Chapter 32

2 1 0
                                    

Mia's POV

Friday....

Ilang araw lang, malapit na magbago ang lugar na gagalawan ko, natapos ko na ang pag-eempake, kahit ayaw ko tong gawin wala rin naman akong magagawa dahil hindi rin ako papayagan nila nanay, ang hirap Iwan ang lugar na kinalakihan mo, ang mga taong napamahal na sa iyo, my tears kept on falling when someone text me..

Text message from Gabriel

"Available ka ba today? Pwede mo ba akong samahan?" text ni Gabriel sa akin, wala kaming klase since may seminar ang lahat ng professor namin sa University, it means na last day ko na kahapon sa University, nakapagpaalam na ako sa girls except  Kay Gabriel, di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya

"Mia? You there? Dungaw ka sa bintana mo!" ng mabasa ko yung susunod nya text, sumilip ako sa bintana

"Hi!" kaway ni Gabriel, may dala siyang motor ano naman kaya ang pakay nito

Dahan dahan akong naglakad palabas ng bahay para di marinig nila Nanay ang paglabas ko, last ko ng pagtakas to, hindi ko na to magagawa sa America dahil bantay sarado na sya sa akin..

Nang makababa na ako sa bahay, sinalubong ako ni Gabriel na may bitbit na helmet..

"Ano na naman pakulo mo?" takang tanong ko sa kanya

"Eto, samahan mo akong mag roadtrip?" tanong sa akin ni Gabriel

"Kaninong motor naman yan? Tsaka may license ka na ba para magmaneho ng motor?" taas kilay kong sabi sa kanya

"Ay walang tiwala, heto!" say ni Gabriel sabay labas ng wallet nya na may driver's license

"Taray! Ngayon ko lang malaman na marunong ka palang magmotor?" biro kong sabi sa kanya

"Bakit? Nagtanong ka ba?" pilosopo nyang sabi

"Ang ganun!!" sabay batok ko sa kanya

"Aray!!" reaksyon niya sa pagbatok ko

"Tama ng inarte, akin na nga yan!" sabay hablot ko ng helmet sa kamay nya

"Sasama rin pala, dami pang interrogation na ginawa!" reklamo ni Gabriel habang sinusuot ko ang helmet

"Baka gusto mong iuntog ko tong helmet na to sayo!" banta kong sabi kay Gabriel

"Chill, di mabiro eh" surrender ni Gabriel sabay sakay sa motor nya

"Ay di gentleman?" pag iinarte kong sabi sa kanya

"Oh kapit ka dito sa balikat ko sabay sampa!" inilagay nya ang kamay ko sa balikat nya at umangkas na ako sa likod nya

*Broooomm*

Pinaingay pa ang pag-andar ng motor nya, gusto pa ata akong mahuli ng nanay kong tumatakas...

"Tara na kasi!! Baka mahuli pa ako ng nanay ko dyan sa pasikat mong pagpapaandar ng motor eh!" hinampas ko ng sa balikat si Gabriel

"As you wish!!" at pinaandar na nga nya ang motor nya papunta sa lugar kung saan ay di ko alam kung saan nya ako dadalhin hay!! Kailan ko ba masasabi sa kanya?

Medyo lumalayo na kami sa bayan at nasa hi-way na kami, dahan dahan naman magpatakbo si Gabriel, nang makita nyang walang ka gaanong sasakyan sa daan biglang---

"Hold on tight!!!" binilisan nya ang pagpapatakbo ng motor

"Gabriel!!! Dahan dahan naman!!" napasigaw na lang ako at napayakap sa kanya habang mabilis nyang pinapatakbo ang motor nya, ramdam Kong ngumisi ang Loko

In fairness ang saya palang mag road trip ng kasama tong mokong na to!!

After a couple of minutes of driving...

"We are here!!" say ni Gabriel sabay tanggal ng helmet nya

"Wow!!" napanganga na lang ako sa nakikita ko

"Welcome to Mindoro Beach or what we called The Black Beach!!" say ni Gabriel, inalalayan nya akong bumaba sa motor nya, tinanggal ko na rin ang helmet ko to better see the beautiful beach near Vigan, refreshing!!

"Ganda dito no? Di nga lang tayo makakapagswimming bawal ngayon eh gawa ng current ng dagat!" say ni Gabriel

"So balak mo palang maligo dito kung di ganyan ang alon aber?" crossarms ko sabi, malay kong sa dagat pala ako dadalhin ng lalaking to

"Daming arte Mia, di nga tayo maliligo, alam ko kasi wala kang dalang pang swimming, pumunta lang tayo dito para makapag relax ng konti, ganda ng araw oh, malakas pa ang hangin, kaya Tara na!" sabay hila sa akin ni Gabriel papunta sa may tabing dagat

Habang naglalakad kami papalapit sa tabing dagat ay di ko namalayan na may dalang basket at payong si Gabriel..

"Saan nanggaling yang making payong at basket na yan?" takang tanong ko sa kanya dahil di ko naman nakita ng dala nya yan sa motor kanina

"Secret! Magic ayaw mo Yun di ka nagugutom habang nakatambay tayo dito sa beach?" dumale na naman ang pamimilosopo nitong si Gabriel

"Haha! Very funny!" sarcastic kong sabi, he just smirk at me, shhssssh! My face is heating up help me, Sana di nya nahalata ang mukha ko

Nakarating na kami sa may tabing dagat at naghanda na si Gabriel ng Isang picnic blanket at inilapag ang basket na dala nya at itinayo na ang napalaking paying dala nya na di ko alam saan nya nakuha, wow picnic by the Beach

"Upo ka na dali!" nauna na syang umupo at syempre umupo na rin ako sa tabi nya while watching the waves dancing in rhythm

Ilang minuto lang ay--

"Sandwich oh" sabay abot nya sa aking ng sandwich na nasa basket na dala nya

"Salamat!" sabay kuha ko ng sandwich, busy na syang kumain ng sandwich nya ng iabot sa akin ang sandwich na parte ko, natatawa na lang ako sa itsura nya, Kalat kalat ang palaman sa may gilid ng labi nya

"Ang kalat mo naman kumain, amin na nga!" sabay punas ko ng natirang palaman sa may gilid ng labi nya gamit ang kamay ko

"Thanks!" he smiled at me after that gesture, paano ko ba masasabi ang totoo kung ganto sya kasaya kapag kasama ako?

Ilan minuto pa ang lumipas, natapos na namin kainin ang dalang pagkain ni Gabriel at magpahinga na lang kami, pinagmamasdan ang ganda ng paligid, kailangan ko ng masabi sa kanya ang totoo, ayaw ko syang mahirapan sa pag-alis ko

"Gabriel?" tawag pansin ko sa kanya

"Bakit?" sambit niya sa akin

"May sasabihin ako sayo"

====================================

Chapter 33 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now