Chapter 10: Jhoanna

3K 104 7
                                    

"Mukhang type ka ni Jhoanna," banggit ni Franz habang kumakain kami. Hindi na lang ako umimik dahil wala rin naman ako sa mood pag-usapan ‘yon.

Jhoanna is such a beautiful lady, she won't like me that fast. I bet her standard is so high that only those people na ka-level niya ang makaka-reach. At saka hindi naman ako maganda para magustuhan ng isang ganong kataas na babae. Siguro naaawa lang ‘yon sa ‘kin kaya binigyan ako ng offer.

"Kanina pa kayo tahimik ni Maloi. May problema ba?" tanong naman ni Sam.

Napalingon ako kay Maloi sa tabi ko na tahimik nga habang kumakain. After niya kasi magperform, Jhoanna smiled at her pero hindi siya binigyan ng kahit na anong offer. Tapos akong wala namang ginawa bigla akong nagkaroon.

"Are you mad at me?" I asked in a shallow voice. Ayokong marinig nila Franz ‘yon dahil baka kung ano na naman ang isipin.

Maloi slowly shook her head and smiled. "Hindi ko lang alam kung may kulang ba sa performance ko kanina. Paano kaya ako mag-iimprove kung hindi sasabihin sa ‘kin ‘di ba?"

Franz and Sam nodded. Akala ko galit siya kasi ako lang ang nabigyan. Perhaps, Maloi wasn't that shallow. She was just too pure and wanted to improve. Sabagay, ang pangit naman kung makikipagkumpitensya ka mismo sa kabanda mo.

I resumed eating para makapunta na rin sa class ko. However, naglikot na naman si Franz kaya nang tumayo si Maloi habang hawak ang tray ay natamaan siya. Sam and I laughed, but Maloi was panicking and even kissed Franz's head as she apologized. I was startled by her actions. Did she just kiss Franz?

"Tama na ‘yan." I pulled Maloi to sit next to me and even Franz was stunned at what she did. He was too stunned to speak.

"Sorry talaga." Maloi clasped her hands together kaya mas lalo akong nairita.

"You shouldn't kiss him like that. Ang daming tao, baka may makakita sa inyo," I said and rolled my eyes.

"Colet, the jealous guitarist na naman ang peg oh." Franz smirked, causing me to grimace.

"Jealous ka dyan," I said and rolled my eyes.

Binilisan ko na lang ang pagkain dahil wala na talaga ako sa mood. Isa pang salita ni Franz mababatukan na siya sa ‘kin.

After eating, Maloi and I decided to go to class together. Pareho lang din naman ang class namin. Si Franz naman hindi raw papasok kasi tinatamad siya. Ma-FA sana siya.

"Col, p’wedeng tumabi sa ‘yo?" Maloi asked and I nodded. She giggled before taking a seat beside me. She was writing something on her notebook and when I peek, I saw that she was trying to draw something.

"Ano ‘yan?" I asked, pero tinago niya iyon.

"Huwag kang tumingin. Regalo ko ‘to kay Franz sa birthday niya." Maloi smiled and motioned for me not to look.

Grabe, kapag si Franz magbibigay pa siya ng effort na ganyan. Iyan ba ang friendly lang? Tss.

I crossed my arms at sumandal sa upuan. Suddenly, our prof came kaya tinago niya na rin ‘yon. Sobrang wala ako sa mood ngayong araw. First, dahil hinalikan niya si Franz nang hindi man lang nag-iisip. And now, she's trying to draw something for him? Kung hindi ko lang talaga siya kilala iisipin ko may gusto siya sa lalaking ‘yun.

"Ms. Vergara, are you still listening?" our Prof asked kaya napaayos ako ng upo. "You're zoning out again."

"She's trying to understand what you're saying, sir. Medyo po kasi mabilis." Singit ni Maloi at nag-gesture pa na bagalan ng prof namin ang discussion.

"Then she should have told me. Paano ko malalaman kung tutulala lang siya d’yan?" Our Prof started our discussion again and I mouthed thank you to Maloi. Pakiramdam ko talaga konting-konti na lang maeexpelled na ako sa school na ‘to.

***

Pauwi na ako at hinihintay ko si Tin para sunduin ako rito pero mukhang mali-late siya. Kaya naghintay na lang ako sa shed at naglaro sa phone ko. It's been 10 minutes, kaya ko pa naman siguro maghintay.

"You're alone?" I heard a familiar voice and it was Jhoanna. She looked so elegant talaga kahit naka-casual attire lang siya.

"Halata ba?" I asked. Wala talagang pinipiling tao ‘yung bunganga ko.

"How would I know?" she asked and sat beside me. "Perhaps you're waiting for your boyfriend?"

"Boyfriend." I huffed. "Wala ako non."

"What about a girlfriend?" she asked again dahilan para mabilaukan ako sa sarili kong laway. "I'm sorry, are you homophobic ba?"

"Ah hindi." I shook my head, "sadyang hindi lang ako sanay na tanungin ng ganyan."

"So, you don't have one?"

"Wala," I answered. "wala pang nakakapagpa-in love sa akin." I smirked.

After a minute, dumating na rin ang sundo ko. Tin was inside the taxi and she motioned for me to hop in kaya nagpaalam na rin ako kay Jhoanna. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin about sa offer, ayoko naman paghintayin ‘yung driver. Baka mamaya umaandar ‘yung metro, ang laki na naman ng babayaran ko.

"Ate, sino ‘yun? Ganda ah." Ngiting wika ni Tin bago sinabihan ang driver na mag-drive na.

"Loko!" Bahagya ko siyang kinurot pero tumawa lang siya. "Ang sabi lang ni Franz may-ari raw ‘yung parents niya ng isang recording company. Nagpunta sa headquarters namin kaya nagkakilala kami."

"Akala ko nililigawan mo." Tawa niya kaya napairap ako.

"Ako? Manliligaw? Sa ganda kong ‘to. Baka ako pa ligawan non." I wiggled my brows at siya naman ang napairap.

I looked at the side mirror para i-check kung nandoon pa si Jhoanna, and she was still there at the shed waiting for someone.

"By the way ate, nakita ko ’yung cookies mo sa kwarto. Kumuha ako ha?"

Agad akong napalingon sa kanya at pinanlakihan ng mata. "Ano?!"

"OA nito! Hindi naman masarap!"

"Kahit pa! Hindi ko nga kinakain ‘yon e!"

"Bakit? Balak mong i-buro ‘yon?" tanong niya habang nakakunot ang kilay.

"Special ‘yon!" Napalingon na sa amin ang driver kaya hininaan ko na ang boses ko. "Tin naman. Bigay sa ‘kin ni—"

"Nung babae kanina ‘no?" tanong niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Hindi!" I rolled my eyes again. "Ang epal mo naman."

"Pero seryoso ‘te. Hindi siya masarap."

"Ewan ko sa ‘yo."

I don't care about the taste. Those cookies are special.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now