Chapter 8: Cookies

3K 105 4
                                    

Agad akong umuuwi after class namin para mag-aral ng basic steps sa drawing. Hindi ko talaga alam kung paano ako mag-uumpisa kaya pinupuntahan ko si Aiah at tinitingnan ‘yung mga arts niya noon. Unti-unti naman natututunan ko. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ang layo talaga ng outcome ng kanya sa mga gawa ko.

"Puyat ka na naman?" tanong ni Sam nang makita akong nakapikit habang nakaupo sa couch. "Ilang araw na ‘yan ah."

"Marami lang ginagawa." I gently rub my eyes. "May gagawin ka ba?"

"Hindi, may sasabihin ako. Papunta na rin si Franz at Maloi."

Tumango-tango ako. Ano na naman kayang announcement nito at parang ang lungkot niya. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang dalawa. Hindi sila sabay, as usual late na naman si Maloi.

Bigla kong naalala ‘yung drawing na ibibigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung magugustuhan niya kasi ako hindi. Ang pangit kasi talaga, ang layo sa taste ko.

"Since kumpleto na tayo, hindi ko na papatagalin." Sam heaved a sigh. "The event was postponed. May gagawin daw kasi na culminating activity ang ibang department and since mas mahalaga ang kanila, tayo magpapaubaya."

Maloi slowly nodded. I know she's been looking forward to it. Palagi siyang nagpa-practice para roon tapos ngayong malapit na, doon pa na-postpone.

Sam left the room with a heavy heart. This was the first time na ma-postpone ang isang event lalo na pinaghandaan namin. Franz was sad too pero ngumiti lang siya nang nakakalokonat tinuro na naman ang paper bag na dala ko.

"Pagkain?" tanong niya.

"Hindi. Mukha kang pagkain." I rolled my eyes.

Since Franz was hungry, he left too. Naiwan kami ni Maloi sa loob at hindi pa rin siya nagsasalita. Sobrang disappointed siya.

"Okay ka lang?" I asked.

She gently smiled and nodded. "Na-invite ko na kasi kapatid ko. Sayang naman kung mauusog."

"Gano’n talaga. Hindi rin naman kasi natin kontrolado ‘yung mga events dito." I grabbed the paper bag and handed it to her. "For you. ‘Wag ka na mag-emote d’yan."

"Sa akin ‘to?" tanong niya.

"Paulit-ulit?"

Maloi excitedly opened the paper bag and saw my drawing na naka-frame pa. I was expecting na lalo siyang madi-disappoint but her face lit up.

"Thank you!" She hugged me tightly, dahilan para lumakas ang kabog ng dibdib ko. "This is one on my bucket list. Ang makatanggap ng drawing from someone."

"Eh?" I asked.

Maloi nodded and hugged the frame. "That's why I paid Aiah to do a portrait for me kahit hindi ko naman kailangan. I just want to receive a drawing from someone." She chuckled.

Hindi ko alam kung mabababawan ako sa sagot niya o sasaya kasi ang dali niya mapasaya. I hoped she knew how much effort I put into that one.

"Ang ganda niya, Col. Thank you so much." Her eyes began to tear up kaya kumunot ang noo ko.

"Hoy, ‘wag kang umiyak. Wala akong ginagawa sa ‘yo!"

"Baliw. Tears of joy ‘to!" Hinampas niya ako sa balikat. "So, bakit mo pala ako binigyan nito? Ibig sabihin ba nito pumapayag ka na na maging friends tayo?"

"Para kang bata." I rolled my eyes.

Maloi put back the drawing inside the paper bag at tumabi sa akin para kumapit sa braso. That was it. Her natural approach. How many days ko ring hindi naramdaman ‘to from her. Ngayon ko lang na-realize na, oo nga, nakakamiss talaga siya.

"At dahil sabi mo last time ay kakain tayo, gawin na natin ‘yon ngayon." She wiggled her brows. "Saan mo gusto? Da cafeteria o labas tayo? Treat ko."

"Cafeteria na lang. Iisip ka pa kung anong restaurant tapos hindi masarap, edi sayang lang." I huffed.

"Aba, so sinasabi mo bang wala akong masarap na kainan?" tanong niya at nagtaas ng kilay. "Ipagbi-bake na lang kita ng cookies." She winked at me at tumayo.

"Saan ka pupunta? Uwi ka na?" tanong ko.

"Oo, bibili pa ako ng ingredients tapos magtitimpla pa," she said. "Kung gusto mo sumama, sabihin mo lang. Ang hirap mo kayang timplahin. Paano ko malalaman gusto mo ha?"

I smiled at her. Was she examining me these past days na hindi kami gaanong nag-uusap at kung makapagsalita siya parang kilalang-kilala niya na ako.

"Tara." Tumayo ako at kinuha ang bag. "Pero walang kakapit sa braso ko ha? Baka masiko kita "

Maloi laughed and nodded bago tuluyang lumakad. Pinauna ko na siya dahil sigurado kapag magkatabi kami, kakapit at kakapit siya sa akin.

Sinama niya akong mamili sa palengke ng mga ingredients and I was amazed dahil kilala agad siya ng mga tindera roon. If I wasn't mistaken, kailan lang siya lumipat sa area nila pero ang dami na agad ang nakakakilala sa kanya.

"Ang friendly mo naman masyado, kapag nagka-boyfriend ka panigurado magseselos ‘yon." I commented nang makarating kami sa tapat ng bahay nila. Naisipan kasi niya na sa kanila na lang magbake dahil wala namang tao at mas alam niya ‘yung mga gamit.

"I'll shower him with assurance then. Hindi naman problema ‘yon. At saka buti sana kung hindi ko alam limit ko. Iba ang friendly sa flirty ‘no." Depensa niya kaya tumango na lang ako, dahil kung hindi marami na naman siyang sasabihin.

Pinaupo niya ako sa isa mga upuan habang pinapanuod siya magbake. Hindi naman pala talaga siya sanay rito kasi nanunuod pa siya sa YouTube.

"Akala ko naman master mo na kaya nag-insist ka." Tumawa ako at napailing.

"Ikaw rin naman ah. Nag-effort ka sa drawing alam ko, kaya deserve mo ’to." She smiled at me while beating the egg. "Kaso nga lang hindi ko alam magiging lasa. Pagtiisan mo na lang."

Natawa na naman ako. Hindi ako mabilis matawa pero kapag siya na talaga nagsasalita, iba. Hindi ko alam i-explain pero basta.

It took Maloi three hours to finally finish the cookies. Hindi rin naman ako nabagot kasi ang dami naming napagkwentuhan tungkol sa buhay ng isa't isa. Nalaman ko rin na kaya sila lumipat ay dahil sa work ng papa niya. Sa sobrang daldal niya pakiramdam ko tuloy alam ko na buong pagkatao niya.

"E ikaw ba, bakit ang cold mo?" tanong niya.

"Wala. Ayoko lang talaga magsalita lalo na kung wala namang sense pag-uusapan." I shrugged and waited for her na ihain ang cookies dahil tinapat niya pa iyon sa electric fan.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Ginabi ka na." Kumuha siya ng isang lalagyan at nilipat doon ang mga cookies. "Iuwi mo na lang ’to. Balik mo na lang ‘yung canister kasi baka ako ‘yung pabalikin ni mama sa probinsya kapag hindi niya agad nakita ‘yan."

Iba talaga humor ng taong ‘to. Konti na lang mahahawa na ako.

Tinanggap ko ang lalagyan at hinatid niya ako hanggang sa sakayan. Pati mga drivers kilala na niya kaya minsan hindi ko talaga alam kung anong pinaggagawa niya at paano niya naging close ang mga ‘to.

"Ingatan mo ‘to kuya, ha?" Tinapik tapik pa niya ang driver bago tuluyang mag-wave sa akin.

When the driver drove off, napalingon ako sa hawak ko na cookies. Napangiti ako. Never in my life someone gave something like this to me. No one put effort into me that's why I felt like no one deserves my effort too. Siguro nga iba-iba talaga ang mga ‘to. Especially, Maloi. She's so special.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now