Nakarating na sa kainan sila Gabriel at Toper at maraming tao dahil kapistahan ng maalala ni Gabriel ang gusto nyang tanungin Kay Toper...
"Oo nga pala pre, sino pala yun --" dina pinatapos ni Toper sa pagsasalita si Gabriel..
"Tara na pre kumain mamaya na ang kwentuhan nagugutom na ako eh!" nauna na si Toper kumuha ng breakfast, sinundan na ni Gabriel baka sabihin iniwan sya mag-isa
Papunta na sila Gabriel at Toper sa Isang pwesto para magbreakfast...
"Daming tao ngayon pre, fiesta kasi" say ni Toper habang nanguya ng sandwich
"Kaya nga, ang dami rin Pari dumating para maki-fiesta " sagot ni Gabriel ng napansin nya ang Isang grupo ng babaeng altar server na ang ichichinichismis ay walang iba kung di --
"Pre, mukhang ikaw ang topic ng girls don oh!" napansin rin ni Toper
"Bakit naman ako ang topic nila?" takang tanong ni Gabriel, ni hindi pa nya ginagalaw ang sandwich nya
"Lakas kasi ng dating mo pre, para bang isang Anghel na dumaan, unang sabak mo palang sa service, kaya ikaw ang laman ng chismisan department ng mga girls" nagmonstra pa si Toper, napa-iling na lang si Gabriel
"Di pa naman ako sanay na pinag-uusapan" say naman ni Gabriel
"Naku pre! Masanay ka na, tsaka pre hanggang chismis lang naman ang mga girls eh, di ko pala nakukwento sayo yung isa pang madugong rules dito" say ni Toper
"Ano naman Yun?" say ni Gabriel na curious sa sasabihin ni Toper
"The penultimate rule dito, bawal na bawal kang magkaroon ng relasyon sa Isa sa mga chix na yan o kaya may namagitan sa Inyo, or else.." pabitin si Toper
"Or Else?" say ni Gabriel
"You are kicked out of this responsibility as a altar server of this church" pagtatapos ni Toper, nanlaki ang mata ni Gabriel
"Seryoso pre? Bawal kang magkajowa dito? Ni magkaroon ng crush?" sunod sunod na tanong ni Gabriel kay Toper
"Jowa bawal pre! Pero crush pwede pa pero gang crush lang di na lalampas don, kaya ako eto, hanggang tanaw na lang kay Lei" sabay sulyap sa Isa sa mga babaeng altar server
Lumingon si Gabriel para tignan ang pinapantasya ni Toper..
"May itsura pre ah medyo chinita, sya ba yung may hawak ng Krus kanina sa misa?" tanong ni Gabriel
"Oo pre! Sya nga Yun!" say ni Toper
"Ganda ng taste mo pre!" sabay apir ni Gabriel kay Toper
"Hanggang crush na lang pre, ang tagal ko na dito sa simbahan nagseserve kaya medyo behave ako" say ni Toper
"Ngayon ko lang pala nalaman na may ganyan palang rules dito" sabay tingin ni Gabriel sa may Hardin na natatanaw sa kainan
"Bakit pre? May trip ka ba sa mga girls na yan sa likuran natin?" tanong ni Toper Kay Gabriel, tumingin muli si Gabriel kay Toper
"Ako? May trip sa kanila? Wala pre.." Sambit ni Gabriel
"Wala talaga pre or wala dyan yung trip mo?" takang tanong ni Toper, mukhang nahalata ni Toper ang pagtingin ni Gabriel sa babaeng kausap kanina ni Sister Tessy
"Wala talaga pre tsaka sabi mo nga bawal magkajowa, hanggang crush lang di ba?" depensa ni Gabriel kay Toper
"Pero crush meron pre?" di talaga tinitigilan ni Toper si Gabriel
"Wala nga pre, tsaka kabago bago ko lang dito yan agad ang aatupagin ko, di muna pre!" say ni Gabriel sabay higop ng juice
"I swear pre, nararamdaman ko na may nakaagaw ng pansin mo dito" di talaga natigil si Toper
"Dyan ka na nga pre, dun na lang ako magbreakfast sa garden para tahimik!" sabay kuha ni Gabriel ng sandwich at juice nya sabay tayo at naglakad palabas ng kainan
"Nasa Hardin pre ang unang pagtingin!" humabol pa ng asar si Toper
Naglakad na si Gabriel papuntang Garden ng simbahan ng napansin nya ang Isang babaeng nakaupo sa Isang bench doon, nakasalpak ang earphone sa Tenga habang nakain ng sandwich, pinagmasdan mabuti ni Gabriel ang babae ng biglang...
"Mia!!!" may Isang babaeng sumigaw, tinanggal ng babaeng nakaupo sa bench ang earphone nya at tumingin sa kinaroroonan ng tinig
"Clarice naman kung makasigaw, malakas pa sa amplifier ng simbahan" tumayo yung babae tinawag na Mia para lapitan si yung babaeng sumigaw na si Clarice
Nanatili nakasilip si Gabriel sa may likod ng puno...
"Kalapit lapit ko na sayo, amplifier agad ang bungad mo" reklamo nung Clarice
"Ano bang need mo ah?" takang tanong nung Mia
"Tapos na kaming magbreakfast samantalang ikaw eto nagdadaydreaming dito sa Garden, ang bagal mo pang kumain" reklamo ni Clarice Kay Mia
"Sorry ah! Kakaumpisa ko lang naman kumain, nawala nga ako ng gana dahil nagbreakfast ako ng sermon kanina" say ni Mia kay Clarice
"Bakit naman? Sinong nanermon sa Isa sa pinakamagaling at masunuring altar server na nagmana Kay Sister Margaret sa pag-papaalala ng rules dito sa amin?" kuwestyon ni Clarice Kay Mia
Sadyang di na nagalaw ni Gabriel ang sandwich nya dahil nakasilip lang sya sa likod ng puno pinagmamasdan ang dalawang dalaga na nag-uusap ng biglang--
"Sadyang parehas nga ang nais ng isang lalaki at babae, ang patagong sinusulyapan ang isa't isa" nagulantang si Gabriel ng may magsalita sa kanyang likuran, lumingon sya at nakita nya ang nanlilisik na mata ni --
"Sister Tessy?" sagot ni Gabriel
"Tila yata parehas ang nais nyong dalawa ng Isa sa altar server na iyun, ang sulyapan ang isa't isa" sambit ni Sister Tessy kay Gabriel, kinakabahan na si Gabriel
"Nagpunta lang po ako dito sister para kumain ng breakfast, dala ko pa po ang kakainin ko po oh" sabay pakita ni Gabriel ng sandwich at juice nya
"Sigurado ka ba?" nanlilisik na tanong ni Sister Tessy
"Opo sister, kakain lang po ako ng breakfast po dito sa Garden marami po kasing tao sa kainan kaya lumabas na lang po ako para kumain dito po!" nagdahilan muli si Gabriel pero mukhang di tinotolerate ni Sister Tessy ang reason ni Gabriel
"Parehas na parehas na dahilan na sinabi gaya rin ni Mia, lalabas ng kainan para kumain sa Hardin ngunit ibang pagkain pala ang nais gawin ang sulyapan ang Isa sa mga bagong server ng simbahan ito" sermon ang ipinakain ni Sister Tessy kay Gabriel
"Pasensya na po Sister kung Yun po ang di nyo inaasahang makita" paghingin ng dispensa ni Gabriel
"Gabriel iho, alam kong kay bago bago mo rito, sanay tularan mo ang pinsan mong si Anton na sundin ang mga rules dito sa loob ng simbahan, alam mo naman siguro ang mga rules dito ano iho?" tanong ni Sister Tessy kay Gabriel at tumango na lang si Gabriel bilang pagsang-ayon sa Madre
"Bueno, sana ay masunod mo ang rules dito" at umalis na ang Madre at iniwan si Gabriel na speechless
Habang nakakakwentuhan si Clarice at Mia, napansin ni Mia ulit si Sister Tessy na papaalis matapos kausapin si..
"Girl!!!! Ang gwapo ni Gabriel!!! Si Gabriel ang bagong altar server natin na sinusulyapan mo kanina pa!" tili ni Clarice ng makita ang lalaking kinausap ni Sister Tessy
"Gabriel?" sambit ni Mia
==================================
Chapter 10 is up next
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfiction"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...