Chapter 7: Drawings

3.1K 101 4
                                    

"Not now, Colet. Darating ‘yung new student ko from abroad. I can't go with you," Aiah said through phone call after kong magsabi na pupunta ako sa kanila para magpasama bumili ng peace offering for Maloi.

I decided to apologize since it was my fault in the first place. I shouldn't say that to her especially when she just wanted to be friends.

"Student? Akala ko ba hindi ka na tatanggap? Ang dami mo nang ginagawa sa school ah." I rolled my eyes kahit na alam kong hindi niya naman nakikita ‘yon.

"She's a special student. Anak ng business partner ni Dad. She wants to improve daw e kaya wala na akong nagawa. Besides, may talent na siguro siya," she said.

"Naghihirap na ba kayo at puro ka ganyan? Instead kasi na nag-aaral ka na lang ang dami mo pang sideline."

"Siraulo, hindi." Tumawa siya. "I enjoy doing this. Atsaka, ang ganda ng bago kong student. Nakakainspired turuan."

"Bading!" Sigaw ko sabay patay ng call. Gets na ni Aiah ‘yan.

Hindi ko tuloy alam anong bibilhin ko. Wala naman kasi akong kaalam-alam sa ganito. Never pa akong nanuyo kaya wala akong idea. Kung kay Franz naman ako magpapatulong ang dami pang tanong non. Kapag si Gwen naman panigurado busy siya. What if si Sheena? Pero hindi naman kami gaano ka-close.

"Hello, Shee?" I asked nang sagutin niya ang phone call. "Busy ka today?"

"No naman. Why, ate Colet?" she asked.

"Magpapasama sana ako. Ito kasing kapatid ko, may susuyuin daw e wala rin naman akong alam na bilhin para doon sa babae. May idea ka ba?" tanong ko sabay kagat labi dahil baka mahuli ako ni Sheena.

"Ay nasa tamang tao ka." She giggled. "Ngayon na ba o bukas? O sa susunod na taon pa kung kailan break na sila ng jowa niya?"

"Jowa agad? Ano lang sila..." I trailed off. "Hindi ko sure e. Basta hindi sila magjowa."

"Friends?"

"Sana."

"Ha? Ikaw ba talaga si ate Colet? Bakit para kang Colet na nakahithit?" tanong ni Sheena dahilan para matawa ako. Take note, naging close lang kami nito after dinner pero ganito na agad siya sa akin.

"Baliw. Ako ’to. Basta ganoon nga nangyari," wika ko. Kapag kasi nag-explain ako panigurado malalaman niya na ako talaga ang may kailangan ng tulong niya.

"Okay, where ka ba? Susunduin ba kita? Kakapa-gas ko lang ng car," she asked.

"Meet na lang tayo sa mall, okay lang?"

"Sure. See you!"

I heaved a sigh. Kailangan ko na mag-ayos. ‘Wag niya lang sana isama si Maloi dahil lagot na kapag nagkataon.

***
I texted Sheena kung saan kami magkikita pero imbes na siya ang makita ko roon ay si Maloi ang nakita ko. She was wearing her bayonetta glasses na palagi niyang sinusuot at busy sa pagta-type sa phone niya.

Pusang gala naman. Bakit siya nandito? At nasaan si Sheena?

Suddenly, I received a message from Sheena saying na may biglaang practice daw sila at nag-sorry siya. And worse, pinadala niya raw si Maloi para tulungan ako.

I closed my eyes and rubbed my temple. Nakakasakit ng ulo si Sheena. Sana hindi na lang siya nagpadala ng tao. Paano ko ngayon ibibigay ‘yon?

But isn't it better if siya mamimili ng gusto niya?

"Col!" Maloi shouted when she saw me then walked towards me.

"Himala, hindi ka late?" tanong ko. "Sheena sent you?"

"Ah, oo. May ginagawa kasi siya." Maloi nodded. "Saan ba tayo? Anong gagawin?"

"Ah, bibili ako ng peace offering for girls." I answered.

Maloi slowly nodded and tilted her head in thought. "Ano ba preference ng tao? Baka kasi ‘yung suggestions ko is ayaw naman niya."

"It's fine. She will like it."

"Sabi mo ha." Maloi walked ahead kaya sinundan ko na lang siya.

Pumunta kami sa isang art gallery sa mall at tumingin tingin ng paintings. I felt like I was in a museum. Ang daming magagandang paintings. Adik pa naman ako sa ganito.

"Miss Ricalde, nandito pala kayo." Bati ng staff sa kanya. "May ilalagay po ba kayo sa wall ninyo?"

Agad napakunot ang noo ko. Wall ni Maloi? I glanced around and saw a wall kung saan may pangalan niya. Her works weren't those nature paintings na madalas kong titigan. It was something different. If those non-art enthusiasts saw this, they would think that they were just for fun, but it held something deeper.

"Gawa mo ‘to?" I asked and was amazed by her. She had her own art style. It was unique. It was mesmerizing.

"Oo, bakit?" tanong niya. "Mahilig ka ba sa mga art?"

"I like staring at them, but I don't draw." I wanted to touch one pero nahihiya ako. Baka may masira rin ako.

"Why don't you try?" Maloi asked. "Or what if magdrawing ka para roon sa sinusuyo mo?"

"Bakit ako?" takang tanong ko. Bigla akong kinabahan roon. "‘Yung kapatid ko."

"Edi ‘yung kapatid mo." Tawa niya. "Ba’t parang gulat na gulat ka? Ayaw mo ba makilala as nanunuyo ng babae?"

"Baliw." I shook my head and chuckled.

"Tumatawa ka pala talaga. Akala ko nagjo-joke lang si Aiah nang sinabi niya ’yon sa washroom." Maloi smiled at me pero nandoon pa rin ang pang-aasar.

She's returning to her normal treatment to me.

"Tingin mo sa ‘kin robot?" tanong ko at umiling at saka muling tiningnan ‘yung mga drawings niya.

"Akala ko kasi si Anger lang ‘yung nasa utak mo." Ngumiti siya sa akin.

Sakto naman ang pagdating ng staff na kinakausap niya kanina. We both looked at the staff at sinabi niya sa amin na nabili na nga raw ‘yung painting na hinahanap ni Maloi.

"It's fine. Sasabihan ko na lang ‘yung kapatid ko." I smiled a bit. "Gusto mo kumain muna tayo? Libre ko."

"Bagong buhay ‘yan?" tanong ni Maloi. "Pero need ko na rin kasing umalis. Okay lang ba if next time na lang?"

"Sure." Tumango ako at nagpaalam na siya sa akin.

This is my first time putting effort into someone. I will draw something for Maloi as a peace offering and that's final.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now