I still have a month para ayusin ang lahat. My passport and other requirements para sa pag-alis ko. Nagsabi na rin ako sa mga magulang ko and they were so happy. Medyo nag-alangan lang dahil isang taon na lang ay graduate na ako pero hindi ko pa tinuloy.
"Ano pa lang sabi ni Maloi?" Aiah asked habang busy sa pagp-painting. "Okay lang ba sa kanya?"
"Hindi. Gusto niya kasi magbigay ako ng specific year ng balik ko." I sighed. "Hindi rin naman ako sigurado kung maghi-hit nga mga songs ko roon."
"Eh bakit kasi hindi ka na lang humiram sa akin? Para saan ba ’yang gagastusin mo at kailangan mong umalis ng bansa?" she asked and stopped on what she was doing.
"Pagpapagamot ni Papa, tuition nila Tin. Tustusan ko pamilya ko habang hindi pa magaling si Papa. Mapapahiram mo ba ako?" I asked.
"Sana sinabi mo na lang na ako muna bumuhay sa pamilya mo, right?" She clicked her tongue. "Aalis din ako next month. Magsabay na lang tayo."
"Bakit?" I furrowed my brows. "Sabagay graduate ka na pala non. Pero ’di ba August pa graduation?"
"I have to. Ayoko na rito. Magbabakasyon muna ako. I need to heal myself."
"Wow. Ang hirap ng walang pera, kailangan mong mag-heal sa sarili mong bansa." I chuckled. "Pero bakit heal? Broken ka ba? Wala akong nabalitaan na may jowa ka."
"Long story. Baka umabot tayo next month bago ko pa matapos."
"Sino muna?" I asked. "Si Mikha?"
Aiah looked at me then averted her gaze. She heaved a deep sigh and slowly nodded.
"What happened? Bakit wala ka man lang kinikwento sa akin?"
"Tsaka na lang. Malalaman mo rin," she said and continued what she was doing. "Pero kung ako sa ’yo umalis kang maayos kayo ni Maloi. I know you, Colet. Sinasabi mo lang na hindi mo kaya ang LDR, pero I know that hirap kang mag-unlove ng isang tao. Kahit ano pang mangyari sa States sa mga susunod na taon panigurado si Maloi pa rin ang uuwian mo. Unless..."
"Wala naman akong balak makipagbreak." I sat properly at nangalumbaba. "Iniisip ko lang na baka kapag nagtagal ako roon, wala na akong babalikan. Mas mabuti siguro—"
"Magbreak kayo ng maayos. That's what I'm talking about." She rolled her eyes. "Walang patutunguhan kung maghihintay kayo sa wala. Kung ayaw nyong bigyan ng assurance ang isa't isa edi ’wag ninyong paasahin. Dalawa lang ’yan, give her assurance na babalikan mo siya o makipagbreak ka ng maayos para hindi siya maghintay sa wala."
"Paano kung tumagal? Sabi niya hihintayin niya ako pero sana maintindihan ko kung mapapagod siya," she said. "Hindi ko na alam."
"Ang problematic naman ng lovelife nating tatlo. Si Gweny din confused. Ano ba naman ’to." She crossed her arms at tumingin muli sa akin. "Basta, ayusin mo lahat. Para kapag bumalik ka, wala kang pagsisisihan o sisisihin."
***
Pagkarating ko sa school ay naabutan ko si Sam. He was busy looking at the papers of people na nag-audition para sa spot namin ni Jho. Also, naghahanap na rin siya ng papalit sa kanya.
"Grabe, I didn't expect this." Sam sighed nang makita niya ako. "I thought I could leave the band on you. Uunahan mo pa pala akong umalis."
"Sorry," I said at umupo sa couch para tingnan na rin ang mga profiles nang nag-audition.
"Hindi ka ba nabibigatan?" Sam asked. "Para sa akin kasi ang hirap iwan ng banda. Ang dami na rin nating pinagsamahan dito. Dami na rin nating away, saya at kung anu-ano pa. Nakakamiss."
"Edi ibagsak mo subject mo para hindi ka grumaduate." I suggested pero tiningnan niya lang ako ng masama.
"Good afternoon, people!" Jho greeted us habang may bitbit na pizza. "Meryenda na muna kayo."
These past few days Jho has been so lively. Ang saya niya palagi. I also found out from her na maiuuwi rin kasi niya ang painting na matagal niyang tinititigan last time.
Nagbago na isip ko. Hindi totoong hindi lahat ay nakukuha ng mayayaman. Because look at her, nakuha niya lahat ng gusto niya. Even me.
We only practiced for a while bago umalis ulit. Wala na rin naman kaming ginagawa dahil natapos ko na lahat at naayos ko na rin ang pagda-drop ko. Ang dami ring teacher na nanghihinayang. Wala naman akong magagawa, wala namang bubuhay sa pamilya ko.
Pumunta ako sa library saglit at nagbasa ng isang libro. Lahat ng part ng university pupuntahan ko. Since ilang linggo na lang ay aalis na ako. Hindi ako sigurado kailan ako makakabalik o kung makakabalik pa nga ako. Nakakapanghinayang lahat. Nakakapanlumo.
"You like that one too?" I heard a familiar voice while I was reading kaya napalingon ako. It was Maloi. She was looking at me the same way she looked at me at Aiah's house. Where I first met her.
I wanted to hug her. I wanted to tell her everything that burdens me. Gusto kong magpahinga sa kanya.
"Maloi..." I called her name. I didn't have the audacity to call her Tangi anymore.
"Yes or no lang." She rolled her eyes at tumabi sa akin. "I like this one too. It hurts pero realistic naman siya kaya hindi mo masisisi ang author." She grabbed the book from my hand dahil sa kanya na lang ako nakatingin.
"Namiss kita," I said.
Maloi looked at me. "Mamimiss kita."
I smiled sadly and nodded. Pinipigilan ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Buti na lang walang tao sa library bukod sa aming dalawa at sa librarian na tulog sa counter.
"Don't cry. Aalis ka lang, hindi ka mamamatay." Maloi put down the book to wipe my tears. "Hindi bagay sa ’yo umiiyak. Dapat lagi ka na lang galit."
"Ako pa talaga may ganang magalit? Ako na mang-iiwan?"
"Hanggang ngayon hindi ko naiintindihan. Pero pipilitin ko. Baka kasi pigilan kita. At hindi ako nagbibiro sa sinabi ko. Hihintayin kita, pero alam ko na kapag tumagal ay mapapagod tayong dalawa. Pero maghihintay ako, susubukan ko."
"Madali kang mapagod."
"Umuwi ka kaagad."
"Susubukan ko."
Maloi smiled and cupped my cheeks. Her eyes locked with mine, brimming with a mix of love, longing and sadness. Closing my eyes, I leaned into her touch, savoring the warmth of her palms against my skin. The outside world faded as our lips drew closer, and finally, our lips met in a fervent kiss.
Maloi's lips were soft against mine, her breath mingling with mine, creating an intoxicating blend. I didn't know that this kiss could be a way of expression. To those words I couldn't say. It was just us two now.
Reluctantly, we parted our lips but our foreheads remains pressed together. She smiled at me and caressed my cheek using her thumb.
"I love you, Aimer. And I will love you until I can," she said.
---
What if hanggang chapter 38? 👀
- coletales_
YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
Fiksi PenggemarWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...