Bumalik kami ni Maloi sa school kung nasaan sila Franz at Sam. Hindi naman namin sila pwedeng iwan doon dahil hindi pa rin kami tapos sa mga ginagawa namin.
Buong akala namin na kapag balik namin ay nagpapahinga sila o kaya ay iidlip, pero nagulat kami nang makita sila na nakaupo at naka-circle. May bote sa gitna at naghiyawan nang makita kaming pumasok.
"Saan ’yung iba?" tanong ni Maloi at luminga-linga. "Umuwi na?"
"Oo," sagot ni Taneo at inaya kami na sumali sa laro nila. "Naglalaro kami ng slap or kiss. Pauso kasi ’tong si Sheena. Dalawang beses namin papaikutin ’yung bote. Ang unang maturo ’yun ’yung magpapahalik o magpapasampal. ’Yung pangalawang matuturo ’yun naman ang pipili kung hahalikan ba niya o sasampalin niya ’yung unang matuturo." Paliwanag ni Taneo.
Umupo na kaming dalawa ni Maloi. Umupo siya sa gitna ni Taneo at Sheena at ako naman ang nasa gitna ni Franz at Sam. Halos magkatapat lang kaming dalawa kaya hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya.
"Iikot ko na ha. Ang KJ, siya maglilinis ng banyo." Nagsitawanan sila sa kondisyon ni Taneo.
Kahit pagod pa kami galing byahe ay naki-ride na lang kaming dalawa. Unang pair na naturo ay si Sheena at Taneo. Dahil nga napaka-gentleman ni Taneo, hinalikan na lang niya si Sheena sa noo. Next naman ay si Sam at Sheena. Sinampal ni Sheena sa Sam nang wala pasabi kaya muntikan na silang mag-away, pero okay naman ulit. Aware naman si Sam na game lang ’yun. Next na napili ay ako.
Agad akong napatingin kay Taneo na siyang nag-iikot ng bote. Gusto ko siyang i-threaten na ayusin niya pero ’di ko magawa dahil nga kaharap ko lang si Maloi. Muling inikot ni Taneo ang bote at tumuro iyon kay...
Franz. Piskit.
Bakit siya pa? P’wede namang si Sheena na lang ulit.
"Colet and Franz!" Agad na nagsigawan ang mga kaibigan namin. "Ano na, Franz. Kiss or Slap kay Colet?"
"Ayoko siya sampalin e." Ngiting wika nito.
Napatingin ako kay Maloi at agad naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Subukan mo ‘kong halikan, iitim ‘yang mata mo." Banta ko.
"Sa noo lang naman. Ayaw mo bang ma-feel ang pink soft lips ko?" tanong ni Franz at akmang hahalikan ako pero umiwas agad ako kaya nagtawanan sila except kay Maloi.
"Kahit sa talampakan pa ’yan, ayoko." Ni-ready ko na ang pisngi ko sa sampal niya pero ’di niya ginawa. Tinuluyan niya pa ring halikan ako sa pisngi kaya sinabunutan ko siya. "Siraulo ka talaga!"
Tawanan sila nang tawanan except sa aming dalawa. Tinuloy pa rin nila ’yung laro kahit pansin na rin nila na tahimik si Maloi. Naisipan na rin ni Taneo na last round na lang at balik trabaho na ulit kami. And worse, kaming dalawa ni Maloi pa ang naturo. Ako ang magde-decide whether I will kiss her or slap her.
Ayoko naman siyang sampalin dahil galit na nga siya sa ’kin, dadagdagan ko pa ba? Kaso baka ayaw niya rin magpakiss, mapahiya lang ako.
"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw."
Natahimik kaming lahat.
"Ikaw na magdecide, binigyan mo pa ako ng responsibilidad." Umirap si Maloi kaya tumango na lang ako.
Hindi na ako tumayo at gumapang na lang papalapit para mahalikan siya sa noo kaya nga lang ay tinulak ako ni Franz dahilan para matumba ako mismo kay Maloi at magdampi ang labi namin.
Agad akong umayos ng upo at tiningnan sila kung nakita ba nila at buti na lang hindi. Ramdam ko na konti na lang magre-red na ang mukha ko kaya sinamaan ko ng tingin si Franz at sinugod siya para magmukhang galit ang dahilan kung bakit ako namumula.
Piskit. Bakit niya ginawa ’yon? Napaka-awkward! Ano na lang sasabihin sa akin ni Maloi? Paano pala kung straight siya tapos ayaw niya magpahalik? Paano pala kung ako ’yung first kiss niya? Piskit piskit piskit!
***
Bandang 10pm din kami natapos sa mga ginagawa namin. Since sobrang gabi na rin at wala na kaming masasakyan, nagpaalam na lang kami sa adviser namin na sa clinic na lang kami matutulog. Syempre, sharing na lang sa bed dahil hindi naman aabot sa anim ang higaan dito sa clinic ng department namin. Ganoon nila pinapabayaan ang department nila tapos sa ibang colleges, grabe sila sa mga facilities, napakaunfair.
"Share na kami ni Sam," wika ni Franz at inayos na ang hihigaan nila.
"Dito na lang ako matutulog sa couch. Hindi kami p’wede magtabi ni Sheena." Singit ni Taneo.
"Ayoko rin naman nang may katabi." Inirapan siya ni Sheena at saka inayos ang kanyang hihigaan.
Wala na kaming choice ni Maloi kung hindi maghati sa isang natitirang higaan. Walang gustong maunang humiga kaya lumabas muna ako saglit para maghilamos at magpahangin na rin.
Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Ang awkward talaga nang nangyari kanina. Nahalikan ko si Maloi. Big deal sa ’kin ’yon dahil first kiss ko siya. Kahit na sabihing mabilis lang.
"Bakit nandito ka pa?" Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa likod ko. "Hindi ba malamok?"
"Hindi ka na galit?" tanong ko. "Sorry pala kanina. Si Franz talaga may kasalanan non."
Ngumiti siya at umiling. "Ayos lang ’yun. Ang pangit naman lalo tignan kung si Franz ’yung nakahalik sa ’kin."
"Baka masapak ko pa siya kapag hinalikan ka niya," wika ko at tumingin sa kanya.
I didn't know why, but even though gabi na, ang liwanag pa rin ng aura ni Maloi. Hindi ko mahanap kung anong mali sa kanya. Ilang beses ko man siyang sinubukan i-hate noon, hindi ko magawa. There was something in her na hinahanap ko talaga.
"Ang bilis naman." Bulong ko na wala sa sarili.
"Ang alin?" tanong niya.
"Wala." I shook my head at umayos nang upo sa bench.
Ang bilis ko namang magkagusto kung sakaling may gusto nga ako sa taong ’to. I know to myself na hindi ako madaling ma-in love, pero I think nakadepende pala talaga roon sa tao. Kahit ilang beses ko pang i-deny ’to, wala na.
Napatingin ako kay Maloi na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko at nakatingin na rin sa bituin. Never in my life, not even once, na sumagi sa isip ko that I would have a crush on someone who was my total opposite. Wala na, tinamaan na ata talaga ako.
"I'm sorry about kanina. Kung wala ako sa mood. Hindi ko lang talaga kasi gets," Maloi said out of the blue. "I clarified my relationship with Mikha para hindi ka magalit. I did everything para hindi ka magselos sa kahit kanino. Kaso natatawa ako. Why did I do that? Kasi in the first place ‘di ba? Hindi naman tayo."
I slowly nodded. "If you're mad kanina dahil sa approach ko kay Jho, don’t be. If you're thinking na bakit sa kanya ang caring ko agad pero sa ’yo hindi, dahil ’yun she's not from here. Ayoko naman ma-culture shock siya. I'm just trying to be approachable sa kanya."
Maloi nodded. "Cole, you're the first friend I have here in this dept. I hope I will never lose you."
I chuckled. "Ang drama natin."
Umusog si Maloi at sumandal sa balikat ko kaya sinandal ko na rin ang ulo ko sa ulo niya. Ang gaan talaga sa pakiramdam kapag kasama siya. Kung lalaki lang talaga ako, baka niligawan ko na siya.
YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
FanfictionWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...