Chapter 21: Kundiman

2.9K 121 15
                                    

Practice lang kami nang practice until the day of the event came. Medyo pagod pero tuluy-tuloy lang dahil nga ang dami ring nag-aabang ng performance namin.

Sheena and Taneo were indeed popular sa school dahil ang swabe nilang gumalaw, but this time kasi Philippine Culture ang ipo-promote namin so technically, walang hiphop or what. It's about traditional dances at ipapakita rin namin how a guy courted a girl before.

"Ready na ba si Sam?" tanong ni Taneo habang nag-aayos sa back stage. Katatapos lang namin magperform at ngayon ay si Maloi at Sam na ang magpe-perform ng isang Kundiman song.

"Wala pa si Sam," wika ni Franz habang busy sa pagkalikot sa cellphone niya. Kanina niya pa sinusubukan tawagan si Sam pero ring lang nang ring.

"Kailangan ko na mag-ayos para sa Tinikling natin. Sino sasama kay Maloi ngayon?" tanong ni Taneo at tiningnan at halos lahat ng lalaki ay nakabihis na para sa Tinikling.

"Wala. Si Sheena at Colet lang 'yung tapos na. Hindi naman pwede sila-" I cut Franz's words.

"Saan ba damit ni Sam? Pwede naman siguro itago 'yung buhok." Wala na akong choice. Kapag hinayaan kong magstay pa si Maloi roon, mapapahiya lang siya.

"Sigurado ka ba?" Franz asked at inabot ang costume.

"Nandoon na si Maloi. Alangan hayaan ko siyang nasa stage tapos naghihintay siya sa wala?" Naiinis kong hinablot ang damit at nagpunta sa restroom para magpalit.

Bakit naman kasi hindi agad sinabi ni Sam na hindi siya makakapunta para man lang nakahanap agad ng kapalit niya?

Pagkalabas ko ay agad ko nang inayos ang buhok. Jho looked at me worriedly and helped me tie my hair. She put a straw hat on my head and I mouthed thank you.

"Good luck, Colet." Jho smiled at me and I only nodded.

Pagkalabas ko ay agad nagtilian ang mga nanunuod. I didn't put any make up on to look like a young man. Basta tinali ko lang ang buhok ko at nilagyan ng straw hat. Tama na iyon.

Maloi looked shocked when I started to sing the song "Minamahal Kita". At first, she didn't know what to do but then I smiled at her and nodded.

Maloi started singing her lines while slowly walking towards me. Piskit, ang ganda talaga niya sa kahit anong angulo. Sobrang naiinis ako kay Sam but at the same time medyo thankful din. If it wasn't for him, I wouldn't see this view.

After the performance, everyone clapped at us. May sumisigaw pa sa likod ng ship name naming dalawa kaya natawa na lang kami. Maloi and I decided na bumalik na sa backstage para magpahinga. After kasi ng tinikling na sayaw ay kakanta pa ang banda para sa closing ng event. So far, successful naman siya dahil ang daming bumili ng ticket at lahat 'yon ay maidodonate namin.

"Nasaan si Sam? Bakit ikaw 'yung lumabas?" Maloi asked while removing her make up.

"Nagkaroon daw bigla ng emergency. Kakasabi lang ni Franz sa 'kin."

"Muntik na pala akong magmukhang tanga. Buti na lang sinalo mo," she said and looked at me. "Bawi ako sa 'yo."

"'Wag na, baka mauna pa akong bawian ng buhay kaysa sa pagbawi mo." I rolled my eyes at bumalik na sa rest room para magpalit ng casual attire.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit ganito. When I saw Maloi a while ago muntik na akong magkamali. Napapangiti ako sa bawat ngiti niya tapos sobrang lapit pa ng mukha naming dalawa kanina.

I looked at the mirror and touched my lower lip.

Tang-Dalandan naman! Bakit ngayon pa?

"Cole, ang tagal mo magbihis. Kailangan ko na rin magpalit!" Maloi knocked several times sa pinto kaya binuksan ko na. "Bakit namumula ka?"

I shook my head at nilagpasan na lang siya. She looked so worried pero wala naman kasi akong masasagot sa kanya.

Anong sasabihin ko? Kinikilig ako sa tingin niya kanina? Tang-Orange, ang cringe sobra.

***

The event ended smoothly. Gusto lahat ng nanunuod ang mga naging performance namin and they were asking if we could do it again on Pride's Month pero sa June pa iyon. Of course, they wanted an LGBTQ+ theme pero need pa namin ilakad 'yon sa adviser namin before we could actually plan for it.

"Ang gagaling ninyo!" Sheena squealed while jumping dahil sa sobrang kilig.

"Magaling ka rin, tumigil ka na." Taneo reminded her dahil ang likot niya. Mamaya makasira pa siya ng gamit dito.

"Hindi ko kasi inexpect na kahit ang konti ng time natin to prepare is magiging successful pa rin ang event." Shee smiled and went to us. "Ang pogi mo, ate Colet!"

I rolled my eyes. For sure, tinutukoy na naman niya 'yung Kundiman kanina. Hindi na sila makamove on about don. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nagsuot ng panlalaki? Mga taong 'to.

"She's right, Colet. You do look handsome with that costume." Jho smiled at me. "Busy ka ba after this? Let's grab dinner together."

Agad akong napatingin kay Maloi na ngayon ay nakatingin na pala sa amin. Umiwas siya at nagkunwaring nag-aayos ng gamit niya.

"Ako lang? Hindi ba tayo magkakaroon ng after party?" I asked.

"I asked Taneo about that but he said most of us couldn't go dahil pagod na nga. So, I'm asking if you could join me for dinner?" she asked once again.

I want free dinner, pero ayoko naman na kaming dalawa lang. Especially, umiiwas sa akin si Maloi sa tuwing nakakausap ko si Jho. Ano pa kaya gagawin niya kapag nalaman niyang nag-dinner kami together?

"Mauuna na ako, guys." Maloi stood up kaya napabaling agad ako sa kanya.

"Ihahatid na kita," I said and grabbed my bag.

"For?" Maloi asked and chuckled. "Ano ka ba. Uuwi na ako sa bahay namin. Hindi naman ako makikitulog sa inyo."

"You're sleeping at Colet's house?" Jho asked.

"Hm." She nodded. "Most of the time. In her room. Just us two."

I heard Shee chuckled pero agad naman siyang sumeryoso. She tried to maintain her composure pero natatawa talaga siya sa sinabi ni Maloi.

Jho reached for my hand. Then I remembered, that here in the Philippines she was alone. Perhaps, she was asking me so that someone would eat with her. If that so, why wouldn't she just go back to the States kung hindi niya kayang mag-isa rito?

"Samahan mo na, Cole. Minsan lang magyaya si Jho." Maloi patted my shoulder at umalis na.

I could feel the pain in her voice. I couldn't fathom at all. Ano ba talaga tayo, Maloi? And why it was so hard seeing you like this?

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now