Mia's POV
Ilang buwan na muli ang lumipas, nanatili pa rin ako sa pagseserve sa simbahan namin, ngunit sa iilang buwan na iyon na dumaan sadyang may naramdaman akong kakaiba at sadyang di ko maiwasan, dahil sa mga panuntunan sa loob ng simbahan di ko ito magawang maiparating sa kanya, di ko man lang masabi dahil oras na ito ay masabi ko sa kanya, tiyak na magbabago ang ikot ng mundo ko at maraming pwedeng mangyari..
"Mia okay ka lang?" muli ako bumalik sa katinuan ng tawagin ako ni --
"Gabriel?" sambit ko, tama kayo ng narinig, si Gabriel nga dahil nasa practice kami para sa misa bukas
"Okay ka lang?" tanong nya muli
"Ah..oo" tipid kong sagot sa kanya, friends na kami ni Gabriel pero hanggang dun lang pero parang hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya, lagi syang nandyan para alalayan ako kapag may lakad kami sa labas ng simbahan, lagi siyang kasama, di ko alam kung bakit nahihilig nya na ang mga trip namin
"Sure ka?" still di pa rin siya natigil sa pagwoworry sa akin
"Oo nga sabi, Gabriel naman, ok lang ako, pumuwesto ka na sa harapan mag-uumpisa na ang practice" pagtaboy ko sa kanya
"Ok, basta pag may need ka or di ka okay sabihin mo lang" huling hirit ni Gabriel
"Kulit, sige na!" say ko na lang at pumunta na sya sa pwesto nya dala ang insensaryo
Kinalbit naman ako ni Luisa...
"Bakit?" tanong ko Kay Luisa habang hawak hawak namin yung mga candle
"Napapraning ka na ba?" tanong ni Luisa sa akin
"Hah?" say ko
"Kapag nandyan si Gabriel para kang sira ng plaka nakatulala, kapag kinausap ka nya, nagugulat ka at sinasabi mong okay ka kahit halatang hindi naman, ano ba talaga girl?" usisa ni Luisa sa akin
"Wala nga sabi ang kulit naman, friends lang kami ni Gabriel, wag ka nga issue dyan!" say ko kay Luisa
"That is not what I see from the way you look at him" sumabat na si Clarice na nasa likuran namin
"Sige pagtulungan nyo ako, sabi ngang wala!" madiin kong sabi, kahit deep inside they are right
"Wag na natin kulitin Clarice baka mabinggo pa tayo Nyan!" at tumahimik na rin silang dalawa
Tumagal ang practice ng dalawang oras, matapos ang practice ay tanghalian na, naghahanda na ang mga Madre ng kakainin namin for Lunch, while waiting...
"Girls, tambay muna ako sa Garden, pahangin!" paalam ko kila Lei, Luisa at Clarice
"Okay!" sabay sabay nilang sabi, mga nakatira na naman po
Nakarating na ako sa Garden and unexpectedly may nauna na pala sa akin...
"Papahangin ka rin?" tanong sa akin ni Gabriel, lumapit ako sa kinaroroon nya
"Yup, masyadong maingay at madaming chismosa sa loob eh, kaya nagdecide na lang ako pumunta dito sa Garden, ikaw?" tanong ko naman kay Gabriel umupo ako sa tabi nya
"Well ako, di ako masyadong fan ng mga chismisan at kantsawan, mas gusto ko pa yung tahimik pinagmamasdan ang ganda ng scenery ganon!" kwento naman ni Gabriel sa akin, napangiti na naman ako habang nakatingin sa kanya
"Mukha nga, pero bakit parang nahihilig mo na rin sumama sa mga trip namin mga girls at kayo laging dalawa ni Toper ay nabuntot sa amin lagi?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sa akin
"Gusto ko lang, ayos rin kasi mga trip nyong girls, tsaka knowing Luisa, Lei and Clarice, puro mga wild eh alam mo Yun, kapipinis sa loob ng simbahan Pero sa labas, Hala sige! Don't mind the rules sa loob lang yan kapag nasa labas ka na, you own your world kung baga!" natatawang kwento sa akin ni Gabriel, napatawa na rin ako sa rereact nya sa mga pinaggagawa nila Lei
"Sabagay! Tama ka nga don, mga wild nga ang mga yun kapag nakalabas na ng simbahan!" pagsang-ayon ko sa sinabi ni Gabriel
"Except for you, kahit anong wild ang tropa mo, name-maintain mo pa rin kung ano ka sa loob at labas ng simbahan, paano?" tanong nya sa akin
"Sa totoo nyan, Free spirited girl ako, I want to discover new things on my own, yet I discover new friends despite being prim and proper inside the church but when on the outside they are so free spirited girls too, pero medyo na-over silang tatlo sa pagiging malaya sa kulungan ganun! Ako, kaya siguro na-maintain ko ang pagiging ganon ko inside or outside kasi siguro sa advice na rin sa akin ni Sister Margaret" say ko Kay Gabriel
"Mukhang mas malapit ka pa nga Kay Sister Margaret kaysa sa nanay mo, base sa observation ko ah? Don't get me wrong, yun kasi ang napansin ko sayo in the few months I've been serving here, dahil pa rin ba sa rules na kailangan mong sundin?" sambit ni Gabriel sa akin, biglang nagbago ang mood ko
"Honestly speaking, tama ka, mas nahanap ko pa ang lakas ng loob na magshare ng saloobin Kay Sister Margaret kaysa sa nanay ko, knowing my mother's nature, strict, always follow the tradition, sa totoo lang nasasakal na ako sa pagreremind sa akin na you must follow the rules of mine and this family, this is for your own good ganun, kapag nalabas ako kasama sila Lei, di ako basta basta pinapayagan kung di pa si Lola magsabi di pa ako papayagan, ang tagal naman nilang bumalik sa America!" kwento ko Kay Gabriel
"So nakabakasyon lang pala parents mo?" tanong ni Gabriel
"Apparently Yes, kaya nga nagtataka ako di pa sila nagbalik ng States, nakakalimang buwan na sila dito, wala ba Silang work? Para naman kami na lang ni Lola ang nandun, mas okay pa!" reklamo ko
"Why don't you ask them? Try mo lang" suggestion ni Gabriel
"Sure ka? Kapag nag-uusap nga kami ni nanay ko, ibabato na naman nya sa akin Yun linyahan nyang niluma na ng panahon" say ko
"Try mo lang wala naman mawawala eh, subukan mo, sayang pagiging free spirited girl mo kung di mo haharapin yan" say ni Gabriel sa akin, somehow he eases my troubling relationship with my mother, well Sabi nga nya walang mawawala kung di subukan
"Thanks for the advice!" sambit ko sabay ngiti sa kanya and he smiled back at me
"Anytime you need advice, di lang si Sister Margaret ang sandalan mo, magsabi ka lang, makikinig ako!" pagsisiguro nya sa akin
===================================
Chapter 17 is up next....
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...