21: Excluded

1.5K 88 21
                                    

A.N~

Parte po talaga ng magmahal ang masaktan.

-KuyaSen

~*~

Hindi ako nakatulog. Ni isang minuto hindi ako dinalaw ng antok. Malambot naman ang hinihigaan ko dahil kahit hindi naging maganda ang salubong sa akin ni kuya Damian ay sa tingin ko'y sinigurado niya pa ring maayos ang tutulugan ko. Hindi naman mainit o malamok kahit walang electric fan dahil iisa lang ang fan namin sa kwarto at maliit pa. Sa kanila 'yon, gamit nila. Wala naman talagang dahilan sa lugar para hindi ako makatulog, sadiyang lunod lang ang isip ko sa mga ideyang hindi naman dapat pinaka-iisip. Iyong hilo ko kagabi ay sumama na lang sa mga luha ko. Ang nakakainis pa ro'n ay kahit anong gawin ko, hindi ko magawang pahintuin ang luha ko sa pag-agos. Kahit hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang mga mata ko at oras na makaramdam ako ng hindi ayos o makarinig ng alam kong makakasakit sa akin mula kay kuya Damian, baka maiyak na naman ako.

Bakit ba kasi nakaka-miss ang isang 'yon? Umasa pa akong na-miss niya rin ako, 'yan tuloy, mas triple ang sakit.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kahit na madaling araw pa lang ay bumangon na ako. Wala pa nga ang araw ay nag-pasiya na ako maglinis ng apartment. Wala na rin namang mangyayari kung hihiga ako at tititig sa kisame. Mababaliw lanh ako sa katahimikan at sa mga tanong na pilit nagsusumiksik sa isipan ko.

Maingat akong gumalaw sa bahay. Ginawa ko ang best ko para hindi sila magising dahil nakakahiya naman kung maaabala ko sila sa ingay ko. Sinigurado kong hindi makagawa ng kahit na anong kaluskos. Nang masiguradong malinis na sa loob ay nagpasiya naman akong mag-asikaso ng pagkain. Magsasaing sana ako nang maalala kong nasa loob ng kwarto ang bigas. Life saviour naman nang makita kong may kanin pa sa loob ng rice cooker. Ipa-fried rice ko na lang ito para mas maging masarap. Meron pa rin namang limang itlog sa tray. Kakasiya naman siguro ito sa amin kung gagawin kong simpleng omelet. Kumpleto naman ang rekados kaya sinimulan ko nang hiwain ang sibiyas, bawang at saka tatlong kamatis. Nilagyan ko rin ng cheese para kahit papaano ay magkaroon ng dagdag panlasa.

Hindi ko kontrol ang ingay ng pinipritong itlog kaya kahit anong gawin kong ingat ay may nagagawa talagang ingay ito.

Muntikan pa nga akong mapabalikwas nang bumukas ang pinto ng kwarto at nang humarap ako ay bumungad sa akin si Shina, ang asawa ni kuya Damian.

"Good morning," bati ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya alanganin akong ngumiti, medyo napahiya.

"Pasensiya na sa ingay. Um, nagluto na ako ng almusal natin. Mayamaya kain na tayo kapag nagising na 'yong mag-ama," dagdag ko na lang.

Lumabas siya ng kwarto at saka sinara nang maayos ang pinto. Dahil sa distansiya namin ay mas nakita ko nang malapitan ang itsura niya at masasabi kong maganda talaga siya. Sa unang tingin ay parang wala pa siyang anak dahil sobrang balingkinitan ng katawan niya. Sobrang puti rin ng kutis na para bang hindi nabibilad sa arawan. Mukhang anak mayaman. Ang tangos ng ilong niya. Singkit ang mga mata kaya nagmukha siyang mataray tapos parang sobrang natural ng pagiging pula ng labi niya. Perfect na sana kaso hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin niya sa akin. May nararamdaman akong hindi maganda. Hindi ko alam? Hindi ako komportable sa presensiya niya. Pakiramdam ko ay may ginawa akong mali kahit wala naman talaga.

"Keifer, right? Alam mo bang lagi kang nake-kwento sa akin ni Damian," komento niya saka lumapit sa akin. "Salamat sa pag-aalaga sa asawa ko, ah."

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon