Chapter 41: Break Up

3.4K 110 50
                                    

Dumeretso kami ni Jho sa condo niya after the reunion with the band plus Gwen. Mas malapit kasi rito ang venue at ayaw na namin mapalayo pa dahil pareho kaming pagod.

During the ride hindi na nagsasalita si Jho at pati pagdating namin ay hindi niya ako iniimik. Sobra na akong nagi-guilty. Ang dami ko nang kasalanan sa kanya.

"Jho," I called her name.

"Why can't you call me 'Love', Colet?" she asked. "Sa loob ng almost three years na relationship natin never mo akong tinawag na ganoon. Hindi mo kayang sabihing 'I love you' in person, puro sa text lang. Ano bang mali?"

"I'm sorry." I averted my gaze and played with my fingers.

"Ang dami ko nang pinalagpas, Colet. Kasi natatakot ako na baka kapag nagsalita ako, iwan mo ’ko. Natatakot ako na baka kapag nagalit ako, makipagbreak ka sa ’kin." Jho's tears formed in her eyes. "Natatakot akong mawala ka, Colet pero ikaw hinding hindi ka takot na mawala ako."

"Jho, it's not that." I tried to reach for her hand pero umiwas na siya.

"Inintindi ko noong hindi mo ako napakilala sa magulang mo, habang ’yung akin tinuturing ka na nilang anak. Kapag nandyan si Maloi parang wala ako. Kapag nandyan siya, sa kanya ka lang nakatingin. Colet, ako na ang girlfriend mo. Ako ’yung nandyan para sa ’yo. Bakit hanggang ngayon—" Jho burst out crying and turned her back.

"Jho... I'm sorry." I hugged her from behind pero tinanggal niya iyon at hinarap ako.

"Siya pa rin ba, Colet?" Jho asked me.

"Alam mo naman sagot dyan ’di ba?" I asked her back. "Walang araw na hindi."

"Kung ganoon, bakit?" Jho looked at me with teary eyes. "Bakit pinaramdam mo na napakaimportante ko? Bakit sobrang bait mo sa akin before pa tayo umalis dito? ’Yung sa art exhibition. Noong pride month. Bakit pinaramdam mo na special ako sa ’yo? Wala lang ba sa ’yo lahat ’yon, Colet?"

"I treated you like that because you're fragile, Jho. Ayokong mabasag ka." I explained. "Ayokong mag-doubt ka sa sarili just because I don't like you. Ang daming nagmamahal sa ’yo, Jho. Ang daming nagpaparamdam sa ’yo na special ka."

"Isang tanong, isang sagot, Colet." Jho swallowed the lump in her throat. "Minahal mo ba ako?"

"I did. But as a sister, Jho. As a younger sister."

Jho cried at napaupo habang tinatakpan niya ang mga mata niya. "Tangina. Ang tanga ko."

"Jho, sorry..." I tried to reach for her hand pero tinulak niya ako.

"Lumayo ka sa ’kin!" She yelled. "Akala ko nabago ko na isip mo. Akala ko akin ka na. Akala ko enough na ’yung ginawa ko para sa ’yo para mahalin mo rin ako. Pero putangina, bilang kapatid?" She scoffed.

I only looked at her with guilt. "Sorry talaga. Ibabalik ko lahat ng ginastos—"

"This is not about the money, Colet! I don't care about the money! I will still help you even if you hurt me! Pero ’yung pinaasa mo ’kong mahal mo ’ko? Tangina nagmumukha pala akong tanga rito." Jho covered her mouth as she tried to cry even more. "Tama si Staku. Mahal mo lang ako kasi mahal kita."

I didn't know what to say anymore. I deserve to be yelled at. Mali ako.

"Umuwi ka na." Jho told me. "Tawagan mo na lang ako kung may tanong ka about work. If it's not about work don't message me."

"Jho..." I called her name again. "Hindi ko na alam sasabihin ko dahil alam kong mali ako. Alam kong dapat hindi ko na ginawa ’yon."

"Pero ginawa mo, Colet! Sinaktan mo ’ko and at the same time sinaktan mo si Maloi!" She yelled again. "Sana hindi na lang. Edi sana wala kang nasasaktan. Hindi ko naman hiniling na ligawan mo ako ’di ba? Sinabi ko naman na okay na akong nakikita ka lang? Na kasama lang kita? Okay na ako roon ’di ba?"

Hindi na ako nagsalita. Alam kong lahat ng sasabihin ko ay masasaktan lang siya. Alam kong mali na. Ititigil ko na.

"Let's break up, Colet." Jho sighed. "Bawiin mo na si Maloi. Hindi niya deserve masaktan nang ganito."

I looked at her one time. I wanted to apologize more but I guess my words didn't have the same weight anymore. Napagod na siya. Ayaw na niya.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now