Chapter 78

2 1 0
                                    

Pumagitan na ang barkada sa away nila Sally at Mia, Gabriel at Kino, hinila palayo ni Clarice si Mia habang si Lei naman Kay Sally, si Toper inilayo na si Gabriel at ganun rin ang ginawa ni Luisa Kay Kino..

"Sa restaurant pa talaga kayo nagbangayan apat?" sermon ni Toper sa apat

"Eh lintik na kaibigan mo yan ang dahilan kung bakit kami nagkalabuan ni Mia!" sumagot pa rin si Kino kahit puro bangas na ang inabot Kay Gabriel

"Wag mo akong sisihin pre, ayaw namin maging selfish sa Inyo, gusto lang namin ni Mia na palayain kayo para mas maging masaya kayo sa taong mas deserving ng pagmamahal Nyo!" sumagot naman si Gabriel

"Mia, ano bang pumasok sa utak mo at pinatulan mo pa yang babaitang yan?" sermon naman ni Clarice Kay Mia na parang sinabunutan ng pitong kabayo ang itsura

"Hindi ako ang nauna okay? Bigla na lang ang hinila ng babaitang yan at dun na nag umpisa ang riot!" depensa ni Mia

"Kung nilalayuan mo ba si Gabriel Edi Sana hindi kami maghihiwalay, ikaw ang dahilan nito eh!!" matapang na sagot ni Sally kay Mia

"FYI Sally! Sadyang pinagtagpo lang kami ng tadhana ni Gabriel kaya kahit anong iwas ang gawin namin sa isa't isa, kung talagang pagtatagpuin kami ng koneksyon namin ng nakaraan at ng tadhana, hindi mo na mapipigilan Yun!!" sumbat naman ni Mia kay Sally

"Para kayong mga manok, di na na tumigil magsabong!!!" say na lang ni Lei sa dalawang girls

"Bakit ba ayaw nyo nalang tanggapin ang desisyon ng partners Nyo?" tanong ni Luisa Kay Sally at Kino

"And what!? Hayaan na lang yang Mia na yan na tuluyang ilayo sa akin si Gabriel!? Over my dead body!!" pagmamatigas ni Sally sa lahat

"Nag-uumpisa palang kami ni Mia sa relasyon namin tapos ganto na lang!?" umangal ulit si Kino

"Hindi matatapos ang diskusyon ito kung pareho kayo magmamatigas na tanggapin at galangin ang desisyon nila Mia at Gabriel, para sa Inyo rin naman Yun!" sambit ni Toper kila Sally at Kino

"Kino, please! Nakikiusap ako sayo, palayain mo na ako, ayaw Kong umasa ka sa akin na maibibigay ko ang pagmamahal na ninanais mo" pakiusap muli ni Mia kay Kino

"Bakit ba napakadali sayo Mia na sabihin yan hah!? Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon hah? Ang sakit Mia, buong college years ko itinuon ko sayo para mapalagay ka sa college, I waited until you graduated college, Pero bakit sa ganto na lang hahantong ang lahat hah?" say ni Kino kay Mia, natahimik si Mia

"Pre, wag mo nang konsensyahin si Mia, ginagawa lang namin to para ituwid na ang lahat para ayusin na ang gusot, Sana naman maintindihan mo kami" mahinahon na Sambit ni Gabriel kay Kino

"Ganun? Ganun na lang tayo? Gabriel? Two years we've been together, alam mo ba kung anong sakit Yun sa akin? Hah!? Sabihin mo nga, magiging masaya ba ako kapag lumayo ka sa akin, syempre hindi, bakit ba hindi na lang ako ang minahal mo?" sambit naman ni Sally kay Gabriel

"Paulit ulit na lang tayo?" napa-facepalm na lang si Clarice sa sumbatan ng magkabilang kampo

"Sally please, buo na desisyon ko, bago pa bumalik ang alaala ko, sinabi ko na Kay Mia na gagawin ko to kahit ayaw nya ng gulo, ayaw Kong Natali ka sa akin na hindi naman pantay ang nararamdaman natin sa isa't isa, please, respect my decision will you?" panunuyo ni Gabriel kay Sally

Natahimik si Sally at Kino..

"Ano? Ceasefire na?" observe ni Toper sa paligid when--

Hinampas ni Kino ang kamay nya sa mesa...

"It's that what you want, fine!! Let's see kung boto talaga ang pamilya mo sa Gabriel na yan!! And I have this feeling na your mom truly wants me to be with you!" confident pa rin si Kino sa sinasabi nya

Tumayo si Mia at nilapitan ito at --

*Pak*

Isang malutong na sampal ang pinadapo ni Mia kay Kino..

"Oo boto sayo ang nanay ko, Pero kahit botong boto sya sayo, you will never have me! Nagawa Kong lumayo sa nanay ko two years ago, kayang kaya ko rin gawin ulit iyon to prove to her that she cannot control my future and my decision in life!" seryosong sagot ni Mia kay Kino

"Mahal kita Mia, hindi mo ba nakikita yon?" this time nagmakaawa naman si Kino after syang sampalin

"Nakikita ko Yun Kino noon, Pero nung sinaktan mo si Gabriel, I don't think na pagmamahal pa yan pinapakita mo sa akin!" matapang na sagot ni Mia sa pagmumukha ni Kino

"Okay! That's it, kung di mo ako magagawang mahalin, I guess I had to do this in a hard way, tandaan mo to Mia, he may won today, but this guy will never give up on what he wants, and that's you!!" huling sambit ni Kino sabay labas ng restaurant

Naiwan ang barkada kasama ang Isa pang kontrabida..

"Oh Sally? Wala ka bang words of wisdom sa ex jowa mo? Bago ka mag walkout?" pang-aasar ni Clarice Kay Sally

"I guess, I have the same route as Kino, this is not the end Mia, we will see each other again and that day will be the day na isusuko mo rin si Gabriel sa akin, itatak mo yan sa utak mo!" say ni Sally sabay walkout rin

"So, nag-iwan pa ng dead threat ang mga ex Nyo bago umalis, what now?" salita ni Lei

"Sally will never give up, ramdam ko, sa ugali ng babaeng yan, akala ko nung una mabait sya Pero napakaposessive, I guess hindi pa tapos ang kalbaryo ko sa kanya" buntong hininga ni Gabriel

"So do I, kahit dalawang taon ko ng kilala si Kino, I never expected na magiging sobrang eager nyang ilayo ang ako Kay Gabriel knowing that kakakilala palang nya Kay Gabriel, I guess the same instinct, hindi pa tapos ang chapter ng mga ex at ramdam Kong reresbak ang dalawang Yun!" say naman ni Mia sa lahat

"Hay naku!! Ang zigzag naman ng love story Nyo, daming obstacles, mabuti pa ay kumain na tayo kaysa isipin pa ng isipin natin ang mga ex nyong obsessed sa Inyo!" say ni Toper

"Dumali ka na naman Toper!" pambabara ni Lei Kay Toper

==================================

Chapter 79 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now