Lola Maria's House
Walang tigil ang pagbuhos ng ulan, nakasilip sa may bintana si Mila nagbabaka sakaling umuwi si Mia, nilapitan siya ni Carlos, mag alas 10 na ng Gabi...
"Bakit Tila yata nauulit na naman ang nangyari, dalawang taon ng nakakalipas?" sambit ni Mila sa kanyang asawa
"Bakit ba kasi di mo sinabi sa kanya ang tunay na nangyari two years ago? Bakit iniba mo ang kwento nung magising siya?" say ni Carlos Kay Mila
"Ayaw ko naman makulong sa kalungkutan ang anak ko na nawala sya ng ala ala dala ng aksidente, alam ko naman na yung alaalang Yun ay yung alaalang minsan Kong ipinagkait sa kanya dala ng takot na masira sya sa simbahan at masira ang repotasyon ng pamilya natin" paliwanag ni Mila Kay Carlos
"Ang alaalang Yun ang naging malaking kasiyahan ng anak mo sa kabila ng matinding patutol mo sa kanya noon dahil sa tradisyon ng pamilya at simbahan, alam mong sinabi ng doktor na pansamantala lang ang memory lost ni Mia, maswerte ka Mila na tumagal ng dalawang taon ito, paano kung sa pagbalik ng alaala ng anak mo? Anong gagawin mo? Yang si Kino, ang batang yun ay walang kaalam alam sa nangyari Kay Mia bago sila magkakilala at pinayagan mo pang maging sila, anong gagawin mo kung sa pagbalik ng memorya ni Mia, mas lalong madagdagan ang galit nya sayo, at hahayaan mo bang masaktan ang Isang binatang nag-asam lamang ng pag-ibig ng anak mo dahil ang alam nya ay wala pa itong minahal noon at ang alam nya ay sya lang ang lalaking nakasama ni Mia sa Amerika, ang di nya alam bago pa sila magkakilala, may binata na tunay na nagpapasaya Kay Mia bago pa ang aksidente, ang lalaking ipinagkait mo sa anak mo noon, dahil sa pilit nyang inipaglaban ito nahatong sa aksidenteng nakapagpawala ng memorya nya at palagay ko ganun rin ng binatang si Gabriel, pinaalalahanan kita Mila, itama mo na ang lahat bago pa bumalik ang lahat at muli kang kamuhian ng anak mo!" sambit ni Carlos Kay Mila at bumalik na sya sa pagtulog naiwan si Mila nakatanaw sa bintana
Samantala....
Naalingpungatan si Mia dahil sa may na-ungol sa tabi nya at kumakaluskos, pagkakita nya ay si --
"Gabriel, anong nangyayari sayo?" nilapitan agad ni Mia si Gabriel na balot na balot ng kumot, kinapa ni Mia ang ulo nito
"Nilalagnat ka? Sinabi ng wag mo na akong sundan kanina eh! Anong gagawin ko?" nagpapanic na si Mia dahil sa taas ng lagnat ni Gabriel
"Okay--lang ako Mia, wag--mo akong intindihin" mahinang Sabi ni Gabriel kay Mia
"Sira ka ba, alangan naman hayaan kitang kinukumbulsyon dyan, teka may medicine cabinet ka ba dito sa Treehouse mo?" say ni Mia
"Nasa--may tabi ng Mesa" say ni Gabriel, nangingig pa rin ito sa lamig
Dali daling tumayo si Mia para kunin ang gamot sa medicine cabinet at nagpainit na rin ito ng noodles para pagpawisan si Gabriel..
Iniupo ni Mia ng maayos si Gabriel at dahan dahan pinahigop ng mainit na sabaw, matapos nito ay binigyan nya ito ng gamot at agad naman itong ininom ni Gabriel sabay balik sa pagkakahiga..
Naghanda na rin ng bimpo at tubig si Mia para ilagay sa ulo ni Gabriel para magsubside ang init ng katawan nito..
Habang pinupunasan ng Bimpo ni Mia ang ulo ni Gabriel..
"Kaya siguro pilit mo akong pinagstay dito dahil magkakaganto ka pala, ngayon lang kita nakitang nanghihina, parang tuloy ako pa ang may kasalanan kaya ka nagkakaganto, pasensya ka na Gabriel kung iniiwasan kita ah, nahihirapan na kasi ako sa nararamdaman ko, Pero mas mahirap palang makita Kang ganto, nanghihina, pakiramdam ko pati ako nanghihina rin, hirap mo ring iwasan kasi kahit anong iwas ko pinagtatagpo pa rin tayo ng tadhana kahit alam natin pareho na may iba na tayo, I'm sorry Gabriel kung nahihirapan ka sa sitwasyon natin, nahihirapan rin ako" tumulo na ang luha ni Mia habang sinasambit ang mga katagang iyon Kay Gabriel
Matapos punasan ni Mia ang ulo ni Gabriel at kinapa nya ito at medyo bumaba na ang lagnat, niligpit na nya ang mga ito at inihanda muli ang sarili sa pagtulog
Papatulog na si Mia ng biglang may yumakap sa kanya sa likuran..
"Gabriel.." Sambit ni Mia habang si Gabriel ay yakap na Yakap sa kanya
"Hayaan mo na akong gawin ito, this way maibsan ang nararamdaman Kong sakit, please let me be this way, Mia" mahinang Sambit ni Gabriel sa kanya, hinayaan na lang ni Mia si Gabriel na yakapin sya hanggang sa tuluyan na rin syang nakatulog sa bisig ni Gabriel
Sa kalaliman ng Gabi, mahimbing ang tulog ng dalawa, pakiramdam ni Mia na nangyari na itong eksenang ito sa kanya dati at pakiramdam nya ay si Gabriel rin ang lalaking iyon, di mawari sa kanyang isipan na para bang isang lalaki lang gumawa nito sa kanya, ngunit di sya nakaramdam ng alinlangan kung di pahingahan at kasiyahan ng muli niyang marinig ang mga katagang--
"Mahal kita Mia, mahal na mahal" alam nyang si Gabriel iyon habang tulog, she felt the spark feelings of love
Kinabukasan...
Nag-aalmusal ang pamilya ni Mila, naulan pa rin ngunit di na gaano kalakas di tulad ng dati..
"Tahimik ka ata Mila anak?" takang tanong ni Lola Maria sa kanyang anak
"Wala pa ito inay, kumain na ho kayo, labis lang siguro akong nag-aalala dahil hanggang ngayon ay di pa nauwi si Mia, simula kahapon ng hapon" say ni Mila sa kanyang ina
"Pakiramdam ko naman ay nasa maayos na kalagayan ang anak mo Mila, sadyang namiss nya lang siguro ang maglibot sa ating bayan at napagawi kung saan" say ni Lola Maria
"Uuwi rin si Mia, Mila kaya kumain ka lang dyan para mawala sa isip mo ang pag-aalala sa anak mo, malaki na Yun, kaya na nya ang sarili nya" say naman ni Carlos Kay Mila
Ilang minuto pa ang lumipas may tumigil na sasakyan sa harap na bahay nila Lola Maria, sumilip si Carlos..
"Si Mia na ba iyon Carlos?" tanong ni Mila Kay Carlos
"Hindi Mila, si Kino, may dalang bulaklak yata para sa anak mo" say ni Carlos
Umakyat si Kino sa bahay at nagmano kila lola Maria, Mila at Carlos, may dala dala ngang Isang bungkos ng bulaklak at regalo para kay Mia...
"Magandang Umaga ho, Lola Maria, Tita, Tito" bati ni Kino sa kanila matapos magmano
"Magandang Umaga Kino, naparito ka yata ng maaga?" say ni Carlos
"Inagahan ko po talaga para maibigay ko ito Kay Mia" say ni Kino
"Ah para Kay Mia?" say ni Mila
"Oo nga po pala, nasaan po si Mia?" tanong ni Kino
====================================
Chapter 64 is up next
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...