Chapter 4: Portrait

1.7K 54 0
                                    

The next day, I went to Aiah's house early since my class will start in the afternoon. Halos magkatabi lang kasi ang bahay namin kaya palagi akong nandoon sa kanila. Kapag hindi ko trip magkulong sa kwarto ko, sa kwarto niya ako magkukulong. Nakaka-relax kasi. She has many paintings ng nature sa wall niya and for me it is so serene to see.

"Nandito na naman ang boss," she said and chuckled habang busy gumawa ng plates. Ayan kasi, ang daming araw na free siya tapos gagawin niya lang ang plates kapag rush na.

"Ayoko pumasok nang maaga. Nakakasira ng araw mga kabanda ko." I slumped onto the couch and looked at her as she was busy outlining her plates with a pen. "Teka, kamusta pala ‘yung ginagawa mo the other day? Tapos na?"

"Yes," she answered. "Kaya nga rush ako ngayon e. Inuna ko ’yon. Tapos need ko pa ibigay sa kaniya later sa school. Magkaiba pa naman kami ng building." She sighed at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Bakit hindi na lang siya papuntahin mo sa building ninyo? Siya may kailangan ‘di ba?" Suggestion ko at umiling. "Brain, Aiah. Brain."

"Sira!" Binato niya ako ng pambura at tumawa. "Bayad ako ‘no. It's my responsibility na i-deliver sa kaniya ‘yon. Atsaka usapan na namin ‘yon."

"Kawawa ka naman," I sarcastically said at inabot muli sa kaniya ang pambura ng lapis.

"Teka, ‘di ba same program kayo? So, nasa iisang building lang kayo?" tanong ni Aiah nang may malawak na ngiti.

Agad akong bumalik sa upuan ko at umiling-iling. "No. It's a no, Maraiah Queen."

"Sige na. Minsan na nga lang akong manlambing e." She pouted and clasped her hands together as if she was begging.

Ayoko nga. Ayoko nga makita ‘yung tao tapos ako pa magde-deliver ng portrait niya? Dati ba ‘tong sira?

"Baka hindi pa naman niya kailangan ‘yan. Ibigay mo na lang kapag may free time," I said at binuksan ang cellphone ko to check our gc. Baka kasi may naisipan na naman si Sam at maaga kaming papuntahin sa practice.

"Marami akong gagawin. Tapos tomorrow, aalis pa ako. So, wala talaga akong free time." Aiah explained and looked at me with puppy eyes. "Sige, kapag ikaw nagdeliver ng portrait, I'll give you a commission. How does that sound?"

"Hindi mo ako makukuha d’yan." Iling ko at bumaling muli sa phone. Kahit ano pang i-offer niya sa ‘kin.

"Kahit sabihin ko pang yayayain ko si Gwen to have dinner with us next week?" tanong ni Aiah na nagpabalikwas sa akin ng bangon.

Gwen is our junior. I mean, mas bata siya sa amin ng ilang taon lang. She's a great singer and dancer sa school pero sobrang hectic ng schedule no’n. Hindi ko nga nakikita ‘yon sa school dahil laging wala at busy. She's too far-fetched. Nonchalant type na parang anti-social. Parang ako, pero mas malala. Siya ‘yung taong gusto kong makasama. Ang peaceful kasi sobra kapag siya. Soft talks lang, no loud laughs at sobrang gaan niya kausap.

"Bakit kasi ngayon mo lang natapos? Edi sana kahapon ko pa na-deliver." I rolled my eyes, making her laugh.

"Kapag talaga si Gwen, napakabilis mo. Magtatampo na ba ako?" tanong niya sabay pout. Kadiri.

"Ang OA mo."

Aiah stood up and gave me a paper bag. "Handle it with care ha. Naka-frame ‘yan baka mabasag."

"Tingin mo sa akin malikot?"

"I'm just reminding you." She replied at bumalik na ulit sa ginagawa niya.

I decided to leave na para na rin makapag-focus siya. Take note, I am not excited to deliver this to Maloi. I just really want to have dinner with Gwen after long days na hindi kami nagkakausap.

Agad na lang akong dumiresto sa headquarters namin since hindi pa naman magsisimula klase ko. Wala ring vacant room for us.

"Aga mo?" tanong ni Franz at napalingon sa dala kong paper bag. "Pagkain?" Referring to the paper bag sa tabi ko. Agad niya itong binuksan at wala akong nagawa kung hindi hayaan siya dahil ang bilis ng kamay niya.

Napatawa siya nang malakas nang makita ang itsura ni Maloi sa frame. It was beautifully crafted. Ang gaan talaga ng kamay ni Aiah.

"Uy," wika ni Franz at napatakip pa ng bibig. "Sabi ko na nga ba may something e."

"Selos ka?" tanong ko sabay kuha ng frame. "Pinagawa niya ‘yan kay Aiah. She only asked me na i-deliver kay Maloi. Since nasa kabilang building pa siya."

"Reasons." Franz chuckled.

The headquarter's door opened reason para mapatingin kaming dalawa ni Franz doon. It was Sam. He looked at us with furrowed brows.

"Ang aga ninyo ngayon? May sinabi ba akong practice?" Sam asked sabay tingin ng phone niya if nag-messge ba siya sa amin. "Wala naman. You guys dating here?"

"Of course not!" I retorted.
"Medyo."

I glared at Franz nang sinabi niyang "medyo". Baka pati si Sam maniwala na sa rumors. Strict rule pa naman sa banda namin na bawal ma-in love sa kabanda bago niya ako tinanggap. Ayaw kasi talaga niya na naaapektuhan ‘yung performance kapag may LQ. Atsaka pangit din naman tingnan.

"Maloi messaged me na mali-late siya. So I told her na wala pa namang akong announcement so she could take her time." Sam shrugged at umupo na rin sa couch.

So, ano na gagawin namin? Tutunganga rito?

"Anyway, Colet." Sam looked at me. "This upcoming event sa school. I want you and Maloi to duet the song. Ang ganda kasi ng blending ninyong dalawa."

"Pass. Si Franz na lang," wika ko.

"Anong ako? Hindi bagay sa boses ko ‘yung kanta. Gusto mo mas masira ‘yung performance natin?" Depensa ni Franz.

"I'm not asking you, Colet. I'm telling you." Sam voice was stern and alam ko na na seryoso siya roon. Wala naman akong magagawa if in-assign na niya kami ‘di ba?

"Sorry, I'm late!" wika ni Maloi na napatigil samin sa pag-uusap. Agad siyang napatingin sa amin at kumunot ang noo. Perhaps, she read the room already. "May problema ba?"

"Since kumpleto na rin pala tayo. Mag-practice na tayo." Tumayo si Sam dahilan para tumayo na rin kami.

Maloi was still clueless about what happened. Wala naman talagang problema pero feeling ko ramdam ni Sam na ayaw ko sa sinabi niya.

"Anong problema?" tanong ni Maloi sa akin.

Kinuha ko ang paper bag at inabot sa kaniya.

"OMG. This is for me?" Maloi's eyes brightened kaya pinitik ko na ang noo niya.

"That's from Aiah. Pinahatid lang." I rolled my eyes at pumunta na sa position.

Maloi put the paper bag aside at pumunta na rin sa pwesto niya. Inabot sa kaniya ni Sam ang lyric sheet at agad siyang napakunot ang noo.

"Duet with Colet?" she asked.

"What song?" I asked.

"Isang Tingin."

That's not a band song. It's not suited for our band. Bakit ‘yan? What the hell?

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now