I woke up early dahil need na namin umuwi, pero si Maloi ay mukhang mahimbing pa ang tulog na nakayakap sa ’kin. Ayokong niyayakap ako, pero kung siya rin naman okay lang.
"Anong balak mo?" tanong ni Sheena sa mahinang boses para hindi magising si Maloi. "Gisingin mo na ’yan para makauwi na tayo. Kanina pa chat nang chat si bebe, nakalimutan ko may lakad nga pala kami."
Tinapik tapik ko na si Maloi pero hindi pa rin siya bumabangon. Instead, she only hugged me tighter kaya napabuntong hininga na lang ako.
Suddenly, Franz woke up and saw our position. Agad siyang lumapit sa amin at tinanggal ang kamay ni Maloi sa akin.
"Distansya, kami pa nyan." He threatened Maloi in a joking manner kaya muntikan na siyang masampal ni Maloi dahil bigla itong nagising.
Hindi na rin ako nagalit kay Franz dahil kailangan na rin talaga namin bumangon. He looked at me and wiggled his brows as if he was telling me that he got me. Asus, kaya ko naman gisingin si Maloi, ayoko lang.
"Uuwi na tayo?" tanong ni Maloi at kinusot ang mata. "Saglit lang, maghihilamos ako." She left the clinic kaya tumayo na rin ako para mag-stretching.
"Tell me, Colet. What's with you and Maloi?" Franz asked. This time, he was serious.
"I like her."
"Ahh." Franz nodded and turned his back kaya natawa ako.
"Anong 'ahh'?" Natatawa kong tanong. "You sound like sobra kang na-hurt."
"Sino bang hindi mahu-hurt kung ’yung taong matagal mo ng gusto, may gusto ng iba?" tanong niya pabalik at umupo sa bed. "Kailan pa?"
"Hoy, baka nakakalimutan mo. Sooner or later ikakasal ka. Kahit gustuhin pa kita, in the end sa iba ka rin ikakasal kaya ayoko magtake ng risk ’no." Paalala ko sa kanya. "But I don't like men talaga, Franz. Alam mo naman ’yan ’di ba?"
Tumango na lang si Franz.
Pagkabalik ni Maloi ay nag-ayos na kaming lahat para sa pag-alis, pero bago pa man kami maghiwa-hiwalay ay nagyaya na si Sheena mamayang gabi na pumunta sa isang pub. Hindi pa siya pwede ron dahil pinagbabawalan siya ng kuya niya although hindi na siya minor, pero gagawa raw siya ng paraan. Gusto kasi niyang mag-celebrate ng friendversary nila ni Gwen. Buti talaga nakakayanan ni Gwen pagiging clingy at OA ni Sheena. Pero sabagay, ang lambing naman kasi talaga ni Sheena. Kaya siguro aliw na aliw rin si Gwen sa kanya ay dahil wala namang kapatid na babae ’yon, tapos bunso pa siya sa kanila.
"See you na lang sa pub mamaya?" tanong ni Maloi nang dumating na ang grab taxi niya.
"Yeah. See you." I smiled and she nodded.
***
Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa practice at pag-aayos ng venue pero hindi ko naman pwede i-reason out ’yon para hindi pumunta sa pub. Nagchat sa akin si Aiah na hindi siya makakapunta dahil sa dami ng ginagawa, but Gwen, Sheena and Mikha were there. Si Maloi, nevermind. Panigurado kasi late na naman ’yon sa call time.
Pagkarating ko sa Pub agad kong nakita sila Gwen. She looked cool talaga sa kahit anong suot niya. Hindi niya mabi-beat ang poganda allegations. Same with Mikha. Si Sheena naman pang-sexy ang suotan. Akala mo talaga hindi pa teen.
"Wala ang best friend mo?" Gwen asked referring to Aiah na busy na naman sa pagc-cram niya.
"Wala. May gagawin daw siya e. Si Maloi nagtext na sa inyo?" I asked.
"Hindi rin. Baka late na naman, hayaan nyo na lang muna." Mikha commented kaya tumango kami.
Habang nasa pub ramdam ko ang katahimikan ng mga kasama ko kahit sobrang ingay sa paligid dahil sa kumakanta. Si Gwen at Sheena ay nag-uusap pero hindi ko marinig. Si Mikha naman ay hindi mapakali sa cell phone niya.
"Ano bang meron?" I asked Mikha kasi mukha na talaga siyang frustrated.
"I think my teacher is mad at me." She looked at me worriedly. "Is it wrong to have a crush on a teacher? I mean she's also a student naman. She's just my teacher sa arts."
Nagkatinginan kami nila Gwen. "Akala ko ba bawal kang magkagusto sa same sex because of your parents?" Gwen asked dahilan para pati si Shee ay mapatingin na rin.
"I know, but what can I do? This certain person is just amazing. She knows what she's doing. I felt safe around her. Even though I didn't know her completely, I felt like we've been together for many years. Ganon kagaan loob ko sa kanya." Mikha explained at sumubsob sa lamesa.
"So, you're saying you confessed your feelings to your teacher kaya nagkakaganyan ka?" Sheena asked.
Mikha lifted her head and slowly nodded bago sumukob ulit. She was stomping her feet dahil sa frustration.
"Paktay ka diha." Gwen leaned back on her seat at tiningnan ako. "Hindi ba student ni ano ’to?" she mouthed para hindi marinig ni Mikha.
"Nino?" I asked.
"Aiah."
Nanlaki ang mata ko nang ma-realize. Alam ko na magkakilala silang dalawa because of their parents pero hindi sumagi sa isip ko na possibleng si Mikha pala ang new student na kinuha ni Aiah that time. So, ang ibig sabihin when Maloi went to her that day malapit sa Architecture department, ay itinuro niya ang building nila Aiah?
What the hell?
"Galing mo bebe," Shee said at bahagya pang siniko si Gwen.
"And I can't do anything right now because she said no. And I told her that I won't accept her answer because I really like her." Mikha cried like a baby, causing me to caress her back.
Hindi ko na tuloy alam kung celebration ba talaga ito ng friendversary ni Gwen at Shee o nandito kami para i-comfort si Mikha.
"If she said no, perhaps ayaw niya talaga? Like not now. You know teacher mo siya sa arts tapos bigla kang magko-confess. It's unethical sa part niya." Gwen explained.
Mikha lifted her head again. "Are you saying I should drop my special class with her? Pero paano ko siya makikita? That's the only way to get closer to her kasi." She cried again kaya napangiwi na ako. Buti na lang pala hindi ako ganito kay Maloi. Kapag umamin ako tapos ni-reject ako, baka masakal ko na lang. Pero biro lang.
"Hi, sorry late." Maloi came and kissed Sheena and Gwen sa forehead at ako naman ay sa pisngi. Agad namang napakunot ang noo niya nang makita si Mikha na nakasukob. "Anong nangyari dyan?"
"Rejected." Shee sneered.
"Nino?" Gulat na tanong ni Maloi.
"Aiah." I mouthed.
Napatango na lang si Maloi. Kung ibang tao siguro sinabi ko for sure magagalit ’to at sasabihin na hindi deserve ni Mikha ’yon dahil maganda siya, mayaman at nasa kanya na ang lahat. But since it's Aiah, wala siyang magagawa.
"Oh edi ano pang hinihintay ninyo? Tagay!" Maloi shouted.
YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
FanfictionWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...