Chapter 20: Hangover

2.8K 116 4
                                    

The next morning doon lang ako kinausap ng tatay ko. Paglabas ko kasi kagabi ay narinig ko sila nag-uusap ni mama sa kwarto nila tungkol sa gamot na hindi ko alam. Sure naman ako na hindi gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang tatay ko kaya pinagsawalang bahala ko na lang. Wala rin naman kasing may sakit sa pamilya namin.

"Aray ko." Daing ni Maloi habang hawak-hawak ang ulo niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama dahil sa hangover niya pero wala akong ginagawa.

Anong gusto niyang gawin ko? Tulungan ko siya? Ginusto niya ’yan, kaya panindigan niya.

"Napakasama talaga ng ugali mo." Maloi pouted habang nakatingin sa akin.

Nakasandal lang ako sa sa headboard ng kama habang pinagmamasdan siya. Kanina kasi pinapanuod ko lang siya matulog kasi ang payapa niya titigan, ngayon nagbago na isip ko. Napakagulo niya talaga kahit anong mangyari.

"Anong gusto mo gawin ko? Tanggalin ko ulo mo?" I asked.

"Masakit kasi!" Maloi hissed. "Ikaw talaga wala kang ka-amor amor. Pwede namang lambingin mo na lang ako para mawala ‘di ba? Hindi ‘yung nang-aaway ka dyan."

"Anong lambingin? Gusto mo magsapakan pa tayo rito?" tanong ko at tumayo na mula sa kama.

I was about to open the bedroom door nang biglang may kumatok. Agad akong napakunot at sinilip kung sino iyon. It was my father, he was carrying a small plastic containing a bottle.

"Hindi ba masakit ulo ng kasama mo? Kagabi ko pa kasi binalak bumili ng gamot sa hangover pero pinigilan ako ng mama mo." He handed me the plastic and tried to peak sa loob para makita si Maloi pero humarang ako. "Sige na. Ipainom mo sa kanya ’yan at bumaba na kayo. Nakapagluto na ang mama mo, kakain na tayo."

I only nodded and closed the door gently. I turned to Maloi who was looking at the ceiling na parang lumulutang na naman ang utak sa kawalan. Ano ba talaga trip ng taong ’to?

"Ngayon ko lang naisip, may ginawa ba ako sa ’yo kagabi?" Maloi shifted her head para makalingon sa akin. "Did I say something stupid?"

"Oo," I said and handed her the sports drink. "You're curious what it felt like to be my girl." I answered casually pero hindi naman siya nagulat. She only accepted the drink at pinilit umupo para makainom siya.

"Wala namang nakakagulat. I'm curious ever since," she said after drinking half of the drink. "Uuwi na ako, may practice pa pala tayo."

Maloi was about to stand up pero sumakit na naman ang ulo niya kaya sumandal siya sa headboard. I only shook my head kasi hindi ko naman talaga alam ang gagawin kung may hangover ang tao. I mean, I've never been drunk or wasted before.

"Gusto mo ba ng broth? For sure nagluto si mama. Labas na tayo para makakain ka." I extended my hand para may mahawakan siya sa pagtayo. She gladly accepted it and even acted na natutumba siya the reason why she hugged me.

I rolled my eyes. Para-paraan din itong mokong na ’to.

"If you want to hug me just tell me." I told her with a stern voice. "Hindi naman ako madamot."

Maloi smiled and chuckled. Akala niya siguro napakamanhid ko para hindi ma-realize itong advances niya.

"Saglit, 10 minutes. Nahihilo pa ako."

I rolled my eyes again at her response. I decided to just carry her and she immediately flinched at my touch. Maloi looked at me with surprised but I ignored her. I swiftly open the door pero nagulat ako nang makita kong nasa labas ang pamilya ko habang nagtuturuan kung sinong kakatok.

They were all shocked when they saw Maloi in my arms, that's why I immediately put her down without saying anything. Talagang nalaglag siya sa sahig dahil wala akong pasabi na bibitawan ko na siya.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now