Chapter 36

1 1 0
                                    

"What!!? Nagtanan ang dalawa?" reaksyon nila Lei at Luisa

"Girls, kahit kailan talaga kayo ang OA nyong magreak, hula ko lang naman Yun, wala pa naman akong ebidensya na magkasama nga sila, tong mga to kung makareak" depensa ni Clarice sa dalawang OA nyang kaibigan

"What if ngang totoo yang hula mo Clarice? What if nga kung nagtanan nga yung dalawang Yun?" say naman ni Luisa

"Edi magaling ang diskarte ni chinito boy (Gabriel) kay chinita girl (Mia), nayaya nyang sumama sa kanya, fighting their way to freedom to express their love for each other! Kahit na maraming kontrabida!" say ni Clarice, knowing Clarice may pagkawild in the outside ang babaeng yan

"Clarice!? Bibig mo naman baka marinig ka ng mama mo dyan, lagot ka!" saway ni Luisa kay Clarice

"Sus! Ang dami na kasing bawal sa panahon ngayon na sobrang nakakasakal na para sa edad natin to, tsaka eto advice girls ah, di naman natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin, tsaka may dahilan kung bakit nagka-ibigan Yun dalawa in a strict way nga lang dahil bawal kasi pareho silang server, pero anong magagawa nila, eh tinamaan na sila ng pana ni Kupido, di na natin mababawi Yun, kahit anong iwas ang gawin nila kung talagang itinadhana sila ng Diyos na maging sila, magiging sila sa huli, Yun!! Di ba nga ang Sabi sa kanta, Ang Diyos ay Pag-ibig!" Advice ni Clarice sa dalawa

"Ang dami mong alam Clarice!" napa-facepalm na lang si Lei sa lectures ni Clarice

"Mabuti pa ay matulog na tayo at anong Oras na naman tayo magigising Nyan?" payo ni Luisa at nagsitulog na silang girls matapos ang advice serye ni Clarice

Samantala...

Sa Rest house ng parents ni Gabriel...

Pumasok na sila Gabriel at Mia sa kwarto ni Gabriel..

"Pasensya ka na ah, dalawa lang kasi ang kwarto dito, yung Kabila sa parents ko tapos meron spare na kwarto Yun naman ang tulugan nila Kuya George, alam Kong di appropriate pero--" di na pinatapos ni Mia magsalita si Gabriel

"Okay lang, kailan ba ako nagreklamo kapag kasama ka?" tanong ni Mia kay Gabriel, napakamot na lang ng ulo si Gabriel

"Kung gusto mo, dyan ka na lang sa kama ako na lang dito sa sofa, wala naman problema don!" offer ni Gabriel kay Mia

"Makakatulog ka ba ng maayos sa sofa?" worried na tanong ni Mia kay Gabriel

"Okay na ako dyan sa sofa, at least ikaw comportable sa tinutulugan mo, okay na ako sa sofa, mahiga ka na dyan sa kama!" akmang pupunta na si Gabriel sa sofa para matulog ng---

"Alam mo di bagay sayo ang pag-iinarte, tsaka aber? Hindi naman ito ang first time natin matulog sa Isang kama? Remember sa Treehouse nung kasagsagan ng ulan?" pinaalala ni Mia kay Gabriel ang memories nila sa Treehouse

"Eh kasi friends lang tayo nun eh ngayon kasi--" nauutal na sagot ni Gabriel

"Eh ngayon MU na tayo eh anong problema don? Malaki naman tong kama mo? Dito ka na matulog wag ka nang mag inarte dyan!" yaya ni Mia kay Gabriel, nakapwesto na sa kabilang side si Mia

"Eh--" hesitant na sagot ni Gabriel

"Isa!" nagbilang na si Mia

"Sige na nga daig mo pang asawa kung makamando!" kamot ulong sabi ni Gabriel, sabay pwesto sa kabilang side ng kama

*Pack*

"Aray!! Bakit may pagpalo?" sabay himas ng Gabriel sa kanang balikat nya hinampas ni Mia

"Yang utak mo ang advance ah!" say ni Mia kay Gabriel

"Bakit? Masama ba? Ang sabi ko ay daig pa ng asawa!" say ni Gabriel kay Mia

"Gusto mo pa Isa?" amba ni Mia kay Gabriel

"Ops!! Easy, kalma!! Behave na ako okay?" surrender ni Gabriel kay Mia sabay taas ng kamay

"Very Good!" say ni Mia sabay higa, humiga na rin si Gabriel at humarap sya kay Mia

"Oh? Bakit?" say ni Mia

"Wala lang masama bang tignan ka?" pilosopong sagot ni Gabriel

"Dun ka na nga humarap sa kabila, kainis to!" tulak ni Mia sa mukha ni Gabriel pakabilang side ng kama

"Mia naman, wag mo ng ipilit itulak ang mukha ko, haharap pa rin ako sayo, no matter what!" ngising sabi ni Gabriel kay Mia

"Che!! Bahala ka nga dyan!" sabay talikod ni Mia kay Gabriel

"Ay!! Ang daya!" reklamo ni Gabriel

"Matulog na Gabriel!!" say ni Mia habang nakatalikod kay Gabriel

Natahimik ang paligid, nagtaka si Mia at biglang tumahimik, sumilip siya sa katabi nya aba!! Nahilik pa!! Inayos ni Mia ang buhok ni Gabriel and she smiled at him

"Bakit ba kailangan ganito ang naging sitwasyon natin dalawa? Ang hirap, mahal natin ang isa't isa pero bawal sa mata ng iba, hay!" say ni Mia sa kanyang sarili habang tinitigan si Gabriel ng biglang---

Hinila ni Gabriel si Mia sa kanyang bisig ng mahigpit..

"Gabriel ano ba?" pilit na kumakawala ni Mia sa bisig ni Gabriel ngunit sadyang napakahigpit ng yakap nito

"Hayaan mo na akong gawin ito, ang yakapin ka ng mahigpit, dahil di ko alam kung kailan ko ulit ito magagawa or kung magagawa ko pa ito!" say ni Gabriel habang nakapikit na sinasambit ang mga katagang ito

"Bakit ba kung makapagsalita ka ay parang di na tayo magkikita?" naguguluhang tanong ni Mia kay Gabriel

"Basta! Ano man ang mangyari! Alalahanin mo ang masasayang moments natin together, mahal na mahal kita Mia!" lalong hinigpitan ni Gabriel ang kanyang yakap kay Mia

"Pangako, ano mang mangyari, alalahanin ko ang lahat ng memories natin together, mahal na mahal din kita Gabriel!" tanging sambit ni Mia kay Gabriel, at ngumiti na lang si Gabriel ng nakapikit

Dumapo na ang antok kay Mia at hinayaan na lang nya yakapin sya ni Gabriel, dahil ramdam niya na ang pagmamahal nito sa kanya, di nila alam ang kahihinatnan ng ginawang pagtakas nila sa kanilang mga magulang

Samantala...

Sa bahay nila Lola Maria...

Hindi makatulog si Mila, nilapitan siya ni Carlos...

"Iniisip mo pa rin ba si Mia?" tanong ni Carlos

"Hindi naman mawawala sa akin ang mag-alala kahit na di kami nagkakasundo ni Mia" say ni Mila kay Carlos

"Intindihin mo rin si Mia, pakinggan mo rin ang gusto nyang sabihin sayo, para magkaintindihan kayo ng anak mo, tsaka Mila, malaki na ang anak mo, di na natin mapipigilan kung ano ang gusto ng anak mo, ang dapat na lang natin gawin ay intindihin at unawain si Mia para naman intindihin rin nya tayo" payo ni Carlos sa misis nya

"Sadyang kakaiba na ang takbo ng panahon ngayon kaya hanggat maaari maituwid ko ang baluktot na ginagawa ni Mia, kaya kailangan bumalik na sya bukas kung saan man sya maroon ngayon!" say ni Mila, di na sumagot si Carlos at bumalik na lang ito sa pagtulong

===================================

Chapter 37 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now