Khun Nueng
Ginawa pa rin ni A-Nueng ang sinabi niyang gagawin niya—sumama sa hapunan ko araw-araw. Itatanong niya sa akin ang parehong tanong araw-araw.
"Pwede ba akong matulog kasama mo?" —Isang tanong na hindi lang tungkol sa pagtulog. At ginagawa ko rin ang parehong bagay araw-araw, na tanggihan siya upang hindi magkamali muli. Mabuti na lang at hindi siya namilit o pinaparamdam sa akin na hindi ako komportable.
Naging magaling akong magluto at, sa halip na mag-drawing, iniisip kong magbenta ng takeout. Pero hindi pa rin ako ganoon ka-kumpiyansa sa pagluluto ko. Baka sobrang mahal ako ng masayahing babae kaya iniisip niyang lahat ng ginagawa ko ay magaling. Kaya, kailangan niya ng test subject, na siya nga ay...
"Masarap."
Bumisita ako kay Sam sa opisina niya at pinakain siya ng niluto ko. Tila nagulat ang kapatid kong babae nang tikman niya ito at tinuloy-tuloy hanggang maubos agad. Pinagmamalaki niya ako.
"Hindi ka nagsisinungaling, di ba?"
"Masarap talaga. Maganda ka, tama at magaling kang magluto. Ang galing mo."
"Baka talento ito. Magaling ako sa lahat ng pinapasok ko." Tiningnan ko ang mga kamay ko at kumindat sa kanya.
"Iniisip kong magbenta ng takeout. Anong tingin mo?"
"Bakit hindi ka mag-isip ng mas malaki? Magbukas ka ng magandang restaurant. Mag-iinvest ako. Mayaman kaya ako."
"Masyadong maganda iyon. Subukan ko muna. Kung maganda ang takbo, hihingi ako ng loan sa mayamang ML."
"Sige, ikaw ang kapatid ng mayamang ML."
"Brilliant. Aalis na ako. Tumingin ako sa relo ko. Kailangan kong maghanda ng hapunan."
"Bakit ka nag mamadali? Mag-isa ka lang. O may kasalo ka sa hapunan?"
"Makikihapunan ako kay A-Nueng," sagot ko ng tapat. Nagbigay iyon ng malisyosong ngiti kay Sam.
"Madalas kong marinig ang pangalang iyan. Gusto kong makilala siya."
"Isa lang siyang bata. Ipapakilala kita kung magkita kayo. Kailangan kong umalis bago maubos ang magagandang sangkap sa palengke."
Gabi-gabi, humihinto ako sa palengke para bumili ng mga sangkap para maghanda ng hapunan para sa maliit na babae. Wala akong gaanong pera kaya nagluluto lang ako ng mga simpleng ulam na hindi nangangailangan ng mamahaling sangkap. Minsan hindi nakakarating si A-Nueng dahil sa mga aktibidad sa unibersidad. Tila mas marami na siyang mga social events na dinadaluhan.
Marami na siyang mga kaibigan...
"Ano ba ang problema ko? May problema ba dun?" Tanong ko saking isip.
Minsan bigla akong nakakaramdam ng lungkot kapag iniisip ko ang mga bagong social circles ni A-Nueng. Hindi na siya kumakapit sa akin tulad ng dati. Pero, tulad ng sabi ko, naiintindihan ko. Isa siyang teenager. Kailangan niyang magkaroon ng mga kaibigan na ka-edad niya na makakausap tungkol sa mga bagay na hindi ko maintindihan.
Pagkatapos umalis sa palengke, naghanda ako ng simpleng hapunan. Naghihintay ako sa masayang babae na dumating para sabay kaming kumain. Ang shorthand ng orasan ay nasa numero seven na. Papadilim na ang langit at nagsisimula akong mag-alala.
BINABASA MO ANG
Blank || FayeYoko [Tagalog]
RomanceThe Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi