7:00 am...
Pumila na sa ayos sila Mia ng may biglang lumabas na lalaki dala dala ang insenso kasama si father...
"Girls ayan na sya!!!" kinikilig na bulong ni Clarice habang nakapwesto na sila sa harapan, dumaan ito sa gilid ni Mia papunta sa harapan hawak hawak ang insenso
Nakatalikod ang lalaki sa mga babaeng altar server at di mawari ay nakuha nito ang atensyon Isa sa mga altar server na si...
"Huy!! Mia!! Tulaley ka dyan? Lakad na tayo!" tapik ni Luisa sa kanya at nagbalik siya sa katinuan
"Sorry!" humingi ng pasensya si Mia at sinabayan nya si Luisa sa naglalakad
Sa kalagitnaan ng Misa...
Di mawari ni Mia na tila ang mga mata nya ay nakatutok lang sa isang tao...
"Ano bang meron sa bagong altar server na to at parang ang bright ng dating nya at nakakaagaw atensyon?" sambit ni Mia sa kanyang isipan, napansin na naman siya ni Luisa
"Huy!!! Ano ba?" saway ni Luisa kay Mia na nakatitig na naman sa bagong altar server habang nag insenso ito sa harapan
"Wala! Ano ka ba!" pagtanggi ni Mia
"Alam mo Mia, kung kandila yang tinitigan mo kanina pa yan tunaw!" bulong ni Luisa kay Mia
"Wag ka nga maingay dyan mahuli pa tayo Nyan pareho tayong binggo sa Madre.." say ni Mia
"Ikaw tong sinasaway sa pagtitig titig sa lalaking yun ikaw pa tong nanaway, Ewan ko sayo Mia!" say na lang ni Luisa at humarap na muli ito sa harap
Tumagal ang Misa ng Isang oras at natapos ang pagdiriwang ng maayos, madami ng pari ang dumalo..
Pumasok na ang mga altar server sa kanilang tambayan at nagkakwentuhan muli, matapos magpalit ng damit nila Mia, pumasok si Sister Margaret..
"Great job girls out there, nasa ayos ang lahat kahit na may Isang server akong napansin na parang may sinusulyapan" tinignan ni Sister Margaret si Mia
"Huli ka girl Sabi ko sayo eh!" nanggatong pa tong si Luisa
"Mia, pansin ko lang kanina habang misa ay panay ang titig mo dun sa bagong tagahawak ng insenso?" tanong ni Sister Margaret kay Mia
"Wala po yun sister, curious lang po kung sino sya, Yun lang po! Promise!" taas kamay na sabi ni Mia
"Bueno kung ganon, maiwan ko na kayo okay?" at umalis na si Sister Margaret
"Muntik ka na dun girl! Pero Yun totoo, hindi lang identity ang gusto mong malaman sa lalaking yun no?" lapit ni Lei kay Mia
"Hindi no! Gusto ko lang malaman kung sino sya Yun lang!" pagtanggi ni Mia
"Eme girl!" say ni Luisa ng pumasok muli si Clarice sa kwentuhan
"Girls, Alam ko ng name nung lalaking yun! Kyaaah!!" parang kinikiliting ibon tong si Clarice
"Eto na ang chika minute girl dahil yung ISA dito ay atat ng malaman ang name nung guy!" sabay tingin ni Luisa Kay Mia
"Di ah!!" tanggi ulit ni Mia sa kanila
"Ang name nya ay si..." pabuwelo na si Clarice ng
"Altar servers Tara ng magbreakfast!" tawag ni Sister Margaret sa kanila
"Later na lang breakfast na, nakalam na sikmura ko eh" nauna na si Clarice lumabas sa kanila
"Tsk! Basta pagkain yung babaeng yun!" sambit ni Lei at sabay sabay na silang lumabas para magbreakfast
"Kain muna bago chika!! Tara na kaya" sabay hila ni Mia kay Lei at Luisa
Lumabas na yung tatlo sa tambayan nila at nagpunta na sila sa hapag, nakapwesto na si Clarice at ang ibang server, palinga linga sa pinto si Mia dahil parang may hinahanap, agad naman napansin ni Lei
"New guy hunting ang peg mo?" tukso ni Lei ng nakaupo na sila sa hapag
"Hindi ah! Sari sari ka na lang!" say ni Mia
"Ang weird mo talaga today girl, simula nung pumasok yung bagong server, para ka ng giraffe sa kakalinga linga" sumama na rin si Luisa sa tuksuhan
"Pagtulungan ako ganon?" say ni Mia na medyo napipikon na
"Ay girl bawal mapikon, free spirited ka di ba? Bawal mapikon" si Clarice naman ang sumali sa eksena
"Oo na lang girls, mabuti pa ay dun na lang ang ako kakain sa labas!" say ni Mia at binibit na ang breakfast nya at dun na lang kumain
While on her way to the church garden...
May napansin siyang isang server na kahit hindi nya sabihin ay kanina pa nya sinulyapan at hinhintay na makasabay sa kainan..
"Chinito? Mukha naman mabait in fairness pogi nga!" sambit ni Mia sa sarili habang nakasulyap sa di kalayuan ng biglang..
"Ano yan sinusulyap sulyap mo dyan iha?" nagulat si Mia ng sumulpot ang di nya inaasahang makahuli sa kanya
"Good morning po Sister Tessy.." medyo nauutal na sambit ni Mia kay Sister Tessy ang head ng mga Madre at medyo istriktang Madre to be exact
"Hindi ba breakfast na ng mga altar server, bakit dala dala mo ang pagkain mo dito sa labas?" nakakanginig na tanong ni Sister Tessy
"Uhm..gusto ko lang po sana ng open place na nakakarelax po ganun, kasi very crowded na po sa loob, syempre po fiesta ngayon kaya naisipan ko pong sa garden na lang po magbreakfast" sana gumana ang palusot ni Mia, tinignan ni Sister Tessy ang sinusulyapan ni Mia kanina
"Yun lang ba ang pakay mo Mia? O may ibang dahilan kaya naisipan mong lumabas ng kainan?" tinaasan ng kilay ni Sister Tessy si Mia, nag-iisip na siya ng palusot
"Yun lang po talaga ang pakay ko Sister ang magbreakfast sa may garden, wala na pong Iba promise po!" nagtaas po ng kamay si Mia bilang pagsasabi ng totoo
"Bueno iha, alam kong ipinasok ka dito ni Maria na kaibigan ko para matutunan mo ang mapalapit sa Diyos at magserve sa kanya, hindi para mapalapit sa iba na nakuha ng atensyon mo, alalahanin mo ang mga rules once you enter here, intiendes?" huling sambit ni Sister Tessy
"Naintindihan ko po!" tanging sagot ni Mia
"Kumain ka dun sa garden kung Yun talaga ang pakay mo.." umalis na si Sister Tessy at nakahinga na ng maluwag si Mia
Sumulyap muli si Mia dun sa lalaki..
"Bakit ba kasi hinahanap kita lagi, bago ka lang naman at di pa kita kilala, pero bakit parang nakuha mo na ang atensyon ko?" tanging sambit ni Mia sa kanyang isipan at tuluyan na siyang naglakad papuntang Hardin para kumain ng breakfast
===================================
Chapter 8 is up next....
YOU ARE READING
Divine Connection
Fanfic"Divine Connection" is a heartwarming tale of a young girl's journey toward discovering her true self, as she navigates the trials and tribulations of young love in a traditional Catholic community. It is a story that showcases the power of faith, f...