Chapter 42: Coincidence?

3.1K 107 41
                                    

I didn't want to wake up anymore. Sobrang gulong-gulo na ang utak ko. Ilang beses kong tinawagan si Jho kagabi nang makauwi ako to make sure she's okay. Pero ang tanga ko. She wouldn't be okay now. After what I did? I don't think so.

"Ate," Tin came to me at umupo na rin sa isang couch malapit sa akin. Nandito ako sa sala at nagpapahinga habang sila Mama naman ay tulog na.

"Hm?" I asked at nilingon siya.

"Hindi ko pa pala nasabi sa ’yo." She looked on the floor and sighed. "Noong wala ka rito, ate Maloi asked about you. Kung may balita raw ba sa ’yo. Sabi ko busy ka. And she gave me this." Tin gave me a piece of paper. "Ilang beses kong binalak na ipadala sa ’yo, kaso ang mahal pala. Sinabi ko na lang na ibibigay ko pagbalik mo. Kaso, pagbalik mo kasama mo na si ate Jho. Kaya hindi ko mabigay sa ’yo."

"Ano ’to?"

"Hindi ko alam. Pero ate, ayokong makasira ng relasyon. Sana kahit ano pa man ’yung nandyan, huwag mong kalimutan na girlfriend mo si ate Jho." She reminded me.

"Wala na kami ni Jho." I heaved a sigh. "Pwede ka na umalis. Babasahin ko na."

Tin nodded at iniwan na ako sa sala. I slowly opened the paper and I saw a handwritten letter by Maloi. Handwriting pa lang niya naiiyak na ako. Ano pa kaya kapag nabasa ko ’to?

I went to my room first dahil baka magising sila mama. I locked the door and sat on the edge of my bed before reading the contents.

Cole, Aimer, My love, Dear.

I don't know what to call you na. Sobrang miss na miss na kita. Hindi kita ma-message kasi I found out that you left your phone daw. Wala ka rin namang socmed. Pero alam mo ba, I've been dreaming na babasahin mo ’to with me. Habang nakahiga tayo grass. Siguro ang successful mo na that time? Tapos aawayin ako ng fans mo kasi inagaw kita sa kanila when in fact nauna naman talaga ako. Ang delulu ko ’no?

But you know what Aimer, natatakot din ako. Natatakot ako na baka kapag bumalik ka, hindi na ako ’yung mahal mo. Ang tagal din kitang pinagtyagaan ha. ’Yang ugali mo? Joke hahaha. Nakakatakot kaya kapag walang communication. Kaya sinubukan ko magsulat ng letter for you. Baka kasi sakaling may ipapadala sila sa ’yo sa States at least makakasama ’to. Sayang, gusto ko pa naman basahin natin ng sabay itong kakornihan ko.

Aimer, mahal na mahal kita, okay? Sorry kung umalis kang wala ako. Sorry kung napaka-immature ko noon. Pagbalik mo, I'm better na. I promise I'll be better para wala ka ng reason na maghanap ng iba.

Wala na akong masabi. Pero always remember na nandito ako ha? Kapag malungkot ka, don't forget to think of me. Kapag umuwi ka na, gagawa tayo ng kanta natin. How we endure the LDR. We'll show the world that love has no boundaries. I love you so much, Cole. Hihintayin kita.

- Iyong tinatangi, hehe.

My tears flowed right after reading that. Gusto kong magwala. Gusto kong suntukin lahat ng matitigas na bagay na makikita ko. Pero mas gusto kong yakapin si Maloi nang mahigpit. Ang hirap. Ang tanga ng desisyon ko.

***

"Oh, saan ka pupunta?" Mama asked when she saw pulling my luggage the next morning. "Kakauwi mo lang aalis ka na agad?"

"Ah, may binili po kasi akong condo. Doon po muna ako. Need ko po kasi magsulat ulit ng songs." I smiled and kissed her cheeks.

"Eh bakit ang aga?" she asked. "Mag-almusal ka muna. Kakagising ko lang oh. Pagluluto kita. Ano bang gusto mo?"

"Ah, hindi na po." I smiled at nagpaalam na.

Ayoko na rin kasing abutan ng araw. Hindi na nga rin ako nakatulog dahil kung ano anong iniisip ko. Mas mabuti nang magsulat na lang ako ng kanta para ma-divert ko attention ko.

Nang makarating ako sa building ay agad akong sumakay ng elevator. However, when the elevator opened I saw Maloi. She was wearing pajamas. Mukhang kakagising lang niya. Ang tagal naming nagkatingin bago ko naisipang pumasok sa loob.

"Dito ka nakatira?" I asked.

Maloi didn't answer at pinindot pindot ang elevator para bumukas. She wanted to get out of here. Panigurado para iwasan ako.

"Hey, baka masira mo, mas ma-stuck tayo rito." I told her.

Maloi stopped and heaved a sigh. "Lalabas na dapat kasi ako."

I chuckled. "Bakit hindi mo ginawa?"

"Pwede ba?" She turned to me. "Panira ka, wala pa ngang araw naiinis na ako."

"I just asked if dito ka nakatira."

"Oo nga, kita mo nakapantulog pa ’yung tao." She rolled her eyes. "Babalik na nga lang ako sa condo ko."

However, sabay rin kaming lumabas ng floor at lalo siyang nairita. And you know what's worse for her? Magkatabi kami ng unit.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now