Chapter 6

6 2 0
                                    

Months passed by....

Lubusan na nasiyahan si Mia na  maglingkod bilang altar server sa kanilang parokya at siya ay nasa wastong gulang na rin...

Nakatambay ngayon si Mia kasama si Luisa at Lei sa Plaza...

Habang nakain ng street foods...

"Hay salamat nakapagrelax rin tayo from our practice!" sabay inat ni Lei

"Panay ang practice natin eh, malapit na ang pista na bayan kaya Todo ensayo na tayo dahil darating ang mga pare ng ibat ibang parokya para makipista sa atin" say naman ni Luisa

"Talaga? As in lahat ng pari ng ibat ibang parokya?" say ni Mia habang nahigop ng softdrinks

"Totoo girl, taon taon yan lagi napakaraming tao sa simbahan kasi kahit hindi man ako gaano pa katagal sa pagseserve ay lagi naman akong nagsisimba" pagmamalaki ni Luisa

"Good for you girl, ako kasi madalang akong magsimba noon kung di pa ako pilitin ng lola ko di pa ako magsisimba" kwento ni Mia

"Ngayon girl, gusto gustong mo na ngayon magsimba at magserve iba ka girl ang bilis mong masanay sa mga gawain sa simbahan ka, dati ay hesitant ka pa ngayon oh, Iba ka girl!" tukso naman ni Lei Kay Mia

"Ganun talaga! Kailangan lang talaga siguro ng push para magustuhan mo rin ang ginagawa mo!" sambit naman ni Mia..

Lumipas muli ang mga araw at Isang araw na lang ay magkakapistahan na sa kanilang bayan, Todo ensayo na ang mga altar server lalong lalo na si Mia...

Matapos ang ensayo ay nagsi-uwian na ang lahat para makapagpahinga at maghanda para sa Gawain ng kapistahan kinabukasan..

Naiwan si Mia na inaayos pa ang dapat maayos ng lapitan sya ni Sister Margaret...

"Mia, bakit di ka pa nauwi?" takang tanong ni Sister Margaret kay Mia

"May inaayos lang po ako sister, pauwi na rin po pagkatapos po nito" Sambit ni Mia kay Sister Margaret

"Napakabilis mong masanay sa mga gawain ng simbahan at tila ay nasiyahan ka na sa gawain dito" si Sister Margaret

"Masaya rin po palang mag serve sister, and it makes me happy now that this whole religious tradition is not just a tradition but a way to serve the church and God" napa-english si Mia sa mga sinabi nyang iyon

"Sinabi ko sayo di ba, kaya kung ano man ang maging problema at agam agam mo sa buhay nandito lang ako para bigyan ka ng advice hindi bilang Madre dito sa simbahan kung di bilang Isang kaibigan, okay ba sa iyo Mia?" tanong ni Sister Margaret kay Mia

"Sige po Sister, Salamat po!" say ni Mia kay Sister Margaret

Matapos aayusin lahat ng dapat ayusin ni Mia ay nagpaalam na siya Kay Sister Margaret..

"Tapos na po ako sister, mauna na po ako, kitakits na lang po bukas!" paalam ni Mia kay Sister Margaret

"Mag-iingat sa pag-uwi Mia!" say ni Sister Margaret at tuluyan ng umalis si Mia

Kinabukasan...

Araw ng kapistahan...

Maagang nasipuntahan ang mga Altar Server sa Simbahan upang maghanda sa mga parating na bisita..

Nakarating na si Mia sa Simbahan at nakita nyang nagkukumpulan ang mga kasamahan nyang altar server sa Isang tabi...

"Ano ba yan? Kay aga agang marites yan ah, ano bang meron? At nagkukumpulan kayo dyan parang mga bato?" takang tanong ni Mia sa kanila

"Ganito ka si yun Mia, yung Isang altar server nating tagahawak ng insenso ay biglang nagkasakit, araw pa man din ng fiesta kaya sinugod agad sa pagamutan sa siyudad at sabi raw matatagalan ang pagbalik nya sa service or else baka di na raw siya makabalik ayon yun sa source ko ah!" sambit ni Clarice, Isa mga altar server rin na tagahawak ng kampanilya

"So, wala tayong tagahawak ng insenso? Ganun?" takang tanong ni Lei, Pero halatang parang di nangangamba si Clarice si mga nangyayari, at nakikita sa kanyang mukha na parang kinikilig pa sya?

"Ano ba kayo girls? Syempre alam mo naman dito kapag may kulang agad napupunan!" masayang sambit ni Clarice, nawiweirduhan na talaga sila Luisa Kay Clarice

"Huwag ka na ngang magtumpik tumpik dyan girl? Spill the tea ka na, Alam kong marami kang chismis na baon!" naiinip na sambit ni Lei

"Eto kasi yung latest, may nakuha na raw bagong maghahawak ng insenso at take note lalaki and pogi!!!" kinikilig na sabi ni Clarice

"Lalaki? Ah sabagay yung tagahawak ng insenso natin dati ay lalaki rin so lalaki talaga ang kinuha nilang bago!" sagot naman ni Luisa

"Mabait raw at gwapo sabi ng source ko!" say ni Clarice

Lahat ng altar server ay interesado sa bagong tagahawak ng insenso maliban kay...

"Girl? Wala ka man lang reaksyon, tagasalo lang ng chismis at info ganun?" takang tanong ni Lei kay Mia na tahimik lang na nakikinig sa chismisan nila

"Well, how can I judge na gwapo nga at mabait yung tao kung di ko pa nakikita at nakakasama" simpleng sagot ni Mia sa kanila

"Wow! Iba ka talaga girl, meet the person muna before judging!" tukso ni Lei kay Mia

"Sabagay may point ka girl!" sang-ayon ni Luisa

"Tsaka, kung totoo nga yan tsimis mo Clarice nasaan yun sinasabi mong gwapo at mabait na bagong altar server aber?" sambit ni Mia kay Clarice

"Wag nga kayong atat mga Te, nandun sa loob kasama ni father lalabas na rin yun" confident na sabi ni Clarice

"Eto talagang si Clarice basta sa pogi ay areglado ang mata 24/7" tukso ni Lei Kay Clarice

"Hello girl! Ganun talaga ang eyes lumalanding sa cute gwapo at mabait, walang basagan ng trip!" say ni Clarice

"Alalahanin Clarice hanggang crush lang hanggang dun lang wala ng Iba okay?" paalala ni Mia kay Clarice

"Girl, jusko! Umatake na naman ang overacting mo, panay kasi ang dikit mo Kay Sister Margaret kaya para Madre kang mag-isip Aber!" tukso naman ni Clarice may Mia

"Huy! Clarice ang bibig walang preno!" saway ni Luisa Kay Clarice

"Just telling Clarice, ayaw ko naman mapahamak ang isa sa atin dito" concern na sabi ni Mia

"Hay naku! Magbihis na tayo at malapit na magstart ang Misa!" nagsipuntahan na sa bihisan sila Mia at nagbihis na para sa misa ng kapistahan

==================================

Chapter 7 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now