Chapter 29

282 10 0
                                    

Khun Nueng

[Hindi mo ginawa ang ipinangako mo, Khun Nueng. Sinabi mong papakitaan mo ng dahilan si A-Nueng para kamuhian ka at lumipat na sa akin. Pero nung bumaba ang anak ko sa Ferris wheel, agad siyang tumakbo papunta sa akin at matapang na sinabi na "hindi siya aalis." Paano naman ang nararamdaman ko!]

Pagkatapos naming maghiwalay at umuwi, tumawag si Piengfah para sigawan ako, kahit na hindi siya nagsalita ng kahit ano sa amusement park. Siguro ayaw niyang mag-react ng ganito sa harap ni A-Nueng dahil natatakot siyang mag-isip ng masama si A-Nueng tungkol sa kanya.

"Ayokong pilitin ang bata. Umiyak si A-Nueng nung nalaman niyang kailangan niyang lumipat sa'yo."

[Sinasabi mo bang ayaw pumunta ni A-Nueng dahil mas mahal ka niya kaysa sa akin? Paano mo nagagawa ito? Paano mo nagagawang mahalin nang walang hiya ang anak ng ibang tao nang ganito?]

Agad akong tumayo ng tuwid nang marinig ko iyon. Sobrang taas ng ego ko para aminin na nararamdaman ko ang "pag-ibig". Ang salitang iyon ay madalas nang ibinabato sa akin kamakailan. Agad ko siyang pinutol dahil hindi ko matiis..

"Magsalita ka ng maayos. Anong nagmahal sa anak mo?"

[Iyan ang katotohanan. Kung gusto mo ng anak, gumawa ka ng sarili mo. Ito ang anak ko... Hindi ko na papayagang makita mo ulit si A-Nueng. Paano niya mamahalin ang isang estranghero nang higit sa kanyang ina?]

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko iyon dahil hindi iniisip ni Piengfah na "mahal" ko si A-Nueng sa paraang iyon. Napangiti ako ng cute, na parang nanalo ako, nang ma-realize kong mas mahal ako ng bata kaysa sa kanyang tunay na ina.

"Iyan ay normal lang. Ang mga tao ay madalas na mahalin ako nang higit sa ordinaryong mga tao. Kaya ang iyong anak na mas mahal ako kaysa sa kanyang tunay na ina ay hindi kakaiba."

[Paano mamahalin ng isang bata ang iba nang higit sa kanyang ina? Bawal ka nang makipagkita kay A-Nueng hanggang sa maayos ko ang isyu sa kanya. Paalam.]

"Teke lang..."

Binuksan ko ang aking bibig upang magsalita ngunit kinailangan kong tumahimik nang biglang natapos ang tawag. Paano nito maaayos ang problema? Ang pagbawalan kami ni A-Nueng na magkita ay hindi magpapalipat kay A-Nueng sa ibang bansa kasama niya. Pero kung magkalapit ang mag-ina, maaaring maimpluwensiyahan si A-Nueng. Ang mga bata sa edad niya ay pabago-bago ang isip. Kaya para maiwasang magbago ng isip ang masayang bata, kailangan kong gumawa ng aksyon.....

Hindi ko maisip na darating ang araw na ako, na isang reyna sa eskwelahan at pinapanood ang mga lalaki na umaakyat sa bakod na parang mga unggoy at humahanga sa akin, ay magiging isa ring unggoy sa bakod kasama ang mga lalaking amoy na parang kakatapos lang maglaro ng football sa ilalim ng araw at gumulong sa basura. Narito ako sa gitna nila, pinapanood ang mga batang babae ng may pagnanasa.

Hindi ito ang lugar ko. Narito lang ako para makita ang anak ng kaibigan ko... Dapat ba akong umabot hanggang ganito?

"Khun Nueng."

Si Folk, na nasa karaniwan niyang lugar, ay nagtaas ng kamay upang magbigay galang sa akin nang magalang. Nilinaw ko ang aking lalamunan ng kaunti at tumayo ng tuwid.

"Hindi ako narito para sumilip o ano pa man. Narito ako para tingnan ang tanawin."

"Hindi pa ako nagsasabi ng kahit ano."

Ang mga tao sa bakod, nakatingin din sa eskwelahan ni A-Nueng.

"Lumabas na ba si A-Nueng?"

"Hindi pa."

"Sa totoo lang, lilipat ba talaga si A-Nueng sa ibang bansa kasama ang kanyang ina?"

Binago ni Folk ang paksa, ngunit ang paksang ito ay nagdulot ng kirot sa aking puso.

"Ayaw ni A-Nueng na umalis, pero pilit siyang hinihikayat ng kanyang ina... Sa totoo lang, nandito ako dahil gusto kong makipag-usap sa kanya. Pinag bawalan ako ng kanyang ina na makita siya."

"Kaya nandito ka talaga para hintayin siya."

Ngumiti si Folk sa akin nang masaya. Ipinakita ko ang aking ngipin sa kanya at muling tumingin sa eskwelahan ni A-Nueng.

"Nandito na si Nueng."

Ang maliit na batang nakasalamin ay nag-uusap sa kanyang kaibigan habang papalapit sa gate. Tumakbo ako papunta sa kanya pero kinailangan kong tumigil nang makita ko si Piengfah na naghihintay kay A-Nueng sa labas ng gate.

"Iyon ba ang ina ni A-Nueng?"

"Hindi."

"Sino siya?"

"Isang demonyo."

Ipinakita ko ang ngipin ko at binigyan ng bagong palayaw ang aking kaibigan bago tumakbo para magtago sa likod ng puno, kung saan malamang hindi nila ako makikita. Nakatitig si A-Nueng kay Piengfah ng tuwid ang mukha. Hindi siya mukhang masaya o ano pa man..... Ano ang gagawin ko... Agresibo ang ina.

"Ayaw kong umuwi kasama ka... Hindi ko gustong gawin iyon."

Narinig ko ang boses ni A-Nueng habang iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin. Kaya itinuon ko ang aking atensyon sa mag-ina na masayang nag-uusap.

....Mabuti para sa kanya. Sinermunan siya ng kanyang anak.

"Hindi mo ba ako kayang bigyan ng pagkakataon?"

"Ito ay masyadong kakaiba. Estranghero ka para sa akin."

Nagulat si Piengfah sa pagiging direkta ni A-Nueng. Nagustuhan ko ang nakita ko. Pero nang makita ko ang aking kaibigan na ganun, nakaramdam ako ng awa para sa kanya. At dahil sa awa ko para sa aking kaibigan. Lumayo si A-Nueng mula sa kanyang ina papunta sa amin. Hintay, papunta sa amin?

"Uwi na tayo. Ar Nueng."

Hinila ako mula sa aking taguan. Tumingin sa akin si Piengfah at huminga nang malalim.

"Hindi ka talaga sumusunod sa akin, Khun Nueng. Sinabi ko sa'yo, huwag kang pumunta para makita siya."

Agad na tumingin si A-Nueng ng masama sa kanyang ina nang marinig iyon.

"Pinagbawalan mo bang makita ako ni Ar Nueng? Kaya pala umaakyat si Ar Nueng sa bakod na parang unggoy."

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon