Chapter 2: Small World

4.6K 114 13
                                    

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng school habang pinapakinggan ang rock metal na mga kanta. Ewan ko ba para kasi akong nasa anime kapag ito ‘yung pinapakinggan ko habang naglalakad. ‘Yung tipong pakiramdam mo may nagbabagsakan na asteroid sa paligid mo tapos hindi ka natatamaan. Ang lawak talaga ng imagination ko.

"COLET!" Napalingon ako sa lakas ng boses ni Franz. Akala ba niya siya lang nag-aaral sa school na ‘to? Kung makasigaw akala mo bingi ‘yung tao.

"Ingay mo." Siniko ko siya at binalik ang headphone sa tenga ko pero tinanggal niya ulit iyon. "Ano ba?"

Franz is my bandmate. Siya ‘yung keyboardist namin habang ako naman is a guitarist. Sa banda kasi naman dapat lahat marunong kumanta, kaya kahit guitarist lang ako dapat magaling pa rin kumanta.

"Hindi ka ba magpa-practice ngayon?" he asked sabay akbay sa akin na tinanggal ko naman agad. Napaka-clingy ng taong ‘to. Sarap tanggalan ng leeg.

"Akala ko ba umalis na si Gami? Wala naman tayong vocalist, paano tayo magpa-practice?" I rolled my eyes. Minsan talaga hindi siya nag-iisip.

Binilisan ko ang paglakad ko dahil naiirita ako sa presence niya. Atsaka ayoko ‘yung pinagtitinginan kami ng mga tao. Kalat kasi sa school ang pagiging close namin, kaya ‘yung iba iniisip nila na kami talaga.

Hell, no. Hindi kami talo ‘no. Hindi naman sa pagiging choosy kaso we're world's apart talaga. Si Franz kasi masyado siyang flirty towards me at ako naman ay ayaw sa clingy. Ayoko talaga ng mga OA, clingy at kung ano ano pang tawag sa kanila. I want peace. Kung papasok man ako sa isang relasyon, gusto ko ‘yung payapa ang buhay ko.

"Alam ko may transferee e. Nag-audition siya last week kaso absent ka kaya hindi mo kilala." Franz tilted his head in thought. "If I'm not mistaken. M-Ma... Malou ata pangalan niya."

"Pang-tita naman." I chuckled and entered the headquarters of our band. Doon nakita ko na nag-aayos na sila for our band practice. However, a familiar face caught my attention. Bakit siya nandito? Anong gagawin niya rito?

"Andito ka na pala," Sam said at inakbayan ako habang hinihila palapit kay Maloi. She's busy testing the mic kaya hindi niya ako napansin. "Maloi, this is Colet. Our guitarist."

Bahagya pang nagulat si Maloi nang ipakilala ako sa kanya. Lumaki ang mata niya nang mamukhaan niya ako at agad siyang kumapit sa mga braso ko. Tang— Pineapple naman, oo! Ayoko nga ng clingy e.

"You're Aiah's friend ‘di ba? I saw you yesterday sa bahay nila. What a small world nga naman." She smiled at me habang hindi pa rin ako binibitawan.

Unti-unti kong inalis ang mga braso niya sa akin bago ngumiwi. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ayoko nang ganoon sa way na hindi siya maooffend? Kainis naman. Bakit pa kasi umalis si Gami. Edi sana hindi ako nag-aadjust ngayon.

"Tara na, practice na." Yaya ko para makaiwas sa babaeng ‘to. Ayoko talaga sa kaniya. Lahat ng ayaw ko yata sa isang tao nakuha na niya.

Nagsitayuan na sila at pumwesto sa harap ng mga instrument nila. However, Maloi was still having a hard time ayusin ‘yung mic stand niya. Kanina pa siya ganyan, kung hindi ite-test, ‘yung stand naman ang gagalawin. Gusto ba niya manira ng gamit?

Agad akong lumapit at inayos ang stand para sa kanya. Kung hindi pa ako gagalaw panigurado hindi kami makakapag-umpisa. Ang mga mokong naman hindi pa tinulungan, kita na nilang nahihirapan ‘yung tao.

"Cold ka ba?" tanong ni Maloi habang inilalagay ko ang mic sa stand.

"Ba’t mo natanong?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Halata ba?" I rolled my eyes. Mukha ba akong friendly na gustong makipag-chikahan sa mga tao?

"Wala lang," sabi niya sabay tawa ng mahina. "Introvert ka?"

"Angryvert ‘yan!" sigaw ni Franz dahilan para magtawanan ang lahat. Mga siraulo talaga ‘tong mga ‘to.

Bumalik na ako sa p’westo ko at sinubukan kung nakatono ba ang gitara. Baka kasi ginalaw na naman ni Franz, mabibigwasan na talaga ‘to sa ‘kin.

Inumpisahan na namin ang pagtugtog. Napatingin ako kay Maloi na ngayon ay seryoso na habang nakatingin sa lyrics ng kanta.

Iba pala talaga kapag nagse-seryoso ‘yung tao ‘no? Pakiramdam mo ibang tao na sila. In Maloi's case naman, mas nagmumukha siyang elegant kapag nakafocus siya sa lyric sheet. Hindi ko alam pero hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya. Iba kasi ‘yung awra niya sa tuwing bubuka ang bibig niya para kumanta.

"Colet, wala ka sa tono!" sigaw ulit ni Franz.

"Bingi ba kami ha?" sigaw ko rin pabalik. "Kanina ka pa sigaw nang sigaw. Matatamaan ka na talaga sa ‘kin."

"Napakasadista." He pouted.

I turned to Maloi who was smiling at us. Baka iba na naman nasa isip ng babaeng ‘to. Akala niya siguro may chemistry rin kami ni Franz. May mga sapak talaga siguro mga tao ngayon. Mag-aasaran lang ‘yung dalawang tao, kung ano ano na iisipin nila.

"Check ko nga." Maloi positioned right behind me para i-check ‘yung gitara. Sobrang awkward. Ramdam na ramdam ko ‘yung paghinga niya sa likod ko. Bakit ba kasi hindi niya na lang kinuha sa ‘kin?

"Okay na ba?" tanong ko sabay iwas ng tingin. Ayoko siyang titigan sa likod ko dahil sobrang lapit namin.

"Okay naman e." Maloi returned sa position niya. "Try mo ulit."

Muli kong ipinatugtog ang magic chord at okay naman siya. Pero bakit wala ako sa tono kanina?

"Baka kasi iba ‘yung iniipit mo?" Franz laughed at inambahan ko siya ng suntok. "Ito na nga, titigil na."

Muli naming inumpisahan ang practice pero hindi na ako tumingin kay Maloi. Was I distracted by her beauty?

I shook my head. Hindi naman siguro. Muli akong napalingon sa kaniya para i-confirm ang doubt ko. And once more, nagkamali ako.

"Okay ka lang ba, Colet?" Sam asked na halatang naiirita na. "You never make mistakes before. Anong nangyayari sa ‘yo?"

Maloi looked at me with concerned eyes. Damn her eyes. Nawawala ako sa sarili ko.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now