19: Kaulayaw

1.8K 71 7
                                    

A.N

Enjoy reading! Don't forget to vote! Thankies

-KuyaSen

~*~

Taliwas sa sinabi ko kay Hunter na iuwi ako sa apartment namin ni kuya Damian, inihinto niya ang motor sa nadaanan naming 7/11.

Bumaba ako sa back ride at siya na rin mismo ang nagtanggal ng helmet sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa seryoso niyang mukha habang marahang inaalis ang nakalagay sa ulo ko.

Kahit kailan talaga ay napaka-umpredictable ni Hunter. Minsan ay hindi ko talaga maintindihan kung ano ang mga balak niya't mga nakahandang gawin. Pabigla-bigla kasi ang desisiyon niya. The usual him.

Kaya nga gano'n na lang noong iniwan niya ako sa ere.

Nang maiayos ang lahat ng helmet sa motor niya'y hinarap niya ako. Itinuro niya ang hawak kong plastic bag kung saan naroon ang sallary deduct kong pagkain sa Jollibee.

"Ikaw, ah! Nag-abala ka pa! Ililibre mo rin pala ako! In-SD mo pa!" kantiyaw niya sa akin na naging dahilan nang pagtawa ko.

"Ang feeling mo naman," sabi ko na lang sa kaniya. Nagawa niya pang pigain ang ilong ko at pagkaraa'y akbayan para sabay kaming maglakad papunta sa store.

Kahit papaano'y napagaan ni Hunter ang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin kasi talaga magawang kalimutan iyong matanda kanina lalo na iyong mga sinabi niya sa akin. Parang palaisipan ang mga binitawan niyang mga salita kahit na ang iba ro'n ay may mga sagot na. Sadiyang in-denial lang ako't ayaw kong isipin na iyon talaga ang punto ng mga sinabi niya.

Hinatid ako ni Hunter sa isang bakanteng table sa labas ng 7/11. Well, lahat naman ay bakante dahil wala naman nang mga nakatambay pa sa ganitong oras. Miski sa loob ay wala na ring mga costumer dahil nga madaling araw na rin.

"Can of beer?" tanong sa akin ni Hunter nang makaupo ako sa upuan kaharap niya.

Napaisip pa ako noong una dahil dapat ay nagpapahinga na kami ngayon pero dahil madalang lang naman ito at restday naman bukas, sakto dahil wala ring pasok sa eskwela kaya naman ay sumang-ayon na rin ako.

"Tig-isa lang tayo,ah! Mag da-drive ka pa!" paalala ko sa kaniya. Sumaludo pa ang loko saka naglakad papasok sa store para bumili ng sinabi niya. Pinanood ko siya noong una. Pagkakuha ng dalawang lata ng alak ay kumuha rin siya ng isang malaking pack ng chitchirya. Nasa counter na siya nang maisipan kong ayusin ang SD na burger sa Jollibee. Mas okay kung may laman ang tiyan namin bago lagyan ng alak.

Binuksan ko ang plastic saka kinuha ang isang burger at iniligay sa kaharap kong parte ng lamesa, kung saan uupo si Hunter mamaya. Iisa lang ang peach mango pie kaya binuksan ko ito't hinati sa gitna. Itinabi ko ang kalahating pinutol ko kasama ang lalagyan kung saan ko inilagay ang burger kanina.

Saktong dumating si Hunter kaya kinain ko na ang kalahati ng peach mango pie na hinati ko kanina.

"Kumain ka muna. Mas maganda kung busog tayo bago uminom ng alak," sabi ko sa kaniya sabay turo sa mga pagkain na nilagay sa kape-pwestuhan niya.

Naupo siya't nakangiting inilabas ang beer. Binuksan niya ang isang lata nito at iniabot sa akin. Tinanggap ko naman 'yon sa kaniya at nagpasalamat. Siya na rin ang nagbukas ng oversized Piattos at inilagay sa lamesa, sa pagitan naming dalawa.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon