Gabriel's POV
*Dreamland*
Maghahawak kamay kaming naglalakad ni Mia papuntang simbahan ng may tumawag sa amin--
"Nice one pre ah! Kayo na ba?" si Toper lang pala akala ko kung sino
"Pre wag ka nga maingay dyan!" saway ko kay Toper
"Sus Pre! Halata naman bakit ayaw mo pang aminin sa akin na kayo na ni Mia ah? Sa atin atin lang naman, so ano kayo na nga?" sabay akbay ni Toper sa akin
"Oo na Toper, huwag mo ng alaskahin si Gabriel, Oo na kami na" si Mia na ang sumagot sa tanong ni Toper
"See pre, Buti pa girlfriend mo honest, ikaw madami pang pasakalye!" biro ni Toper sa akin
"Quiet ka na nga lang, alam mo naman ang daming mata sa simbahan baka makarating kay --" bago ko masabi ang sasabihin ko
"Mia at Gabriel anong ibig sabihin nito?" si Sister Tessy, anak ng --
End of Dreamland...
"Ahhhhhhhhh" napabalikwas ako ng gising, tinignan ko ang oras, alas-5 palang ng Umaga, naulan pa rin ng malakas,nagulat rin ako dahil bukod sa nakakatakot na paghuling iyon ay may magandang nangyari naman, Isang magandang binibini ang nakayakap lang naman sa akin, abay himbing na himbing ang tulog
"Buti di ako narinig sumigaw" Sambit ko sa sarili ko, bumalik na rin ako sa pagtulog dahil maaga pa lang naman madilim pa at naulan
Lumipas ang oras at nasa ika-7 na ng Umaga...
Nagising na ako dahil di na talaga ako nakatulog sa panaginip Kong Yun, ang ganda ganda na naging paghuli pa ng istriktang Madre bakit ba pumasok sa eksena Yun...
"Morning?" until unting iminulat ni Mia ang kanyang mga mata at nakita nya ang posisyon nya, ngitian ko lang sya
"Morning" matamis ko Sabi, agad syang kumalas sa pagkakayakap sa akin
"Sorry, napayakap ako sayo, ang likot ko kasing matulog" nahihiyang sabi ni Mia, kita kong namumula na ang pisngi nya
"Okay lang Yun, Buti di mo narinig yung sigaw ko kanina" say ko sa kanya, umayos sya ng upo, umupo na rin ako
"Bakit ka sumigaw kanina? Nanaginip ka ba?" takang tanong nya sa akin
"Yup, maganda na Sana bigla na lang may umeksenang nakakatakot" kwento ko
"Tungkol saan naman ang napanaginipan mo?" tanong ni Mia ulit sa akin
"Basta, masaya sya nung una pero biglang may nakahuli nakakatakot" say ko nalang
"Arte, ayaw ikwento, sige na di ko na pilitin kung ano ang napanaginipan mo!" ngiti nyang sabi sa akin
"Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya
"Medyo, biscuit lang kasi kinain ko kagabi eh kaya medyo nakalam na" sabay hawak sa tyan nyang kumakalam na sa gutom
Tumayo na ako para kumuha ng cup noodles at nagpainit na rin ng Tubig, may initan ako ng Tubig rito, may kuryente rin naman dito kahit papaano dito sa Treehouse
"Okay na ba sayo tong cup noodles?" tanong ko kay Mia, nililigpit na nya ang pinaghigaan namin, parang misis lang ang datingan ah, umiral na naman imagination ko
"Wow, maayos ka palang magligpit pwede ng mag-asawa!" biro kong sabi
"Sana nga bumilis na ang panahon ng di na ako sinasakal ng nanay ko sa pagiging overprotective at strict nya sa akin!" say nya sa akin, mukhang di napikon sa sinabi ko sa kanya
"Sakal na sakal ka na talaga sa nanay mo no? Yung biro ko sineryoso mo na rin" say ko sa kanya habang hinhintay Kong uminit yung Tubig na pinapainit ko
"Gabriel, simple lang naman ang buhay eh, lalaki tayong lahat, magtatapos ng pag-aaral, magkakatrabaho, magkaroon ng sarili ng pamilya na papalakihin na hindi nasasakal sa mga tradisyon at patakaran ng nakaraan, nasa kasulukuyan na tayo kaya, kung ako magkakapamilya, papalakihin ko ang pamilya ko ng di parang sa akin, yung sobrang higpit, gusto ko yung mga magiging anak ko di ako sasagutin na sobrang higpit ko ganon, gusto ko balance lang nagkakaintindihan parehas ganon!" kwento nya, mainit na yung Tubig na pinainit ko, ibinuhos ko na ito sa dalawang cup noodles, inilagay ko na ito sa mesa pati dalawang bottled water, umupo na sya at ganun rin ako
Habang tahimik kaming nakain ng agahan, until unti ng tumitila ang ulan pero naambon pa rin..
"Mia?" tawag ko sa kanya
"Yung mga sinabi mo kanina, yung talaga ang gagawin mo sa future mo?" tanong ko sa kanya
"Yup, ipapakilala ko rin naman sa kanila yung tradisyon at rules na kinalakihan ko pero di ko sila sasakalin na kailangan ganto kailangan ganyan ang gawin mo, di ka pwede makipagkaibigan sa kanya sa ganto, di ko pagbabawalan, kapag tama naman ang pagpapalaki sa anak ay di naman gagawa yan ng ikagagalit mo di ba?" kwento ni Mia habang nahigop ng noodles
"May point ka naman doon.." say ko na lang
Natapos na rin kaming kumain ng agahan..
"Ano ready ka ng umuwi sa Inyo?" tanong ko sa kanya, palabas na kami ng treehouse at inalalayan ko na siya pababa
Nanatili syang tahimik habang naglalakad kami pabalik sa kanya kanya naming bahay, tahimik pa rin si Mia ng makasalubong namin si --
"Sister Margaret?" say ni Mia
"Good Morning, Mia, Gabriel, ang aga naman para kayo ay namamasyal? At sandali Mia, hindi ba yan ang suot mo kahapon? Saan ka nanggaling? Umalis ka ba sa Inyo?" takang tanong ni Sister Margaret Kay Mia
"Dyan lang po Sister nagpalipas lang po ng Sama ng loob" sagot ni Mia
"Bakit? Nagkasagutan ba kayo sa Inyo?" tanong ng Madre kay Mia
Humarap sa akin si Mia...
"Gabriel, una ka ng umuwi sa Inyo, baka hinahanap ka na sa inyo, may ikukunsulta lang ako kay Sister Margaret then after nito uuwi na rin ako!" say nya sa akin
"Sigurado ka? Ayaw mong hintayin na kita? Di naman siguro magtatagal ang usapan Nyo ni Sister?" tanong ko sa kanya
"Sure ako Gabriel, una ka na sa Inyo, uuwi rin ako sa amin after, sige na" say sa akin ni Mia
"Sige, text ka pag nakauwi ka na ah!" huling sabi ko sa kanya at akmang papalakad na ako, ng hawakan nya ang kamay ko at niyakap, nagulat ako sa ginawa nya maging si Sister Margaret ay nanlaki rin ang mga mata
"Thank you for staying with me last night!" bulong nyang sabi sa akin para di marinig ni Sister, I just smiled back while hugging her
Kumalas na kami sa yakap, nagpaalam na ako Kay Sister Margaret at naglakad na ako pauwi, iniwan ko na si Mia kay Sister Margaret para sila ay makapag-usap...
===================================
Chapter 24 is up next....
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...