Khun Nueng
Nagising ako dahil sa alarm sa telepono ni A-Nueng. Ang maliit na babae ay naka ligo na at suot na ang kanyang uniporme sa unibersidad. Agad niyang pinatay ang alarm at ngumiti ng may paghingi ng paumanhin."Pasensya na, Tita."
"Ayos lang. Pupunta ka na ba sa unibersidad?"
Nakahiga ako nang nakadapa, hubad, sa ilalim ng kumot. Tumagilid ako at tinitigan siya habang tinanong niya ang napaka-halatang tanong.
"Oo. Gusto kong manatili sa iyo, pero may exam ako ngayon. Babalik agad ako." Sabi ni A-Nueng habang banayad niyang hinawi ang buhok sa aking pisngi habang nakasandal sa gilid ng kama.
"Iisipin kita buong araw."
"Umalis ka na. Ayos lang ako."
"Ayos lang ako..." Nanghihingi ng lambing si A-Nueng. Ito ang unang pagkakataon na ngumiti siya sa kabila ng mabigat na panahon.
"Magmadali ka na. Babangon na rin ako mamaya."
"Pupunta ka ba sa libing ngayon?"
Natahimik ako dahil hindi ako sigurado sa gagawin.
"Namaga ba ang mga mata ko?"
"Kaunti lang."
"Kung ganon, hindi na ako pupunta. Ayokong kaawaan ako ng mga tao."
Tinitigan ko ang anak ng kaibigan ko at mahina akong tumawa. Ayokong tingnan nila ako katulad ng pagtingin mo sa akin ngayon.
"Hindi kita tinitingnan nang may awa."
"Kung ganon, paano mo ako tinitingnan?"
"Tinitingnan kita nang may pagmamahal."
Pinipilit kong pigilin ang aking mga labi at tinakpan ko ang aking mukha ng unan bago siya pinaalis.
"Pumunta ka na sa klase mo."
"Sige. Mahal kita, Tita Nueng."
Napakakonsistent ni A-Nueng. Sinasabi niya na mahal niya ako araw-araw na parang bahagi ng kanyang daily routine. Parang pagkain, pagsipilyo ng ngipin, o pagligo. Limang minuto matapos umalis ang maliit na babae, bumangon ako, naligo, at nagbihis. Bumalik ako sa kama at muling nagpaikot-ikot. At kapag nag-iisa na ako, bumabalik ang aking kalungkutan.
Bakit napakasakit nito?
Tumunog ang telepono sa tabi ng kama ko. Kinuha ko ito at nakita kong si Sam ang tumatawag. Sinabi ng kapatid ko na naghihintay siya sa ibaba at mukha pa rin siyang malungkot.
Pagkatapos nito, bumaba ako papunta sa kanya. Ang dilaw na imported na kotse ni Sam ay naka-park sa harap ng gusali. Nang makaupo na ako sa harap na upuan ng naka-air condition na sasakyan, nagsimula na siyang magkwento ng kahirapan niya sa pagdaanan ng gabi. Pagkatapos nito, tumingin siya sa akin at nagsalita nang may nanginginig na boses.
"Pasensya na."
"Bakit?"
"Kahapon hindi ako makatwiran. Nakalimutan ko na kapag sobrang saya mo, ibig sabihin ay sobrang lungkot mo. Maaaring walang ibang makakaintindi sa'yo, pero ako na lang ang pamilya mo ngayon. Dapat ako ang mas nakakaintindi sa'yo kaysa kaninuman."
Wala akong sinabi. Nilagay ko lang ang kamay ko sa kanyang ulo, puno ng pagmamahal at pag-unawa.
"Kahapon sobrang sama ng loob ko."
"Tayo na lang dalawa ang natitira."
"Khun Nueng"
"Mahal kita." Inabot ni Sam ang aking hita. "Huwag na tayong mag-away please lang."
BINABASA MO ANG
Blank || FayeYoko [Tagalog]
RomanceThe Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi