Chapter 5: Closed Doors

3.3K 101 9
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa loob ng headquarters dahil iniwanan kami ng dalawang mokong. Hindi ko talaga alam bakit naisip pa ni Sam na kami ang mag-intermission number sa event at ‘yung mismong performance namin as a band ay sa kalagitnaan pa. He only told us na ginawa niya raw ito para magkaroon kami ng exposure ni Maloi. Anong exposure? Kung pagbibilad lang sa araw mas gagawin ko pa ‘yon.

"Bakit ang quiet mo?" tanong ni Maloi habang inaaral ang kanta. Hindi niya pa siguro napakinggan ‘to noon.

"Sana ikaw rin." Naiinis kong wika sabay irap sa kanya. Hindi ko alam bakit hindi pa ‘to makaramdam na ayoko sa tao. Lalo na sa mga katulad niya.

"Pinanganak akong may bibig e."

Hindi ko siya sinagot. Wala akong balak pahabain ang pag-uusap namin kaya tiningnan ko na lang din ang lyric sheet ko. Footspa! Sa akin pa napunta ‘yung line ng lalaki sa kanta. Bakit kasi hindi na lang si Franz? Mas bagay naman sila. Magaling din naman kumanta ‘yon. Sobrang tamad talaga noon kahit kailan. Sana hindi na lang siya nagbanda kung ganito lang din pala gagawin niya.

"Bad breath ka ba kaya ayaw mong magsalita?" tanong ni Maloi sabay lapit sa akin para amuyin ang hininga ko, dahilan para mapaatras ako sa kinatatayuan ko.

She and her intrusive thoughts! Muntik niya na akong mahalikan! Ano bang problema ng babaeng ‘to at hindi na lang pumirmi sa kinatatayuan niya?

"Nababaliw ka na ba?" I asked as I gave her death glares. Nakakainis na. Kinabahan ako ron.

"Paano kaya tayo makakapag-practice kung nakatulala ka d’yan at hindi nagsasalita? Sa tingin mo kakanta ‘yang lalamunan mo nang mag-isa?" tanong niya. Ramdam ko na ang inis sa boses niya. Hindi niya siguro alam kung paano ako yayayain mag-umpisa kaya kung ano-ano na ang ginagawa niya.

"‘Yon lang pala sasabihin mo, sana nagsabi ka na lang. Muntik mo pa makuha first kiss ko!" Angal ko sabay pwesto na para ayusin ang mic.

Maloi suppressed her laughs bago tumango. Anong nakakatawa sa ginawa niya? Ako kaya lumapit sa kaniya nang ganoon para malaman niya ’yung feeling?

Patago akong ngumiti nang makaisip na katarantaduhan. I slowly walked towards her and held her jaw gently before tilting my head as if I was going to kiss her. However, Maloi didn't move. Akala ko magugulat siya sa gagawin ko pero nakakunot lang ang noo niya habang tinititigan ako.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya dahilan para umatras ako at mamula.

Tang—Dalandan. Bakit wala siyang reaction? Ako na ba nagiging OA ngayon? Bakit hindi man lang siya nagflinch okaya tinulak ako papalayo. That's what I was expecting. Mukha lang tuloy akong tanga na umamba ng halik sa kaniya.

"Crush mo ba ako?" tanong niya at ngumiti. "Don't worry, ‘di ako homophobic. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo." She even patted my shoulder at tumawa. Mas lalo akong nainis. Bakit ko ba kasi naisip ‘yon? Gusto kong sabihin lahat ng flavor ng juice!

"Start na tayo." I cleared my throat.

I thought Maloi would further tease me pero hindi niya ginawa. Instead, kinuha niya ang mic from the stand at bumuntong hininga bago ipatugtog ang minus one ng kanta.

I started singing since ako naman ang mauuna sa aming dalawa. She was only looking at me throughout my line. I could see it sa gilid ng mata ko. When she started hers, nakatingin pa rin siya sa akin. Ang hirap magfocus. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Never naman akong kinabahan sa tuwing kumakanta ako. Dahil ba nakatingin siya?

"Ayos lang kung ‘di mo kausapin..." she sang. "Ang lumingon ka ay sapat na sa ‘kin."

I didn't know why pero napalingon ako sa lambing ng boses niya.

After our practice, nagpahinga kami sa couch. Maloi didn't tease me anymore. She was busy looking at the portrait na pinagawa niya kay Aiah. Siguro gandang-ganda siya sa sarili niya.

"Paano kayo naging friends ni Aiah?" tanong ni Maloi habang titig na titig sa portrait.

"We're childhood best friends. Magkatabi lang bahay namin." Maikli kong sagot at pumikit para magkunwaring matutulog.

"I draw too. However, I can't do a portrait of myself." She added. "I look up at her kasi nagagalingan talaga ako sa kanya."

"Hm." I only nodded.

"Col, do you think we can be friends?" she asked suddenly.

I furrowed my brows. Bakit naman niya natanong? Ayoko nga sa tao e. Si Aiah kasi ever since bata kami, kami na magkasama kaya sanay na ako sa kanya. I don't want to know more people. Okay na sa akin ‘yung isa lang kaibigan ko.

"No." I answered. "And don't call me, ‘Col’. Pinaiksi ko na nga ‘yung Ma. Nicolette tapos paiiksiin mo pa."

"Bagay naman sa ‘yo because you’re so Col." Tawa niya.

Siraulo talaga siguro ‘to. Kung ano ano sinasabi wala namang sense.

"Pero seryoso. I want to be friends with you not because you're close with Aiah." She heaved a deep sigh bago tumabi kung saan ako nakaupo. "There's something in you na hindi ko ma-explain."

"Kapag ‘di ka pa tumahimik, papatahimikin kita." Banta ko pero tinawanan niya lang ako.

"Why don't you open your doors to some people? I mean, napapansin ko kasi lahat na lang sinasaraduhan mo ng pinto. Paano naman ‘yung mga taong gustong pumasok sa buhay mo ‘di ba?" tanong niya.

"Wala akong paki sa kanila. Kung gusto nilang mapagbuksan, ‘wag silang kumatok sa akin." Ayoko talaga ng ganitong topic. Pakiramdam ko ang sama sama ko.

"Will that make you happy if walang pumapansin sa ‘yo?" she asked again kaya dumilat na ako at tiningna siya sa mata.

Here we go again. Alam ko sa sarili ko na ilong ang una kong tinitingnan sa mga tao. However, when it comes to Maloi, hindi ko maiwasan titigan siya sa mata. It feels like everything na sinasabi niya ay sincere. Looking at her eyes, it takes me somewhere I want to stay. Ang kalmado. Ang payapa.

"Col?" She snapped her fingers in front of me kaya umiwas ako ng tingin. "It's fine if you don't like me. I'm sorry to invade your space." She smiled a bit at bumalik na sa tapat ng mic para magpractice ulit.

Did I hurt her? At ano bang paki ko?

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now