Chapter 48

2 1 0
                                    

Gabriel's POV

Nasa biyahe na ako pauwing Vigan, it's been a year since yung last uwi ko sa probinsya, my home, namiss ko na rin sila Mama at Papa, since I have no schedule of flights these two weeks, better take the chance to have a rest at my hometown without Sally, hay that girl, buong taon ko sa Manila lagi na lang sya nakabuntot sa akin, para bang may gagawin akong di kaaya aya, Buti na lang at pumayag na hindi sumama sa Vigan, for sure wala akong kalayaan kapag kasama sya!

*Phone ringing*

"Hello pre?" sagot ko sa phone

"Pre, biyahe ka na ba pauwi dito sa Vigan?" tanong ni Toper

"Oo pre, gising ka pa pre? Anong Oras na ah?" say ko kay Toper

"Kakauwi ko lang pre galing sa Isang dinner  with a friend, kakauwi lang galing Amerika!" say ni Toper sa phone

"Oh! Sayang di ako nakaabot, kasama mo sila Lei sa dinner?" tanong ko

"Oo pre! Loner ako pre, wala akong kavibes don, pinagkakaisahan nga ako ng mga girls eh!" nagsumbong pa sa akin si Toper

"Sorry pre, ginabi na ako ng luwas, inihatid ko pa kasi si Sally sa kanila" say ko sa kanya

"Di mo kasama ang dakilang buntot mo este ang syota mo?" takang tanong ni Toper sa akin, dahil sanay syang nakabuntot si Sally sa akin

"Hindi pre, iniwan ko muna sa parents nya, magbonding muna sila pamilya kaysa buntot ng buntot pre, wala akong freedom pre for the past two years, sa tuwing bababa ako after ng every flight ko, nakasalubong na agad, at kung saan may get together ang mga katrabaho ko dun nasulpot, kaya buti na lang natakasan ko ngayon" kwento ko Kay Toper

"Siguro nagmamaktol na Yun pre dahil iniwan mo sa parents nya sa Manila!" say ni Toper

"Wala ng bago dun pre sa babaeng Yun" say ko kay Toper

"Sawa ka na ba pre? Napagtyagaan mo Yun ng dalawang taon, naiirita ka na?" tanong ni Toper

"Ewan ko ba pre, mag usap na lang tayo pagdating ko dyan! Bye!" at binaba ko na ang phone at nagpatuloy sa nagmamaneho pa-Vigan

After 6 hours of driving...

Finally nakarating na rin ako ng Vigan, mag 5am na ng Umaga, grabe kinaya ko Yun! Ipinark ko muna ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at mukhang gising na si Mama..

Inilabas ko muna ang mga gamit ko sa trunk ng sasakyan at Isa Isang ipinasok sa loob ng bahay ng makita ako ni Mama

"Anak!  Nandito ka na pala, kumusta biyahe?" tanong sa akin ni Mama

"Okay naman po ma, after the flight and konting kainan with the crew, dumeretso na rin ako ng biyahe pauwi po rito!" say ko kay Mama habang ipinapasok ko ang mga gamit ko sa kwarto ko

"Nakaya mo Yun nak, wala ka pang pahinga ah?" pag-aalala ni Mama sa akin

"Nasanay na rin po ma, Pero pahinga muna ako saglit po para makabawi po!" say ko Kay Mama Grace

"Sige anak, pahinga ka na muna, Maya Maya gisingin kita para makapag agahan ka!" say ni Mama sa akin, dumeretso na ako ng kwarto

Pahiga na ako sa kama ko at ready ng matulog ng biglang nag text si Sally...

"Love nakarating ka na ba sa Vigan? Ingat ka palagi, hintayin kita after 2 weeks!"

Hindi ko na sinagot dahil inaantok na ako...

End of POV

Mia's POV

Maaga akong nagising today, di ko alam baka hindi lang ako sanay ulit sa oras dito sa Pinas, mag 6am in the morning palang at tulog pa ang lahat..

Maliwanag na sa labas, naglakad lakad muna ako sa labas para naman makasagap ng simoy ng hangin

Naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa plaza ng bayan sa tabi ng simbahan, napatingin ako sa simbahan namin..

"Ang tagal na rin nung huli akong nandito para mag serve" say ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang simbahan namin dito sa bayan

"Maligayang pagbabalik Mia" tumingin ako sa kung sino ang bumati sa akin

"Sister Margaret?" si Sister nga ba itong bumati sa akin

"Ako nga Mia, kumusta ka na?" sabay lapit sa akin ni Sister na dati Kong naging gabay dito sa simbahan

"Okay naman po Sister, kayo po kumusta na ho kayo?" say ko sa kanya

"Eto mabuti naman! Nagkakaedad na rin, ikaw nga kahit lumipas na ang dalawang taon hindi pa rin nagbabago ang iyong itsura simula nung umalis ka ng Vigan" say sa akin ni Sister

"Salamat po Sister" nahihiya kong sambit

"Nagkita na ba kayo ng mga kaibigan mo?" tanong nya sa akin

"Opo, Sister kahapon po ay pinaghanda nila kami ng pamilya ko ng dinner pagkadating po namin dito sa Vigan" say ko sa kanya

"Kasama ba rito ang Isang server na minsan naging mas malapit sa iyo?" nagtaka ako sa sinabi ni Sister Margaret

"Po? Sino po Sister?" takang tanong ko Kay Sister Margaret

"Mukhang naging matindi ang epekto ng nangyari dalawang taon nakakalipas sa iyong memorya at ganun din sa memorya ng tinutukoy Kong naging mas malapit sa iyo Mia" naguguluhan na talaga ako sa ikinukwento sa akin ni Sister

"Sino po siya Sister? Bakit parang napakaimportante nya sa buhay ko?" tanong ko muli kay Sister Margaret

"Mukhang hindi ako ang tamang tao para sa katanungan mong iyan Mia, malalaman mo rin Pagbalik ng lahat sa iyo, papaano, masaya akong muli kang makita Mia" say ni Sister at umalis na ito

Naguguluhan na talaga ako, sino yung tinutukoy ni Sister Margaret, parehas rin ba ito sa tinutukoy ni Toper sa akin, agghhhh!!! Bakit ba di ko maalala?

"Mia!" lumingon ako sa kung sino naman ang tumawag sa akin

"Clarice? Anong gingawa mo dito?" takang tanong ko Kay Clarice na nakapangjogging na outfit

"Jogging, ikaw anong ginagawa mo rito sa plaza ng mag-isa?" tanong nya pabalik sa akin

"Naglalakad lakad lang! Maaga kasi akong nagising, di pa ulit sanay sa oras dito sa Pinas kaya nagpasya na lang akong maglakad lakad muna" paliwanag ko sa kanya

"Ah okay, nakita ko si Sister Margaret ah? Anong sinabi nya sa iyo?" tanong ni Clarice sa akin

"Yun nga rin ang itatanong ko sayo, sino ba yung tinutukoy ni Sister Margaret na mas malapit sa akin?"

===================================

Chapter 49 is up next....

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now