I texted Sheena to meet me pero ang sabi niya pupuntahan niya raw si Gwen at Maloi, so wala talaga akong choice kung hindi bumalik at bumalik kung nasaan ang dalawa.
"Bakit mo pa siya tinawagan kung babalik din pala kayo rito?" tanong ni Maloi kay Sheena habang hinihiwa ang steak niya.
Mikha had enough kaya inagaw na niya kay Maloi iyon at siya ang gumawa. Wow ha. Act of service ang love language pero looking back at Maloi parang wala naman siyang appreciation sa ginawa ni Mikha.
"Anong tinawagan?" tanong ni Sheena at bumaling sa akin. "Siya ang nag-text. Pakita ko pa e." Ilalabas na ni Shee ang phone nang pigilan siya ni Gwen. Perhaps, she already read the room.
Mikha handed Maloi the fork and knife para makakain na siya at nagthank you na lang si Maloi. I heaved a sigh at sumandal sa upuan ko. Ang swerte nga naman ng positions namin. Nasa tabi ko si Sheena at katabi niya naman sa kanan ay si Gwen while Maloi and Mikha ay nasa harap namin. Kitang kita ko paano sila magngitian at sobra nang nakakairita.
"You want me to cut it for you too?" Mikha asked me at akmang kukunin ang plato ko pero Gwen stopped her.
"Colet's fine. Kain ka na lang dyan." Gwen smiled at her and she nodded. Gwen then nudged Sheena para sikuhin ako.
Ano bang gusto niyang gawin ko? Matuwa sa nakikita ko?
"Ayaw mo ba ng food? Should I order you something else?" Mikha asked again nang mapansin na hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko.
Everyone looked at me. Maloi gestured for me to eat up kaya wala na rin akong nagawa kung hindi magfake smile sa kaniya. Maybe Mikha was just being nice at ako lang talaga ang siraulo na binibigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya kay Maloi. Nagseselos ba talaga ako? Kasi kung oo, pucha. Hindi na ako ‘to.
After eating, I decided na pumunta na lang sa washroom para maghilamos na rin. Hindi ko na talaga alam nararamdaman ko. Naiirita ako sa lahat nang nangyayari. Wala namang ginawang masama si Mikha pero sobra akong naiinis sa kanya.
"Col," I heard Maloi's voice sa washroom kaya napalingon ako. "What was that?"
"What?" I asked innocently.
"Parang may galit ka kay Mikha." She pointed out. "May ginawa ba siya sa ‘yo? Kilala mo ba siya para ganunin mo siya? She's just being nice."
"As if naman na hindi mo pa ako kilala," I said and chuckled dahil nahiya na rin ako sa mga nagawa ko.
Maloi crossed her arms at halata nang iritado siya sa mga nangyayari. "Tell me the truth, why do you hate her? I know ganoon lang talaga ugali mo pero mas malala sa kanya, Col. As if you're cursing her on your mind."
"Ang OA naman ng curse." I heaved a sigh at sumandal sa sink. "I don't know. I just don't like her."
"She likes you," Maloi said. "Mikha is still young. She's new here. Pakisamahan mo naman siya kahit papaano. We're friends na, right? Please, kahit for me na lang. Be nice to her."
"Ano mo ba talaga siya?" I asked directly. I can't be nice to someone na umaagaw ng atensyon ni Maloi. Ayoko aminin pero ito talaga nararamdaman ko. Ang immature ng dating pero naiinis ako maski sa sarili ko.
"She's my friend, Col. A close friend." Maloi sighed and averted her gaze. "Or are you jealous?"
Agad akong napatayo nang maayos dahil sa sinabi niya. Maloi chuckled and gently massaged her temple while still suppressing her laughs.
"Anong jealous ka d’yan? Hindi ah." Never akong aamin.
"Okay, sabi mo e." Maloi moved forward and reached for my hand. She then looked at me in the eyes. "Hindi bagay sa ‘yo, Col. Hindi mo ‘to branding."
"Hindi ako nagseselos. Siraulo ka ba?" I grabbed my hand from her at akmang lalabas na nang bigla na naman siyang nagsalita.
"Mikha's parents are homophobic. She's not allowed to be in a relationship with a girl. So, ‘wag ka na magmukmok d’yan." Maloi wrapped her hands around my waist at sabay na kaming lumabas ng washroom.
I saw lots of people na nakapila outside kaya napayuko na lang kami. Masyado ba kaming nagtagal sa loob?
From afar, I saw Gwen, Sheena and Mikha laughing at us. Mga baliw talaga.
"Okay na siya, guys. May napindot lang si Anger sa utak niya." Maloi explained, causing me to pinch her kaya agad siyang lumayo sa akin. "Sakit ha!"
"Mas masasaktan ka pa kapag nagsalita ka." I threatened her and they all laughed.
To pass time, nagkwentuhan na lang kami about sa random stuff like school, hobbies and such. Gusto ko rin kasi makilala pa si Mikha. Since close din naman siya kay Gwen at Sheena.
Then suddenly, Mikha's phone vibrated and excused herself. Hinahanap na raw siya ng daddy niya kaya need na niyang umuwi. Ganoon din si Sheena. Mikha even asked if gusto ba namin magpahatid since siya naman ang nagdala sa amin sa mall pero humindi na kami dahil mukha siyang nagmamadala. As per Sheena naman, gusto niya raw masolo si Gwen dahil daw may sasabihin siya kaya wala kaming nagawa ni Maloi kung hindi mag-commute na lang.
"Wala pa ring nasagot?" I asked nang mapansin si Maloi na patingin-tingin sa phone niya.
"Nagkaroon ng emergency sa probinsiya kaya agad na bumalik sila mama." Maloi sighed. "The problem is..." She looked at me.
"What?"
"Wala akong susi. Hiniram ng kapatid ko ‘yun last time. Paano ako uuwi?" Maloi massaged her temple as she sighed multiple times. "Buti sana kung makakapunta ako mag-isa roon."
"Why not stay with me for tonight?" I offered. "May extra pa naman akong gamit sa bahay. Tapos magpasundo ka na lang bukas," wika ko.
Hindi ko rin alam kung tama ba ‘tong suggestion ko. Pero kawawa naman siya kung babyahe siya ngayon e ang dilim dilim na. Pwede naman siya sa mga hotel pero gagastos pa siya for a night?
"Nakakahiya. Hindi pa nga ako kilala ng magulang mo," she said at umiling. "Subukan ko na lang kausapin kapatid ko kung may magsusundo sa akin."
"Sa bahay ka na nga." Pamimilit ko. "Bukas ka na lang magpasundo. If ‘yung pamilya ko problem mo, ipapakilala kita." I reached for her hand at pinara na ang dumaan na taxi.
"Sure ka ba? Hindi ba nakakahiya?"
"Hindi nga!" Nakakainis naman ‘to.

YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
FanfictionWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...