Days passed at busy lang kami sa pagpa-practice. Jhoanna indeed joined us pero si Sam ang lagi niyang kasama since aware naman si Sam na ayokong maging tour guide ng kahit sino. Kay Maloi nga ang sama pa nang pakikitungo ko. Atsaka ayaw niya rin siguro na magkaroon ng bad impression ang banda kay Jhoanna dahil sa akin.
"Hindi pa ba kayo magpapahinga? Ang sakit na ng tuhod ko oh!" Reklamo ni Maloi habang bahagyang hinihilot hilot pa ang binti niya.
Tinawanan lang siya ni Sheena at tinuloy ang pagpa-practice with Taneo. Taneo looked worried pero agad naman siyang sinabihan ni Sheena na nag-iinarte lang si Maloi kasi may kikitain siya after practice at gusto niya nang mauna.
Kikitain niya kaya ulit ‘yung red hair? I've never seen her after that day. Baka Arki student din. Should I ask Aiah about it? Kaso baka hindi niya rin kilala, ang dami pa namang magaganda at red hair sa building nila.
"Uy, Maloi. Tumayo ka na d’yan. Mahiya ka naman sa mga dance troupe. Simula 8am nandito na sila, ikaw 10am ka dumating." Franz scolded her pero nagsitawanan lang kami sa kaniya.
Hindi rin naman namin pinapagalitan si Maloi kapag late dahil nasanay na kami. Pero instead of telling her the exact time ng practice, aagahan namin ng two hours para on time siya.
"Sanay sumayaw ‘yang mga ‘yan! Ako hindi!" Maloi pouted at humiga na talaga sa floor.
Taneo chuckled at her and motioned for her to go since tapos na naman siya sa pagpapractice ng part niya. Maloi stood up na parang walang masakit sa kaniya at agad na kinuha ang bag. Sinundan ko lang siya ng tingin. I know she wouldn't forget to bid goodbye to me.
Maloi turned around and looked at me. "Sama ka?" she mouthed but I shook my head. Wala na akong gagawin pero ayokong makita siya kasama ‘yung babae na ‘yon. Hindi ko alam pero naiinis ako. Ayoko rin naman magtanong dahil baka kung anong isipin niya.
"Sumama ka na, Colet. Minsan ka na nga lang ayain ni Maloi e. Atsaka may kasalanan ka pa." Franz nudged me and winked.
"Ano na naman kasalanan ko?" tanong ko sabay kunot ng noo.
"‘Yung lalagyan ng nanay niya hindi mo pa binabalik. Mahiya ka naman." Franz laughed together with Sheena at iba pang kasama sa dance troupe.
Napakadaldal talaga ng lalaking ‘to.’ Talagang nilabas pa ‘yung kasalanan ko kay Maloi.
"Oo nga, akala ko ba papalitan mo?" Maloi asked and smiled at me nang nakakaloko. "Sa mall ako pupunta. Hindi ka ba talaga sasama?"
"May kikitain ka raw sabi ni Sheena?" tanong ko.
Sheena stopped practicing and looked at us. She then laughed hard, causing Taneo to grimace at her. Parang tanga talaga tumawa ‘tong isang ‘to. Buti na lang hindi masyadong matinis kung oo baka nag-sound as witch na siya. Wala namang nakakatawa.
"Meron nga, si Mikha. Friend ko ‘yun. Na-kwento ko na sa ‘yo ‘yun ‘di ba? Last time pa?" Maloi asked and grabbed my bag and reached for my hand bago ako hilain palabas at magpaalam sa lahat.
While we're walking outside, kinuha ko na ang bag ko kay Maloi para ako na ang magbuhat. We waited sa labas ng gate dahil meron naman daw susundo sa amin.
"Mikha? ‘Yung red hair ba ‘yon?" I asked and put my hands inside my pocket while looking at every car that has passed dahil ayokong tumingin sa mata ni Maloi.
"Oo, ‘yung maganda."
Wow ha. Pinagdiinan pa. Alam ko naman na mas maganda ‘yon sa ‘kin. Hindi ko naman tinanong.
"She's here." Maloi reached for my hand again and intertwined it with hers kaya nagulat ako.
The car stopped in front of us at agad namang binaba ni Mikha ang window niya para tingnan kung sino ang kasama ni Maloi. I smiled a bit and I saw Gwen beside her. What the hell? Gwen knew her? Bakit hindi ko kilala?
"Colet?" Gwen asked and motioned for us na pumasok na ng kotse which we did.
"You guys knew each other?" Mikha asked while driving the car.
"Yes, she's my friend. Colet, you know Mikha?" Gwen asked me and I shook my head.
"I saw her last time. She's also with Loi. Isn't that right, Yves?" Mikha looked at the rearview mirror and smiled sweetly at Maloi.
"Anyway, Mikha is from abroad. You don't want to know which country," Gwen said and they laughed. "She's staying here for good. You guys would be great friends since halos pareho lang kayo ng ugali. You know? Kind of nonchalant." She explained.
"Pare-pareho kamo kayong tatlo ng ugali. Dapat talaga hindi ako ‘yung sumama sa inyo. Mukha tuloy akong naligaw na OA sa nonchalant line." Maloi pouted as she crossed her arms and leaned back.
Mikha chuckled at Maloi. Kahit ano atang gawin ni Maloi natutuwa siya. Pass sa masyadong halata.
***
When we arrived at the mall, magkasama si Mikha at Maloi na pumasok sa isang art gallery kaya wala kaming nagawa ni Gwen kung hindi sumunod. Galing na kami rito ni Maloi dati kaya hindi na ako natutuwa.
"Uy, anong nangyayari sa ‘yo?" Gwen nudged me when she noticed that I was spacing out. "Okay ka lang ba?" She chuckled.
"Yeah. Just wondering kung bakit ako sumama sa inyo e wala naman akong gagawin dito." I shrugged and looked at Maloi's painting na lang.
Gwen smirked and raised her left brows bago ako titigan. "Asus. If I'm not mistaken, ayaw mo sumama kasi ayaw mong makita si Maloi at Mikha na magkasama." She chuckled again and looked at the paintings. "Ma. Nicolette, masyado kang halata."
"Pinagsasasabi mo?" tanong ko at iniwan na siya para lumabas ng gallery. Ayoko talaga sa mga hot seat question. Hindi ko alam kung paano i-deny. Mas lalo lang akong naiipit.
Eh bakit ba kasi ayokong makita silang dalawa? Wala naman akong paki. Hindi naman siguro ako nagseselos ‘di ba? I'm the type of person na sobrang low maintenance when it comes sa friendship. Kahit hindi ako kausapin, kahit ipagpalit ako, wala akong paki. Pero bakit? Piskit!
"Dito ka pala." I heard Maloi's voice from behind kaya napalingon ako. I saw her hands clinging on Mikha. Just like she always did to me. Perhaps, I wasn't that special to her, unlike how she was so special to me. Nagagawa niya sa iba ‘yung mga ginagawa niya sa ‘kin.
"Mauuna na ako. Tumawag si Sheena. May gagawin ata kami." I smiled bitterly and was about to walk away when I saw Gwen blocking my path.
"Umamin ka nga sa ‘kin, Colet. Why are you avoiding them?" she asked in a shallow voice para hindi marinig ng dalawa.
"I'm not avoiding anyone." I answered.
"Okay fine." Gwen sighed and looked at the two behind me. "But I'm telling you, hindi mo dapat pinapaubaya ang taong gusto mo." She bit her lips. "Inaagaw dapat." She winked and patted my shoulder before returning to Mikha and Maloi.
Wait, what? What the heck is that?
![](https://img.wattpad.com/cover/366915517-288-k879155.jpg)
YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
FanfictionWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...