Khun Nueng
"We were going to get married." Sagot ni Chet sa batang babae
"Ahh..."
"Kaya't matagal na naming kilala ang isa't isa." Dugtong pa nito
Sa wakas, dumating na ang sasakyan sa aming huling destinasyon. Narito kami sa lugar ng Bangpu. Ang restawran ay nasa tabi ng dagat at isa rin itong club ng ballroom dancing. Kaagad na pumasok si A-Nueng sa lugar, at siya'y lumingon sa akin nang may pagkakuryoso.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"
"Nakasanayan kong pumunta rito kasama ang aking lola."
Sa nakaraan... Madalas kaming dalhin ng aking lola rito upang kumain dahil lubos siyang mahilig sa dagat. Sa mga magagandang araw, nakikinig kami sa musika ni Suntharaporn (ang unang Thai band na nag-compose ng Western-style music) at nanonood ng ballroom dancing ng mga nakatatanda. At oo... Nandoon din ang ballroom dancing noong araw na iyon.
"Kumain muna tayo at pagkatapos tayo ay sumayaw. Puwede nating hingan ng turo ang mga nakatatanda" sabi ko sakanila.
"Okay."
Si A-Nueng, na masayahin sa buong biyahe, ay naging tahimik nang mag-order kami ng pagkain at kumain. Nang maging tahimik ang batang babae, na karaniwang walang tigil sa pag-uusap, bigla akong nakaramdam ng pag-iisa...
Dapat ay nagagalit ako dahil hindi siya tumitigil sa kanyang pag-sasalita. Pero bakit parang nakaramdam ako ng lungkot na siya'y tahimik?
"Anong problema? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Tanong ni Chet sa munting babae nang may paghanga, tulad ng dati. Ang aking nasaksihan ay tila isang usapan sa pagitan ng isang ama at anak.
"Hindi."
"Eh ano ang problema mo? Bakit ka tahimik? Okay ka naman noong nasa kotse tayo ah." Ngayon, ako naman ang nagtanong. Ngunit walang sinagot si A-Nueng. Tumutok lang siya sa pagkain sa kanyang plato, parang ayaw niyang kainin iyon. Kaya nagkaroon ng kanyang sariling konklusyon si Chet.
"Marahil gusto niyang sumayaw."
"Nueng." Binanggit ko ang kanyang pangalan. Hindi madalas na tinatawag ko siya sa kanyang pangalan dahil sa hindi ko kagustuhang tawagin ang isang taong may pangalang katulad ng akin.
"Sayaw tayo."
"Huh?" Siyang nagulat kaya't tumayo ako at dinala siya sa dance floor. Isinaayos ko ang aking daliri para tawagin siya.
"Bilisan mo bago pa mag bago ang isip ko."
"O... oo."
Naglakad kami patungo sa gitna ng dance floor. May mga taong sumasayaw na, kaya hindi kami nahihiya na magsimulang sumayaw din.
"Anong sayaw ang kailangan mong gawin?" Tanong ko sa batang babae
"Waltz... tulad nito."
"Madali lang naman. Bakit hindi mo magawa? Bobo ka ba?
"Oo. Bobo ako." kakaiba talaga siya ngayon, hindi siya kumikilos nang normal...
"Anong problema? Ang lalim ng lungkot mo, para kang maysakit."
"Ano'ng meron sa inyo ni Uncle Chet? Bakit dapat kayong ikasal noon?" So ito ang rason kung bakit ito tahimik simula kanina.
"Sabi ko na sa iyo na halos maging asawa ko na siya. Akala ko tapos ka nang magulat doon. Bakit ka ulit nagulat sa parehong bagay? Nakakapagtaka ka."
"Kung halos kayong mag-asawa, ibig sabihin ba ay kayo'y magkasintahan?"
"Anong kasintahan?" Tanong ko sakaniya
BINABASA MO ANG
Blank || FayeYoko [Tagalog]
RomanceThe Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi