Chapter 47: Just One Night

5K 141 95
                                    

MALOI

Colet and I arrived on the island exactly in the evening and Geo told us na magpahinga na lang deretso at bukas na lang kami magstart.

Hindi naman siguro sila nagmamadali ’no?

I was actually expecting na kaming dalawa lang ni Colet sa island, pero marami pa palang iba. Nasa iisang cabin lang kami at the rest ng staff ay nasa kabila. Nauna na sila. I thought masosolo ko ’yung island o kaya makakapagslack ako.

I turned to Colet na busy sa pagbubuhat ng mga gamit namin. Tinulungan naman siya ng ibang staff. Gusto ko rin tumulong kaso ayaw niya. Lahat ng bubuhatin ko, aagawin niya sa akin. Feeling malakas na naman siya.

"Kumain na po ba kayo ma'am? Sa kabilang hut po nandoon mga pagkain," sabi ng isang staff kay Colet pero tumingin muna siya sa akin.

"Gutom ka na?" she asked but I shook my head.

"Hindi na ako kakain." Dumiretso ako sa loob at nagulat ako nang makitang sa amin ibinigay ang cabin na may iisang kwarto. "Wait, tamang cabin ba ’to?" I asked the staff.

"Oo, sabi ni sir Geo ito raw ibigay sa inyo kasi ’yung ibang cabin nandoon ’yung ibang producer." He explained.

"Okay lang, sa couch na lang ako." Colet smiled at me at nagpasalamat na rin sa staff na tumulong sa amin magbitbit ng mga gamit.

Sinara ko na ang pinto at huminga ng malalim. Talaga naman Geo, pinapainit ulo ko.

I met Geo when I was in college. He was OUR schoolmate back then pero hindi siya kilala nila Jho. Since umalis si Jho at Colet, ako ang naiwan as the vocalist ng banda. He saw me and helped me. Hindi niya ako binitawan. Super close kami non, nag-iiba lang talaga ugali niya kapag may ibang kasama. For formality raw.

"Magpahinga ka na. Maliligo lang ako," Colet said habang naghahanap ng damit sa maleta niya.

Tumingin lang muna ako sa paligid. Nakapunta na ako rito but not to this room kasi si Geo ang palaging nagsstay rito kapag nandito siya. Tapos ako, kasama ng ibang artist sa ibang cabin.

Nahihiya siguro kay Colet kaya itong kanya ang pinagamit niya. Tss. Taas ng tingin niya rito e inaapi api ko lang ’to.

"After mo, kakain ka?" I asked.

"Hindi na rin siguro." Colet stood up at akmang pupunta na sa bathroom when I stopped her.

"Sa room ka na rin matulog. Malaki naman kama. Nakakahiya naman kung sa couch ka. Ikaw nga reason bakit ito binigay na cabin sa atin." I explained.

Colet only nodded at pumasok na sa bathroom. Wow, ang cold ha.

I remember tuloy when Colet left. When she went to the states to pursue her dreams and helped her parents. To tell the truth, I was there. I was there sa airport that time. She was waiting for someone and Aiah was talking to her. She was hesitating to leave kasi hindi pa niya ako nakikita.

Wala akong balak magpakita. Ayokong masira plano niya. Alam kong ayaw niyang umalis. Alam kong naghehesitate din siya. Pero may mga bagay kasi na kailangan naming bitiwan para mas maging maayos ang kalalabasan.

Sayang lang. Hindi niya kinayang mag-isa. Pero kahit papaano masaya naman akong may nagmahal sa kanya. Hindi niya naranasan ang naranasan ko. Kasi ang hirap non. Sobrang hirap.

I opened my notebook kung saan ako nagsusulat ng mga kanta. Most of them were dedicated to her. Hindi ko na rin naman pwedeng ilabas kasi hindi naman nagtutugma ’to sa mga nangyari sa amin.

Hanggang ngayon nanghihinayang ako. Kung nagwork ba ’yung LDR na ’yon, ano kayang buhay meron kami? Masaya kaya kaming dalawa? Sabay kaya kaming kumakanta?

Paglabas ni Colet sa bathroom ay agad akong napatingin sa kanya. Walang pinagbago. Kahit anong gawin ko, sa kanya pa rin umiikot ang mundo ko. Kahit anong pilit ko, sa kanya pa rin ako.

Siya pa rin ’yung paborito kong musika. Pero kahit kabisado ko pa, hindi ko na kinakanta.

"Why are you looking at me like that?" Colet asked habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang towel.

I only shook my head. "Nag-iisip lang ako ng concept. Ano kayang maganda?"

Colet went in my direction and looked at my blank page notebook. Wala akong masulat. Baka kasi puro sad songs lang kapag ako mag-isa ang nag-isip.

"Bukas na ’yan. Marami pa namang oras," she said and smiled at me. "Maligo ka na. Tapos kapag nagutom ka punta tayo roon sa sinasabi ng staff. ’Wag kang matulog nang gutom."

Colet would always be Colet. The loving and caring one. Although hindi halata sa kanya alam ko na ganon siya. Nakakamiss sobra. Gusto kong bumalik. Gusto kong yakapin siya ng mahigpit. Pero hindi pa ako ready.

Hindi pa ako handa sa mga posibleng mangyari.

I once again looked at her innocent face while she was reading a text message on her phone.

Ipakita mo lang sa ’kin na deserve mo ng chance, ibibigay ko sa ’yo. Ipakita mo lang na worth it ’to, lalaban ako.

"Maloi," Colet called my name and showed me something on her phone. It was our picture back in college. "Ang cute mo. Laki ng cheeks mo rito." She chuckled and looked at the picture as if she was reminiscing about something.

"Pagkatapos kong maligo, matutulog na ako." I told her.

"Bakit? Akala ko kakain ka pa?"

"May sinabi ako?" I asked.

"Wala ba?" Colet rubbed the back of her neck and nodded. "Sige. Matutulog na lang din ako."

After I took a quick shower, I saw Colet lying down on the bed. Malaki naman ang kama at hindi naman awkward kung magkatabi kami.

However, pagkahiga ko pa lamang ay agad na siyang yumakap sa ’kin. I didn't know if she was asleep o nagtutulug-tulugan lang siya, but I didn't care anymore.

I let her hug me. Just one night.

Isang gabi lang, Colet. Iisipin ko na hindi mo ’ko pinagpalit.

Isang gabi lang.

"I still love you, Lucky." She whispered between her breaths.

"I still love you too."

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now