A-nueng
Nasa harap ako ngayon ng aming bahay, diko pa gustong umuwi, gusto kung tumakas at hindi na bumalik subalit wala akong mapupuntahan, wala rin akong malalapitan. Kahit mga kaibigan ko ay takot sa aking lola, kaya't paniguradong isusumbong at isusumbong nila ako. Mga ilang minuto pa ako dito sa labas nang mapag isipan ko na pumasok na lang.
Dahan dahan kung binuksan at isinarado ang aming pinto upang hindi ito marinig ng aking lola.
"A-nueng...." Laking gulat ko nalang sa aking pagharap ay nakatayo na ang aking lola sa may hagdan.
"Hindi ba ipinaanunsyo na ang resulta ng exam niyo ngayon?" Tanong niya sa mahigpit na tono. Tumango ako ng dahan dahan nagpapahiwatig ng pag sangayon sa kaniya. Inilahad niya ang kaniyang kamay takda ng gusto niyang makita ang resulta ng aking exam.
Khun Nueng
Kasalukuyan akong kumakain ng isaw habang papunta sa aking inuupahan, nang biglang lumitaw ang may-ari at hinihingi na ang aking bayad sa renta.
"Asan na ang bayad mo?..." Sabay lahad ng kaniyang kamay.
"Ibibigay ko bukas" saad ko
"8,000 lang 'yun. Ipapabukas mo pa?"
"Bukas ay bukas, hindi kita tatakasan okay?" Sabi ko at umalis na papunta sa aking dorm.
"Siguraduhin mong panatilihin ang iyong mga sinasabi at sana hindi na ito mauulit pa." Hindi pa ako nakakalayo kaya't rinig ko parin ang kaniyang sinabi.
Pagkapasok ko sa aking dorm, agad kong tinawagan ang aking kapatid na si Tuo Lek upang manghiram ng pera para sa bayad ng aking renta.
"Anim na buwan na mula nung hiniram mo ang aking pera para sa renta." Sabi niya na may pagalala.
"Malapit ko ng mabenta ang painting na gawa ko dito sa galeriya, kapag nakuha ko na ang pera, ibabalik ko agad sa iyo, Tuo Lek. Huwag kang mag-alala." Saad ko
"Wala naman akong problema diyan. Ang sa akin lang, paano kung may mangyari sa akin isang araw? Paano ka na?"
"Kapag may mangyari sayo, lahat ng ari-arian mo saakin lahat mapupunta."
"Hindi ako nagbibiro, Khun Nueng," mariing niyang sinabi. "Sa katunayan, marami sa mga kaibigan ko ang talagang nais kang magtrabaho sa kumpanya. Ang sahod ay napakalaki rin."
"Hindi ako angkop na empleyado na may suweldo at nagtatrabaho nang husto araw-araw, Tuo Lek."
"Pero ako rin ay isang empleyadong may suweldo na nagtatrabaho araw-araw, Khun Nueng." Saad niya, huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita.
"Kapag nakakuha na ako ng pera, babayaran kita agad, Tuo Lek."
"Hindi nga problema saakin yan Khun Nueng..."
"Teka lang, Tuo Lek" tumayo ako at kinuha ang aking maliit na notebook kung saan naka sulat ang aking mga utang sa aking kapatid. "Total of 72,000" sabi ko sakaniya habang tinitignan ang maliit na notebook.
"Talaga bang inilista mo lahat?" Medyo galit na may halong pagkamangha niyang sabi.
"Hiram ay hiram, Tuo Lek"
"Sapat na ba ang dalawampung libo?" Pabulong niyang sabi. Bat naman ito bumubulong ngayon.
"Sapat na ang walong libong piso, Tuo Lek." Saad ko na may ngiti sa aking labi.
"Sooo, kailan ka babalik sa mansyon?" Pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi niya. Agad kong pinatay ang aking telepono, paumanhin Tuo Lek at kailangan kong ibaba ang aking telepono. Diko gustong pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman kay lola.
Ilang minuto lang ang lumipas nang biglang tumunog ang aking telepono. Tiningnan ko ito at napagtanto na ipinadala na pala ng aking kapatid ang perang hiniram ko. Dalawampung libo ang kanyang ipinadala, samantalang ang sabi ko kanina ay walong libo lang. Tunay nga namang napakamahal sa akin ng aking kapatid, salamat Tuo Lek. Kinuha ko ang aking listahan ng mga utang at isinulat ang aking bagong hiniram.
Anueng
Pagkatapos akong paluin ng aking lola gamit ang pamalo, narito ako ngayon sa aking kwarto. Kitang-kita ang mga pasa dahil sa pagpalo niya sa akin kanina. Nakakuha ako ng 97/100 sa pagsusulit, ngunit para sa kanya dapat ay perpekto ito. Para sa kanya, mababa pa rin ito, kaya't napaluhan niya ako.
Kinuha ko ang papel kung saan may guhit ng aking mukha. Nawala ang aking ngiti nang marinig ko ang aking lola na papalapit sa aking kwarto, kaya't dali-daling itinago ko ang papel at nagkunwaring nag-aaral.
"Bakit hindi kapa natutulog?" Diin niya tanong.
"Ako pa po ay nag-aaral pa, lola."
Pagsisinungaling ko. Ipinakita ko sa kanya ang aking notebook bilang patunay na talagang nag-aaral ako. Tinignan niya ako ng maypag dududa."Alam mo naman kung anong mangyayari sayo kapag nagsinungaling ka, diba?" Sabi niya nang may galit. Tumango lang ako bilang patunay na alam ko kung anong mangyayari kapag ako ay nagsinungaling. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Ang aking dibdib ay kumabog sa takot na baka makita niya ang mga larawan na naka ukit sa papel.
"Tapusin mo na ang iyong pag-aaral at agad kang matulog," sabi niya nang may mahinahong tono. Nginitian ko lang ito ay tumango.
"Opo, lola" Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis na siya sa aking kwarto. Pagkasara niya ng pinto, agad-agad kong sinilip ang aking mga papel. Napahinga ako nang maluwag at ngumiti muli sa pag-iisip na lahat ng mga imahe ay gawa ni Tita Nueng para saakin.
Khun Nueng
Napangiti na lang ako dahil sa aking kapatid na nasa loob ng kanyang sasakyan. Sinundo niya ako kanina sa dorm dahil sabi niya may paguusapan daw kami. Nang dumating kami, tinignan ko lang siya ng mabuti habang ngumingiti. Hindi ko namalayan na nauna na pala siyang bumaba.
"Hindi ka pa ba bababa, Khun Nueng?" Tumango lang ako bilang patunay na ako ay bababa na sa kanyang sasakyan.
Habang kami ay kumakain, walang isa sa amin ang nagsalita. Ngayon alam ko na kung saan papunta ang usapan na ito.
"Kung gusto mo akong kausapin si lola, sinasabi ko sa iyo, hindi ako pupunta," mahinahon kong sinabi.
"Khun Nueng, ilang taon na ang lumipas."
"Tuo Lek, sa pagitan ko at ni lola, sino ang mas sinisisi mo, 'di ba si lola?" Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako na may lungkot sa mukha.
"Tuo Lek, alam kong mahal mo ako at mahal mo rin si lola, pero pakiusap, huwag mo akong piliting bumalik sa mansyon." Alam ko na masama ang kanyang loob ngayon, ngunit pinilit niya na lang tumango bilang pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
Blank || FayeYoko [Tagalog]
RomanceThe Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi