Chapter 40: Reunion

3.5K 110 88
                                    

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Tulala lang ako buong magdamag pagkatapos ng pag-uusap namin ni Maloi. Nasaktan ko siya. Sobra pa sa sobra. Hindi ko naman alam na wala siyang bago. Na hanggang ngauon hinihintay niya pa ako. Alam ko kasi mabilis siyang mapagod. Hindi ko naman alam na willing siyang maghintay kahit tatlong taon pa ’yan.

"Ate Colet. ’Yung mga lumang gamit mo pala nilagay namin sa box. Wala kaming tinapon kahit isa," Tin said at tumango lang ako.

"Are you okay, Love?" Jho asked when she noticed na wala ako sa sarili ko.

"Ayos lang." I smiled. "Ano pa lang pinag-usapan ninyo kanina? Hindi ko naabutan e."

"Remember the bistro near our old university?" Jho asked. "Kung saan tayo nagperform before?"

"’Yung pag-aari ng kaibigan ng daddy mo?"

"Yes. Sam wants us to have a band reunion later tonight. Tapos doon na lang tayo magperform. Kaso baka pagkaguluhan daw dahil nga nandoon ka kaya nagwo-worry sila." Jho explained.

"Wala naman magsasabi na nandoon ako," I said. "Magdi-disguise ako."

"Kahit naka-cap ka pa at mask, halatang ikaw si Colet Vergara." Jho sighed. "Kaya naisip namin na i-rent mismo ’yung bistro tapos tayong lima lang with our friends. Aiah, Mikha, Sheena, Gwen."

"Hindi siguro sasama mga iyon. Aiah is nowhere to be found. After namin maghiwalay sa airport wala na akong contact sa kanya. Nag-asawa na yata ng afam. Si Mikha naman, wala rin akong balita. Same kina Sheena at Gwen." I explained.

"Why don't you message them?" she asked.

"Wala naman akong number? Hindi rin naman ako gumagamit ng social media."

"Love, nasa PH na tayo. For sure nandoon ’yung phone mo sa sinasabi na box ni Tin."

I stood up and went to my room to check if nandoon nga ang luma kong phone. Hindi naman siya ganoong drain pero lowbat siya at kailangan ko munang maghintay ng ten minutes bago siya bumukas.

The messages popped up at nagulat ako sa sobrang dami. Some of them were from Aiah but most were from Maloi.

"Aimer, miss na miss na kita. Nababasa mo kaya message ko?"
"Aimer, nagsulat ako ng kanta for you. Kaso hindi ko ipopost hangga't wala ka here."
"Aimer, ang lungkot. Okay ka lang ba? Hindi mo siguro nare-receive messages ko. Bakit kasi nag-iba ka ng socials?"
"I love you. I miss you."
"Okay ka lang ba? May sinusulat ulit ako. Bukas i-upload ko. Sana mapanuod mo."
"Aimer, flop hahaha. Masyado kasing masakit. Baka hindi pa niya time."

At marami pang iba. She wrote the song two years ago and it was really for me. She wanted to give up on the first year na wala ako pero lumaban siya. Naghintay siya habang ako tatlong buwan pa lang napalitan na siya.

I heaved a deep sigh. Ang tanga ko, tangina. Bakit hindi ko siya naisip?

"Love, okay—" Jho stopped when she saw me in this state. "What happened?"

Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung anong nangyari.

"Hindi ka pa ba uuwi?" I asked. "Ayaw mo ba sa condo mo muna tayo? Hindi ka pa ba pagod dito?"

"Wala naman tayong kasama roon. Gusto mo ba doon muna tayo?" she asked me back.

"May pupuntahan lang ako." I told her. "Okay lang ba if dito ka muna? May bibisitahin lang sana ako."

"Sure. Aalis na lang din ako para hindi ako mabagot. Ingat ka ha. Kita na lang tayo sa bistro mamaya." She kissed my cheeks at lumabas na ng kwarto.

Agad akong nag-ayos para pumunta sa bahay ni Maloi. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong mag-sorry sa kanya. Gusto ko magpaliwanag kaso baka hindi niya na ako pakinggan.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now