong ka pa sa amin bata ka?" Tanong ni Mila kay Mia
"Mas okay pa kung nasa America kayo Nay, mas panatag pa ang loob kong--" di na pinatapos ni Mila si Mia at nagsalita na ito
"Na ano Mia!? Na makipagkaibigan na kahit sino dyan lalo na at sa kasamahan mo pa sa simbahan!? Ganon ba?" say ni Mila sa anak
"Nay naman! Bakit ba ayaw nyo akong Sumaya!?" tumaas muli ang boses ni Mia sa ina
"Bakit Mia!!? Di pa ba masaya ka na nagagawa mo ang gusto mong gawin, na may kalayaan Kang gawin ang gusto mo na naaayon sa tradisyon, di ka pa ba masaya don? May mga kaibigan kang babae na miyembro ng simbahan? Di ka pa ba masaya don? Hah!?" sagot ni Mila sa tanong ni Mia sa kanya
"Simula nung umuwi kayo dito sa Pinas, di ko na naramdaman ang kalayaan na alam kong masaya ako, wala mahigpit na rules na halos ikadena ka na para di ka na makawala pa, Nay! Sinunod ko ang pagpasok sa pagiging Isang server sa simbahan para naman maging masaya kayo na Isa sa miyembro ng pamilya to ay bahagi na ng simbahan, nakasanayan ko na pong gawin at sundin ang mga gawain sa simbahan, Pero --" putol na sambit ni Mia
"Pero ano? Apo?" si Lola Maria
"Simula nung dumating si Gabriel at naging Altar server kagaya ko, everything changed, he became a special friend to me as the months had passed, kaya di ko magagawang layuan si Gabriel kahit na tumutol pa po kayong lahat!" with that words Mia bursted inside her room and shut it down and locked so no one can enter her room
Nawindang si Lola Maria, Carlos at Mila sa binitawang salita ni Mia..
"Ngayon ko lang nakita ng ganyan katapang si Mia, na handa nyang gawin at sumuway sa magulang para sa Isang espesyal na kaibigan" nagulat si Lola Maria sa sinabi ng apo
"Hindi maganda ang kutob ko dito sa batang to nay, parang Iba na, parang--" di na pinatapos ni Carlos sa pagsasalita si Mila
"Higit pa sa Isang kaibigan ang turing ni Mia sa Gabriel na iyon, kaya nagagawa nya tayong suwayin dahil ipinagkakait natin sa kanya ang dahilan ng kanyang kalayaan at kasiyahan!" sambit ni Carlos kay Mila
"Hindi maaari" tanging sagot ni Mila
==================================
Chapter 26 is up next ....
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...