Halos buong araw kaming hindi nakapag-usap ni Maloi dahil sa mga ginagawa. Paalis-alis silang dalawa ni Franz sa tuwing may kailangan at kaming dalawa naman ni Jhoanna ang nag-aayos ng mga tela na ilalagay for backdrop. Minsan tinutulungan kami ni Sheena pero may inuutos din agad si Taneo sa kanya kaya umaalis din siya agad.
"Okay na ba ’to?" tanong ni Jhoanna at bumaba ng hagdan para tingnan kung pantay ba ang pagkakalagay namin. Halatang-halata sa mukha niya na pagod na siya at pinagpapawisan na rin.
"Okay na ’yan," wika ko at kinuha ang panyo sa bulsa ko para punasan ang pawis niya. Hindi ba niya ramdam ’to? Manlalagkit siya kapag natuyo pa ’yan.
Jhoanna looked at me habang pinupunasan ko ang pawis niya kaya bahagya ko siyang pinatagilid dahil mayroon din sa bandang tenga niya. She slowly smiled at hinayaan na lang ako sa ginagawa ko.
"Magpahinga ka muna saglit. Tagktak na pawis mo. Hindi mo ba ramdam?" tanong ko at inabot na ang panyo sa kanya para kapag pinagpawisan siya ay mapunasan na niya.
"Colet, ako rin may pawis!" I heard Franz from afar. Hindi ko alam na nandito na sila.
"Wala akong paki!" Sigaw ko at muling binalik ang mga tela na hindi na namin gagamitin sa lalagyan.
"Colet, ako na d’yan." Jho grabbed the box containing the fabric at nag-excuse. I only nodded dahil napapagod na rin ako at ayoko nang gumalaw pa.
"Nakabili na ba kayo ng styro? Sino maglalagay ng letters?" Sam asked at nagtaas naman ng kamay agad si Sheena.
"Ako lang magdidikit pero hindi ako ang magsusulat." She clarified. "Sino ba maganda mag-calligraphy?"
Walang sumagot kaya inako na lang ulit ni Taneo ang mga gagawin. Sam ordered me and Jhoanna na ayusin na ’yung gilid ng stage kaya siya na naman ang kasama ko. But all of a sudden, dumating si Maloi kung saan kami naghahakot ng mga ibang gamit at tumulong sa amin ni Jhoanna. Hindi pa rin siya naimik.
"Galit ba si Maloi? Kanina pa siya ganyan." Jho turned to me. Napansin din pala niya. "Masama gising?"
"Hindi naman," I said. Ang ayos niya lang kaninang umaga e. Nagsimula talaga ’to dahil sa pagyaya ng dinner ni Jho. Hindi kaya nagseselos siya? Pero bakit? Kasama naman siya ha?
After nang lahat ng gagawin, bumalik ako sa headquarters namin. Nandoon na rin pala ’yung iba except kina Maloi, Sheena at Franz. Jho and Taneo were there. Si Taneo ay busy sa pag-aayos ng mga costume while si Jho is nakatulog na sa couch. Grabe siguro pagod niya sa pagbubuhat kanina. Anak mayaman pa naman ’to, tapos gaganituhin lang ng school namin.
"Hindi pa kayo uuwi?" Taneo asked kaya napatingin ako sa wall clock. It's already 7pm na rin pala.
"Si Jho? Sino maghahatid dyan?" I asked.
"Hindi ko pwede ihatid ’yan. Gusto mo ikaw na lang? Ituro ko sa ’yo saan condo niya." Taneo smiled. "Bawal kasi ako, kapag nakita ako ng guard doon baka sabihin may ginawa pa akong something kay Jho."
"Condo? Yaman ah." I crossed my arms at pinanuod ang ginagawa ni Taneo. "Pero saan ba? Ako na maghahatid. Mukhang pagod na pagod oh."
"Isama mo si Maloi, alam ni Maloi ’yung daan don. Baka maligaw ka pa." Taneo reminded me.
"Hoy, ako ’yung taga-rito. Kailan lang dumating si Maloi." I rolled my eyes kaya natawa na naman siya.
"Ikaw nga ’yung taga-rito e hindi ka naman gumagala. Mas alam na ni Maloi mga pasikot-sikot dito. Kaya isama mo siya kung ayaw mong maligaw," Taneo said kaya wala na akong nagawa.
When Maloi arrived, sinabi agad ni Taneo sa kanya na kailangan niya akong samahan sa paghatid kay Jho. Sam and Franz were disappointed dahil nga nag-aabang sila ng dinner with Jho.
"Paano pala ’yung car ni Jho?" tanong ni Maloi kay Taneo.
"Ako na bahala roon, hanap na lang kayo ng taxi." We nodded at Taneo.
Jhoanna looked so tired pero bumangon naman siya. Sobrang antok niya lang kaya kailangan talaga namin siyang ihatid. During the taxi ride, sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. I saw Maloi look at the rearview mirror at agad din siyang nag-iwas.
Nang makarating kami sa condo ni Jhoanna ay agad ko siyang hinatid sa kwarto. Nakakahiya ngang pumasok dahil ang linis at ang ganda pero ang nakakapagtaka lang, bakit siya mag-isa? Wala ba siyang kapatid kahit isa?
"Okay na ba? Pwede na bang umuwi?" tanong ni Maloi na nakasandal sa may bandang pintuan.
"Saglit lang, aalisan ko lang ng make up." Agad akong naghanap ng cleansing wipes.
I removed Jho's make up and after that I was shocked when she hugged me. I also saw Maloi flinched dahil napapatong ako kay Jho.
"Don't leave, Colet. Please?" She wasn't drunk or what. She was just sleepy pero ganito na siya.
"Ako na lang uuwi," wika ni Maloi at akmang lalabas na nang tumayo ako at pinigilan siya.
"Sabay na tayo." I bit my bottom lip at tiningnan siyang halatang galit na naman sa ’kin.
I turned to Jho at mukhang okay na siya. Mukhang makakatulog na rin siya nang mahimbing.
"Tara." I reached for her hand at lumabas na kami ng condo. We also locked it para sure na safe si Jho sa loob.
Habang palabas kami ng building at nakasakay sa elevator ay hindi pa rin ako kinakausap ni Maloi.
"Galit ka ba sa ’kin?" tanong ko. "May ginawa ba ako?"
"Wala. At mas nakakairita ’yon." She crossed her arms and sighed. "Halata namang gusto ka ng tao, in-entertain mo pa."
Napakunot ang noo ko. Ano naman kung nag-entertain ako? Atsaka ayoko mag-assume. Jho is a high class woman. For sure, gusto niya lang ako now kasi iba ako sa babae na nakikilala niya.
"Wala namang masama sa ginawa ko ah?" tanong ko.
"Meron, kasi nga gus—" Maloi stopped in her mid-sentence. "Gusto ka niya, so don't give her false hope kung ayaw mo sa kanya."
I only nodded. Tama naman siya. Atsaka wala naman talaga akong balak na bigyan ng mixed signals si Jho. I have my eyes for someone already.
I looked at Maloi who was still sulking in the corner. I slowly smiled at her cuteness. — And that's her.
![](https://img.wattpad.com/cover/366915517-288-k879155.jpg)
YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
FanfictionWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...