Khun Nueng
Inaya ako ni Piengfah sa bahay para mag-usap sa hardin.
Sasabihin ko sana sa kanya na huwag mag-asta na parang nasa isang serye kami dahil wala naman kaming hardin na parang Eden dito sa Thailand, at ang araw dito ay laging nagpapaalala na may karma sa mundong ito. Kung ganito kainit sa mundo, gaano pa kaya kainit sa impiyerno, kung saan tayo mapupunta? ...Pero anong magagawa ko? Hindi naman ito bahay ko. Kung ang may-ari ng bahay ay inaanyayahan akong umupo sa hardin, kailangan kong sumunod. May mga lamok pa. Hindi man lang niya ako inalok ng pangontra sa lamok?
"Ano ang gusto mong sabihin sa akin?"
Nakangiti ang kaibigan ko habang iniinom ang kanyang Earl Grey tea, na lasang katulad lang ng tsaa mula sa lokal na tatak.
"Tungkol ito kay A-Nueng. Nag-aalala ako sa kanya."
"Ano ang ikinababahala mo? Natatakot kang mag-aaral siya sa unibersidad na gusto niya, di ba?"
Nakangiti ako ng pa-mock sa gilid ng aking bibig.
Kung ako ang nag-aalaga sa kanya, wala siyang hindi mapapasukan. Ako ito, si Sippakorn.
"Hindi iyon ang pinangangambahan ko."
"Kung ganon, ano?"
"Nababahala ako sa anak ko."
"Nabalik tayo sa simula."
"Nababahala ako dahil parang masyadong mahal ako ng anak ko."
Tumingin sa akin ng seryoso si Piang Fah.
"Natakot ako."
"Bakit ka natakot?"
Napalunok ako ng hindi komportable nang tingnan ako ng kaibigan ko ng ganoon. Kahit na wala akong ginawang masama, bigla kong naramdaman na para akong may lagnat.
"Natatakot akong masaktan mo ang damdamin niya, tulad ng ginawa mo sa akin."
"Hindi kayo maghatulad."
"Bakit parang sinasabi mo na tatanggapin mo ang pagmamahal niya."
"Nababaliw ka ba!"
Sumigaw ako ng wala sa tono nang marinig ko iyon. Ramdam ko rin na natataranta ako.
"Ilang taon na ako, Piengfah.."
"Alam ko. Alam kong hindi mo papansinin ang batang katulad ni A-Nueng. Pero ang anak ko marahil hindi ganoon ang iniisip. Bata pa siya. Mahal ka niya ng buong puso. At parang binibigyan mo siya ng pag-asa. Malinaw ba na hanggang tiyahin ka lang niya, na kaibigan ka ng kanyang ina?"
Hindi sinubukan ni Piengfah na maglagay ng hangganan para sa akin o anuman. Gusto lang niyang tiyakin na hindi ko bibigyan si A-Nueng ng pag-asa.
"Siyempre."
"Mabuti. Hindi na ako masyadong mag-aalala. Akala ko kasi hindi mo kailanman sinabi iyon sa kanya. Natatakot ako na baka maligaw siya kung masaktan siya ng husto sa iyo."
"Hindi ako ganun kalupit... Tinuruan mo na ako ng leksyon noon."
Sinabi ko iyon nang puno ng pagkakasala. Pero sinubukan kong magsalita ng normal hangga't maaari. Tulad ng sabi ko, ayokong malaman ng iba kung ano ang iniisip o nararamdaman ko. Ang kalmado kong asal ang aking kanlungan.
"Nakakagaan ng loob. Mahal na mahal ka ni A-Nueng, Khun Nueng."
"Ah-huh."
"Mahal mo rin siya, di ba?"
Nagkatinginan kami sa mata. Hindi iniisip ni Piengfah na mahal ko si A-Nueng ng malalim o anuman. Marahil ang ibig sabihin niya ay hinahangaan ko siya bilang anak ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Blank || FayeYoko [Tagalog]
RomanceThe Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi