Chapter 26

231 9 0
                                    

Khun Nueng

"Mas malaki ang aking bra kesa saiyo."

Sa pagkakataong ito, inilabas ko ang ulo ko at sinabi iyon sa kanya nang hindi man lang natatakot sa mga pilyo niyang tingin.

"Iyan ay isang bagay na wala ang isang batang babae tulad mo." dagdag ko pa

"Bahala kana nga, babasahin ko na tong nobela" Tumigil si A-Nueng sa kalokohan at umupo para ipagpatuloy ang pagbabasa ng nobela. Gayunpaman, tumingin siya sa akin at nagtanong.

"Gusto mo bang basahin ko ito para sa'yo?"

"Sige. Para hindi ko na kailangang gamitin ang mga mata ko."

"May naisip ako." Pumalakpak si A-Nueng at tumingin sa akin nang matindi.

"Gagawa ako ng mga audiobooks at ipapadala ko sa'yo. Pwede kang magbigay ng komento. Magandang ideya, 'di ba?"

"Mukha ba akong may oras para diyan?" Walang gana kung tanong

"Argh." Napangiwi ang masayang bata sa pagkabigo.

"Iyan ang masama kong side. Ngayon, mas malapit na tayo."

"By the way, anong kurso ang dapat kong kunin kung gusto kong maging DJ?

"Kahit ano. Bihira akong makakita ng tao na nagpupursige ng karera na akma sa kanilang kurso. Tingnan mo ako. May degree ako sa arkitektura, pero wala akong trabaho, kaya humihingi ako ng pera sa kapatid kong babae.

"Talaga? Ang saya siguro kung makakapag-aral ako ng gusto ko."

"Hindi mo pa alam?"

"Hindi pa"

"Matanda ka na."

"Nalilito pa rin ako. Pero malalaman ko rin; Huwag kang mag-alala. Sabihin na nating alam ko na kung ano ang gusto kong gawin at kung ano ang gusto ko."

"Oh, Ano-ano ang mga iyon? Isa-isahin mo nga sa akin."

Ngumiti ang batang babae nang masaya at itinaas ang mga daliri upang bilangin na para bang marami siyang isasama sa listahan.

"Una, gusto kong maging DJ"

"Aha"

"Pangalawa, gusto kita at balang araw magiging kasintahan mo ako"

"Siguradong papayag ang nanay mo na gawin mo iyon." Sarcastic kung sabi

"Pangatlo, hindi ko gusto ang nanay ko. Tapos na!"

Natawa ako sa sinabi niya. Marahil ay katulad ko siya noong nagrerebelde ako sa lola ko.

Nang si A-Nueng ay humiga na at binabasa nang malakas ang nobela, salita bawat salita, tumunog ang kanyang telepono. Pero nang makita niya ang numero ng tumatawag, nagpakita siya ng inip na ekspresyon at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Sagutin mo. Nakakainis."

"I-silent mode ko na lang."

Nang abutin ni A-Nueng ang kanyang telepono, inabot ko ito. Nakalagay sa screen ang salitang-Mama, kaya sinagot ko ang tawag.

"Ar-Nueng!"

"Hello."

[Khun Nueng...]

Agad na nakilala ni Piengfah ang aking boses nang marinig niya ito. Ako'y humanga. Pero hanggang doon lang. Ako ay isang natatanging tao. Kapag ako'y naging bahagi ng buhay ng isang tao, mahirap na akong makalimutan, pati na ang aking boses.

"Ang anak mo ay nagbabasa kasama ko. Huwag kang mag-alala, ihahatid ko siya pauwi."

[Naiisip ko kung dapat ba akong mas mag-alala ngayon.]

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon