Chapter 4

678 18 0
                                    

Khun Nueng

"Mahal kita, aunt Nueng,"  Napahinto ako sa aking paglalakad at nilingon siya ng may pagtataka. Bago pa man ako makapagsalita, inunahan niya na ako.

"Mahal kita. Alam kong hindi ako karapat-dapat para sa iyo ngayon, pero balang araw magiging karapat-dapat din ako para sa iyo."  sabi niya na may ngiti sa labi.  "Ipinapangako ko 'yan,"  dugtong niya pa. Bigla na lang akong naramdaman ng saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko siya gusto, totoo yan, ngunit masama ba kung susubukan kung gustuhin din sya?

Papunta ako ngayon sa restawran kung saan ko iniwan sandali si Anueng para isauli muna sa dorm ko ang mga gamit na dala-dala namin kanina galing sa pagguhit. Habang papalapit ako sakanya, kita ko sakaniyang mukha ang pag-aantay kaya't umupo na ako sa harapan niya. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha ng makitang nandito na ako.

"Anuman ang gusto mong kainin, umorder ka lang. Ako magbabayad." sabi ko na kunwari walang gana.

"Oooh, binibilihan moko ng pagkain dahil natatakot kang isipin ko na masama kang tao nuhh?" Mapang-asar niyang saad sa akin.

"Daming satsat, kumain ka na nga." Nagsimulang na man itong kumain. Habang tinitignan ko siyang kumakain, inikot ko aking paningin sa buong lugar at dito ko nakita ang aking dating fiancé. Bigla itong napatingin sa gawi ko kaya't nagkatinginan kami. Iniwas ko ang tingin at dali-dali akong tumayo.

"Mag c-cr lang ako." paalam ko kay Anueng at tumango lang ito. Aalis na sana ako ng bigla na lang tinawag ni Achet ang aking atensyon.

"Teka lang."  pigil sa akin ni Achet. Kitang kita ang pagtataka sa mukha ni Anueng.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Anueng sa akin. Tinignan ko mo na si Achet bago nagsalita.

"Hindi."  Mabilisan kong sagot. Ibinaling ko ulit kay Achet ang aking atensyon.

"Anong gusto mo? Kilala ba kita?" Seryosong tanong ko sakainya. Kitang kita sa mga mata niya ang pagdadalawang isip kung aamin ba o hindi.

"Uhm, hindi mo ako kilala pero ako ay kandidato para sa miyembro ng Parlamento, nandito lang ako para bisitahin ang lugar. Ito ang aking pangalan sa business card." Sabi niya sabay abot ng kanyang business card sa akin. Nag-aalinlangan pa ako kung kukunin ko ba ito o hindi. Sa huli, tinanggap ko ito at pagkatapos ay tumingin kay Anueng.


Habang kami ay naglalakad ni Anueng papunta sa sakayan ng bus, lagi na lang itong may tingin sakin na pagdududa.

"Bakit mo ako tinititigan?" Tanong ko.

"Anong tingin mo sa kandidato na iyon?"

"Huh?"

"Sabi ko, ano ang iniisip mo? Tahimik ka na simula nung nakausap natin yung lalaki at tinanggap mo pa ang kanyang business card." Malungkot niyang sabi.

"Iniisip o hindi, ano ba ang kinalaman nito sa'yo?"

"May kinalaman ito sa akin dahil nga gusto kita Aunt Nueng." Napahinto ako sa kaniyang sinabi.

"Madali lang sabihin iyon, hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo ha?" Hinarangan niya ang daan ko at ngumiti ng malaki.

"Hindi ako nahihiya, ikaw lang ang hindi nagpaparamdam sa akin nanghiya." Umalis na ito sa aking harapan pero ikinabit niya naman ang kaniyang braso sa aking braso kaya't pilit ko itong tinatanggal.

"Aunt Nueng, kung may iniibig ka at hindi mo kayang sabihin ng malakas,  nakakabuwisit iyon."

"Kaya't napagpasyahan mong ilabas ang iyong inis sa akin?" Tanong ko

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon