Chapter 34: I'll find ways

3K 99 9
                                    

Every hour felt so long kapag hindi ko kasama si Maloi. Since matatapos na kasi ang klase marami na rin kaming hinahabol na requirements. Dagdag pa ang practice namin for the upcoming pride month event. Halos hindi na kami nagkikita at laging video call na lang dahil busy kami pareho.

"Aga mo atang aalis?" Sam asked when he saw me organizing my bag. "Hindi ka na rito gagawa ng term paper mo?"

"Hindi na," I said. "Ngayon lang kasi free time ni Maloi, tapos bukas hectic na naman schedule niya."

"Ay si lover girl pala ito." Franz laughed at inirapan ko lang siya.

"Saan ba kayo magkikita? Hatid na kita," Jho offered pero I refused.

"Dadaanan ko lang siya sa library tapos ihahatid pauwi. Ayos lang. Salamat." I smiled at isinabit na ang bag sa likuran ko. "Una na ako ha. Ingat kayo."

Sam, Franz and Jho nodded bago ako tuluyang lumabas ng headquarters. Nagmamadali akong tumakbo sa library dahil sayang ang mga minuto. Hindi ko inexpect na dadating ’yung araw na magiging clingy ako sa isang tao. Si Maloi okay na kasi sa kanya ’yung video call and text lang. Ako hindi ko talaga kaya. If ever man na maging LDR kami, hindi ko kakayanin talaga.

I entered the library while chasing my breath. Napagod ako kakatakbo at agad naman na nagsitinginan ang mga tao pagkarating ko. I don't care about them. Isa lang ang hinahanap ko.

In one corner I saw Maloi busy reading a book habang nagsusulat. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumabi. She was surprised to see me in this state kaya agad na napakunot ang noo niya.

"Bakit parang nakipagkarera ka?" she asked in a soft and shallow voice para hindi makaistorbo sa mga tao sa library. "Ayusin mo nga itsura mo. Para kang hindi tinatrato ng tama." She chuckled softly at pinunasan ang pawis sa noo ko.

"I miss you, Tangi."

"Baliw. Magkikita naman tayo mamaya." She smiled and put powder on my face na rin. "There you go. ’Wag mo pabayaan sarili mo. Hindi nga kita pinapabayaan tapos ikaw magpapabaya? Sakalin kita e."

Sumandal ako sa balikat niya at bahagyang pumikit. Sobrang nakakapagod talaga lalo na ’yung mga nakalipas na araw.

"Inaantok ka?" she asked and I slowly nodded. "Idlip ka muna. Gisingin na lang kita kapag tapos na akong mag-aral." She kissed my head and gently patted my cheek.

***

I didn't know kung ilang minuto o oras akong nakatulog. Pagkagising ko kasi ay nag-aayos na ang ibang estudyante para umuwi but I didn't even move. Because Maloi was also sleeping too and we were facing each other.

Ganito pala pakiramdam na gumising tapos mukha niya agad ang makikita mo. Ang gaan sobra. Nakakainis. Bakit sobrang in love ako sa taong ’to e hindi naman ako ganito? Iba pala talaga kapag mahal mo, lahat ng corny at cheesy dati para sa ’yo naging nakakakilig.

"Hindi man lang nanggising, oras na." Maloi slowly rubbed her eyes at umayos ng upo para ayusin na ang mga gamit niya.

Pinagmasdan ko lang siya. Sulit na sulit ang pagtakbo ko sa kanya. Sulit na sulit kahit natulog lang kaming dalawa. Kahit ’yung sakit ng leeg at likod na nararamdaman ko ngayon ay sulit din.

"Ihahatid mo pa ba ako? May term paper ka pang tinatapos ’di ba? Tapos may research ka pa. Sayang oras." Maloi looked at me and noticed that I was just so mesmerized at her that's why she snapped her fingers in front of me. "Earth to my Aimer. Okay ka lang ba?" She chuckled.

"What if sa bahay na lang ninyo ako gumawa ng mga papers ko?" I asked.

"Wala kang matatapos. Super distracted ka kaya sa ’kin." She rolled her eyes at minadali nang ayusin ang gamit niya dahil magsasara na ang library. "At ’wag mo na ako ihatid ngayon. Susunduin ako ni Papa. Kung gusto mo sumabay ka na lang sa amin."

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now