Chapter 68

2 1 0
                                    

"Nasaan si Mia?"

Takang taka ang lahat na bakit si Mia ang una niyang hinahanap

"Ma, nasaan po si Mia?" tanong ulit ni Gabriel

"Sino si Mia?" tanong ni Sally, tumingin sya kila Clarice

"Sagutin Nyo ako sino si Mia?" tanong muli ni Sally kila Clarice

"Clarice, nasaan si Mia?" si Clarice naman ang tinanungan ni Gabriel

"Anak, lumabas lang saglit si Mia, bumili ng makakain, mabuti pa ay magpahinga ka na" say ni Grace sa kanyang anak

"Ma, kailangan kong makausap si Mia, ma!?  May importante akong sasabihin sa kanya" litong lito na ang lahat sa pinagsasabi ni Gabriel

"Gabriel, bakit ang Mia yung ang hinahanap mo, nandito naman ako" sabay lapit ni Sally kay Gabriel

"Anong ginagawa mo dito? Di ba nasa Manila ka?" takang tanong ni Gabriel kay Sally

"Naaksidente ka kaya napasugod ako dito, Gabriel" paliwanag ni Sally kay Gabriel

"Di ba Sabi ko dun ka muna sa parents mo?" say ni Gabriel kay Sally

"Gabriel, nag-aalala ako sayo kaya napasugod ako dito, bakit ba Iba ang mas hinahanap mo, nandito naman ako, di ka ba masaya na nandito ako?" reaksyon ni Sally

Biglang sumakit ang ulo ni Gabriel...

"Aray!!! Ang ulo ko!!" inda ni Gabriel habang hawak hawak ang ulo nya

Ilang minuto pa ay dumating na si Mia na may dalang supot ng makakain..

"Gabriel? Gabriel!?" ibinigay agad ni Mia ang supot Kay Toper at agad na lumapit Kay Gabriel

"Aray ang ulo ko!?" sumasakit pa rin ang ulo ni Gabriel

"Gabriel, tumingin ka sa akin, nandito ako okay?" pagpapakalma ni Mia kay Gabriel, unti unting kumakalam ang sakit ng ulo ni Gabriel

Nang makita nya kung sino ang pagpapakalma sa kanya..

"Mia? Mia!!" napayakap bigla si Gabriel Kay Mia na ikinagulat ni Sally

"Ikaw si Mia!?" tawag pansin ni Sally kay Mia

Humarap si Mia kay Sally, still nakayakap pa rin si Gabriel sa kanya

"Sally, please wag ngayon, kita mong nagpapagaling pa sa Gabriel, please!" kalmanteng Sabi ni Mia

"Papaano mo nalaman ang pangalan ko?" takang taka si Sally bakit nakilala sya ni Mia kahit hindi pa sya nagpapakilala

"Natural wala namang ibang Sally dito kung di ikaw?" say ni Mia

Kumalas si Gabriel sa pagkakayakap nya Kay Mia at humiga muli sa kama..

"Pahinga ka muna okay" say ni Mia kay Gabriel, tumango lang si Gabriel bilang pagsang ayon

Nang makatulog muli si Gabriel ay tinawag ni Sally si Mia..

"Pwede ba kitang makausap ng private?" say ni Sally, tumingin si Mia kila Clarice, umiiling sila na huwag dahil kilala nila ang babaeng yan, maruta yan!

"Sure!" matapang na sagot ni Mia

Lumabas sila Sally at Mia sa may Hallway ng ospital, walang tao dahil lahat ay nagchecheck at monitor sa mga pasyente

"So?" say ni Mia ng biglang---

*Pak*

Isang malutong na sampal ang natikman ni Mia mula Kay Sally..

"Who do you think you are!? Ano ka ba ng boyfriend ko? Kung makadikit ka sa kanya para Kang linta?" sumbat ni Sally kay Mia

"Masama na bang dumikit dikit kay Gabriel ngayon? Sa pagkakaalam ko lang ah, ikaw yata tong parang linta na kung saan pumunta si Gabriel ay para Kang kabute na nasulpot para sunduin sya?" birada ni Mia, lalong nag init si Sally

"Natural girlfriend nya ako! Natural na sunduin ko sya, tsaka saan mo naman nalaman ang mga bagay na iyan!? Eh ngayon lang naman tayo nagkakilala?" say ni Sally kay Mia

"Psychologist ako Sally kahit hindi mo sabihin, nababasa ko sa utak mo na ganun ang ginagawa mo matapos lagi ang trabaho ni Gabriel, di mo binibigyan ng kalayaan si Gabriel na makipag mingle sa iba nyang mga kasama, selfish ka Sally, hindi sa lahat ng oras, umiikot ang mundo sayo ni Gabriel" say ni  Mia

"Anong sabi mo!?" akmang sasampalin ulit ni Sally si Mia ng pigilan nya ito

"Tama na yung isa Sally, hindi ako Isang mahinang pwede mong tapaktapakan" banta ni Mia kay Sally

"Ah ganon!!?" hinawakan ni Sally ang Isang kamay ni Mia at naitulak nya ito sa  dingding, sa lakas ng pagtulak ni Sally, tumama ang ulo ni Mia ng malakas sa dingding

Meanwhile..

*Blags*

Napatayo ang lahat sa lakas ng tunog na Yun...

"Ano Yun?" say ni Lei, napaisip si Clarice

"No way!! Girls Tara!! Si Mia!?" tumakbo palabas ang barkada

Nang makalabas sila nakita nila ang eksena..

"Sally!! Tigilan mo na yan!!?" tumakbo sila papalapit kila Mia

"Gusto mo talaga ng away!!" Hamon ni Mia kahit na tumama na ang ulo nya ay nakatindig pa rin siya at nag umpisa muli ang Isang girls fight .

"Matigas talaga ang Bungo mong babae ka!!!" say ni Sally habang nakikipagsabunutan Kay Mia

"Ikaw na babaeng buntot ka, wala ka ng ginawa kundi buntot ng buntot kung saan napunta ang jowa mo, di mo man lang binibigyan ng privacy yung tao, daig mo pang obscess na girlfriend na ayaw humiwalay sa kanya!" ganti naman na sagot ni Mia

Lumapit ang barkada sa eksena ng dalawa....

"Hoy kayong dalawa tigilan Nyo na nga yan!" hinila ni Clarice si Mia palayo Kay Sally, si Toper naman Kay Sally, Pero napalag pa rin ito

"Sinasabi ko sayo Mia! Matuto Kang dumistansya sa boyfriend ko, alam Kong may boyfriend ka!! Kaya tigil tigilan mo na ang boyfriend ko!!" say ni Sally with a dagger look on Mia while hawak sya ni Toper

"Sally!! Hindi mo property si Gabriel, di pa naman kayo kasal, ganyan na asta mo!! Tsaka anong masama kung magkaibigan kami ng boyfriend mo hah!? Tsaka wag mo nga diktahan kung sino kakaibiganin ni Gabriel pwede!!?" matapang na sagot ni Mia, hawak hawak naman siya ni Clarice

"Mia, Tama na!" saway ni Clarice sa kanya

"I know there is something going on with you and Gabriel and I will definitely find it out, mark my words!!" huling Sabi ni Sally at nagpabitaw na sya Kay Toper at naglakad palabas ng ospital

Matapos mag walk out ni Sally, kumalma ma ng konti si Mia..

"Okay ka na?" tanong ni Clarice Kay Mia

Lumapit sila Toper, Lei at Luisa Kay Mia..

"Ayos ang laban kanina ah!" biro ni Toper, hinampas naman sya ni Lei

"Thanks guys, lumabas kayo or else baka pareho na kaming basag ang mukha" pasalamat ni Mia dahil lumabas ang barkada nya para umawat

"Talagang nilabanan mo na ang babaeng Yun, well deserved nya Yun" say naman ni Lei

"Makikipag usap lang naman ako ng maayos Pero pinangunahan nya ng violent move so, give and take!" simpleng sagot ni Mia

"Hay naku, mamaya na ang kwentuhan pumasok na tayo sa loob" say ni Clarice

"Sige pasok na tayo--" bago pa masabi ni Mia ang sasabihin nya ay bigla na lang sya

Nawalan ng malay, agad naman sya nasalo ni Toper..

"Mia?" tinatapik ni Clarice ang mukha nito, nang makapa ni Toper ang kung ano nasa likod ng ulo ni Mia

"Guys,  may dugo! Mia!!!!"

====================================

Chapter 69 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now