Chapter 1: Customer

8.7K 134 7
                                    

"You're here again," Aiah said nang makita akong papasok na naman sa drawing room niya, "napapadalas ka na rito. Bored ka na naman ba?" She knows me too well.

Aiah offered to sit on one of the stools inside her drawing room, but I refused.

"So, bakit nga Ma. Nicolette? Wala ka na naman bang magawa sa bahay ninyo at sa bahay ka namin pumupunta?" she asked and rolled her eyes. "Kumain ka na ba?"

"Yep," I answered popping the 'p'.

To be honest, hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ako nandito. Ayoko lang talaga siguro sa bahay kasi wala rin naman akong makakausap doon. Ayoko rin naman ng kausap. Bakit ba kasi ang tagal ng Monday? Wala akong magawa sa buhay ko. Unlike kapag nasa school ako, kapag walang ginagawa tumatambay ako sa headquarters ng banda namin.

Yes, I'm part of a band. Hindi siya sikat compared sa mga banda na napapanuod sa TV. Well, for school lang kasi siya. Tumutugtog lang kami kapag may events o kaya may competition.

"I will have a customer later," Aiah reminded me because I was engrossed na sa mga painting na nakikita ko sa wall ng drawing room niya. She really knows how to draw and paint. No wonder kung bakit maraming lumalapit sa kaniya for a portrait. In fairness, kumikita siya roon. Kung may talent lang siguro ako sa drawing, lahat ng mukha ng tao ni-portrait ko na.

"Oh tapos?" tanong ko sabay tingin nang malapit sa isang painting niya. Medyo familiar ‘yung place na iyon pero hindi ko na maalala.

"Anong 'oh tapos?' kailangan mong lumabas dahil magpapa-drawing siya. Parang hindi ka pa sanay," wika niya sabay alis ng apron sa katawan niya. "So, bakit ka nga kasi nandito? You're not fond of leaving home. Remember when we were kids, ang sabi mo sa akin hinding-hindi ka sasama sa mga gala ko dahil hindi ka naman si Dora?"

"Alam mo, walang connection ‘yan sa pagpunta ko rito. Ang dami dami mong sinasabi." Iritado kong wika sabay upo sa isa sa mga stool niya. "Sino ba ‘yang customer mo ba’t parang conscious ka sa environment mo? Hindi ka naman ganyan dati."

"I don't know rin e." Aiah tilted her head. "Ang sabi lang ni Dad, ni-refer niya ako sa anak ng employee niya. Gusto ata magpa-portrait for some reasons. Hindi ko na tinanong. Wala naman akong paki."

I chuckled at her answers. Kailan ba siya nagkaroon ng paki sa mga ginuguhit niya? I mean, yes, she puts effort in every detail pero sa mga customer niya? Ni-hindi niya nga kilala mga pangalan noon. Also, hindi naman siya nagpapapunta ng iba sa bahay niya. Ang weird kaya noon. Customer ka lang pero alam mo ‘yung bahay ng artist mo.

"Sana man lang tinanong mo pangalan. Paano kung ibang tao pala ‘yung pumunta? Edi tigok ka." I even acted it out, making her laugh.

"Alam mo ang OA mo rin minsan," said she and looked at her watch. "Baka papunta na ‘yon. Maghintay ka na lang sa sala. Siguro mabilis lang naman ‘to."

"Anong mabilis? Walang mabilis na portrait. Buti sana kung magpo-photoshoot lang kayo." I rolled my eyes and crossed my arms. "Wala ka bang picture non, para man lang alam natin kung siya ba talaga customer mo? Masama kutob ko rito e."

"Sabi ni Dad, maganda raw tapos Mary ‘yung pangalan."

"Ay kung si Mama Mary ‘yan, maganda nga." I snapped and stood up from my seat. "P’wede ba makinuod?"

"Alam mo pagdating sa babae talaga napakabilis mo." Bahagya niya akong itinulak at tumawa. "But seriously, I want you to get out. Baka mamaya hindi sanay ‘yung tao habang nagpapadrawing siya ‘di ba? Magkaroon pa ako ng mababang ratings dahil sa ‘yo."

"Hoy! For your information halos lahat ng customer mo kilala ako. Ikaw lang ang may hindi kilala sa kanila."

Amidst our conversation, Aiah's phone suddenly rang so she had to excuse herself. While she was gone, tinignan ko lahat ng paintings na nasa wall niya. Ang galing niya talaga sa ganitong bagay. Halos every week ata may bago siyang nilalagay. Hindi ba siya gumagawa ng plates at ang dami niyang time sa ganito?

"Um, Colet. She's outside na pala. Can you pick her up? Aayusin ko lang ‘yung mga gamit ko." Aiah requested, so tumango ako at lumabas.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa loob ng pocket ko habang sigang naglalakad sa sala nila. Aiah was indeed a rich kid. Every piece of furniture in their house looked so expensive. Buti na lang hindi ko pinangarap maging ganito. Okay na ako sa buhay ko. Not so poor and not so rich. Saktong nakakakain lang ng anim na beses sa isang araw.

"You must be Mary?" I asked the person who was standing outside the house. Nakatalikod siya sa akin at kitang-kita ko ang mga ribbon na nasa buhok niya. "Miss Mary?"

Dahan-dahan siyang humarap at ngumiti. Aiah was right. She's pretty. She looks unique in her own way. Her wavy hair adds to her charm.

"You're Aiah Arceta? OMG. I'm your biggest fan. I saw your drawings sa mga art gallery. Sobra akong na-touch sa mga gawa mo. It gives me an overwhelming feeling na pakiramdam ko after ko makita iyon ay need kitang makilala." I was turned off. Ang OA niya. "I'm Mary Loi Yves Ricalde. Maloi for short." She extended her hand pero tinignan ko lang iyon.

"Hindi ako si Aiah, nasa loob siya." I motioned for her to follow me and biglang naging awkward ang atmosphere. Siguro hindi niya in-expect na nagsayang siya ng laway sa taong hindi naman niya kilala.

Agad ko siyang dinala sa labas ng drawing room ni Aiah. I didn't want to knock or open it dahil baka nag-aayos pa siya. She hates it kapag ginugulo siya kapag busy siya. The only sign na busy siya ay sinasara niya ang pintuan ng isang kwarto kung nasaan siya. If it's locked, then you should back off.

"Andyan na pala kayo," Aiah said nang makita niya kami sa labas. "Thank you, Colet. You can wait for me sa living room." She winked at me and gestured for Maloi to enter the room.

Maloi told Aiah everything she said to me a while ago. Napakaingay niya. Dati ba siyang sirang plaka?

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now