Chapter 27

3 1 0
                                    

Mia's POV

Iniwan na ako ni Lola Maria sa aking kwarto, nanatili sa aking isipan ang mga sinabi ni Lola Maria, alam kong Isang matinding desisyon ang kailangan kong gawin, alam kong ano man ang piliin ko, may masasaktan at may magagalit, minabuti ko magdasal

"Diyos ko, Alam ko pong nakikita Nyo po ang pinagdadaan ko, tulungan Nyo po akong magdesisyon, hindi ko po alam kung anong gagawin ko po, bigyan Nyo po nawa ako ng sapat na lakas na makapagdesisyon , mahalaga po pareho sila sa akin, Sana po tulungan Nyo po ako, Diyos ko!" taimtim kong dasal habang patuloy na natulo ang mga luha sa aking mga mata

Kinabukasan...

Maaga akong umalis para pumasok, di na muna ako nagpakita kila nanay...

Habang naglalakad ako papunta sa University namin, nakasabay ko sila Lei, Luisa at Clarice...

"Mia!!" tawag pansin sa akin ni Lei kasama si Luisa at Clarice

"San lupalop ka naglagi after ng Mass service natin nung Linggo" tanong agad ni Lei

"Oo nga Mia, saan ka pumunta? Tinawagan kami Isa Isa ng nanay mo, Sabi namin di ka na namin nakasabay sa pag-uwi, saan ka ba umeskapo?" si Luisa naman

Napansin kong pangiti ngiti lang si Clarice...

"Girls naman! Di ba obvious kung sino ang kasama ni Mia after Mass Service, sino pa edi si -- " bago pa masabi ni Clarice ang pangalan ay biglang may tumawag ng pansin sa akin

"Mia!!" kumakaway si Gabriel kasama si Toper nasa may gate ng University namin

"Speaking of, ayan ang tinutukoy ko!" say ni Clarice kila Lei at Luisa

"Si Gabriel!?" sabay tingin nilang dalawa sa akin

Makalapit na kami sa kinaroroonan nila Toper at Gabriel...

"Hi Girls!" bati ni Toper sa amin

"Anong ginagawa Nyo dito?" tanong ni Lei sa dalawang boys

"Papasok syempre! Ano sa tingin mong gagawin namin?" pilosopong sagot ni Toper

"Haha very funny!" napikon ata si Lei

"Girls, pareho pareho lang tayo ng University ng pinapasukan, magkaibang year at course lang tayo ng pinapasukan Kay di tayo nagkakitaan dito sa University" paliwanag ni Gabriel sa amin

"Oo nga pala Gabriel? Saan mo pala itinanan tong kaibigan namin ah, at San kayo--" bago pa sabihin ni Clarice ang sasabihin pa nya ay tinapalan ko na ng tissue ang bibig nya

"Itinanan?" tanong ni Toper kay Gabriel, nakikita kong pinagpawisan si Gabriel sa kagaspangan ng dila ni Clarice

"Alam nyo mabuti pa ay pumasok na tayo at baka pagsaraduhan pa tayo ng gwardya!" change topic ko para di na muna mag explain si Gabriel, dahil pinagpawisan na ito ng malamig

Bell rings...

BS Psychology 3 Room...

Habang hinihintay namin ang first subject namin, ako at si Clarice ang magka-course sa Psychology, si Luisa BS Biology samantala si Lei naman ay BS Physical Education..

Tahimik lang akong nakatangla sa bintana ng room namin ng --

"Hoy loka!!" nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ng desk ko si Clarice dalahira ang bibig

"Bakit ba?" wala akong sa mood makipag-usap dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ko haharapin si Nanay at Tatay para masabi ko ang totoo

"Chika ka naman sa ganap Nyo ng jowa mo?" say ni Clarice daldalera

"Jowa ka dyan? Wala akong jowa, bawal di ba? Paano magkakajowa!?" irita Kong tanong Kay Clarice

"Chill ka lang girl, high blood agad, tinatanong ko lang naman saan kayo nag lagi ng jowa este ng friend mong si Gabriel?" isa pa Clarice makakatikim ka na naman ng tissue sa bibig

"Nowhere kung saan walang nakakaalam" simple kong sabi sa kanya

"Grabe girl, Nowhere talaga di ba pwedeng sa may Plaza, sa tabing dagat ganon?" si Clarice

"Naging komplikado pa nga ang lahat nung sumama ako sa kanya sa lugar kung saan kami lang ang nakakaalam" Sambit ko Kay Clarice

"What's complicated naman don girl? Lumabas lang naman kayo ng special friend mo tapos umuwi ka rin naman sa Inyo, anong complicated don?" daming tanong ni Clarice, bago pa ako makapagkwento sa daldalerang Kong kaibigan na to ay dumating na sa wakas ang Prof namin at nag-umpisa na ang first class

Fast forward....

Lunch Break..

Akala ko kami lang ang maglalunch break ni Clarice, and look who's here also...

"Sa wakas nakasabay sabay rin tayo ng lunch break Buti na lang saglit lang nagklase ang Prof namin!" masayang sabi ni Lei

"Same girl! Nagbigay lang ng exercises ang Prof namin then tapos na!" say naman ni Luisa

"First time to girls, baka yung boys ganun din" hay Clarice gusto talaga akong interrogate kasama si Gabriel

"Di ka nagkakamali Clarice ayan na sila Toper at Gabriel! Huy dito!!!" Isa pa tong si Luisa tinawag pa yung dalawa, kumaway naman ang dalawang ugok, ngumiti pa si Gabriel hay bakit ba ako na-fall sayo? Ang complicated tuloy ng life ko!!

Lumapit na sa amin ang boys at tumabi sa amin, dahil may space sa tabi ko abay tumabi pa talaga si Gabriel sa akin, sabay irit ng tatlong girls

"Ayiiieh!!!!" sabay sabay na irit nila Lei, Clarice at Luisa

"OA? tumabi lang iiritan agad kayo?" say ko sa kanila

"Alam mo Lei, Luisa kanina pa may regla yang si Mia, laging high blood!" Isa pa talaga Clarice

"Wag nyo ng asarin si Mia, wala naman masama na tumabi ako sa kanya di ba?" here goes Gabriel, taking his part being my hero, lakas talaga ng dating ng lalaking to kaya tuloy ako na-fall hayst!!

"Oo nga naman girls, bakit Pag ako tumabi sayo Lei? Magagalit ka ba?" tanong ni Toper kay Lei

"Hay Tope, dami mong alam mabuti pa magsikain na tayo, Isang oras lang at magstart na ang next subject namin!" basag na naman si Toper kay Lei

10 minutes before Class Starts...

Umuna na sila Lei at Luisa papunta sa next class nila, ganun din si Toper naiwan kami ni Clarice at ni Gabriel sa may garden ng University

"Una na ako Mia ah sunod ka na lang okay?" tumakbo na si Clarice pabalik ng Classroom namin

"Tahimik ka ata? May problema ba ulit?"

====================================

Chapter 28 is up next...

Divine ConnectionWhere stories live. Discover now