Chapter 44: It Ends Here

4.5K 143 92
                                    

Habang palabas ako ng kwarto ni Maloi ay hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Inabot ko lang sa kanya ang pangspray at lumabas na ako ng condo niya.

"Dito ka na magdinner." Maloi offered habang nakadungaw sa may pintuan niya. "Nagluto ako."

"Hindi na. Ayos lang." I smiled at bit at dumiretso na pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Thank you. But ayokong magkaroon ng utang na loob so babayaran ko ’yon ng dinner." She gently pulled me pabalik sa condo niya at pinaupo ako sa upuan habang siya ay nag-aayos ng mesa.

This was I imagined before. While writing songs, she would call me just to eat at siya mismo ang maghahain sa akin. We would wash the dishes together and cuddle until we fell asleep. But those were just my imagination. And it would stay like that.

"Bukas na ulit ako magagalit sa ’yo," she said.

"Maloi," I called her name and she looked at me.

"Hm?"

"What can I do to win you back?" I asked with full of sincerity. I'm willing to do everything for her.

"I didn't welcome you here para pag-usapan ’yan, Cole. Let's just eat." She motioned for me to dig in at tumango na lang ako.

Ang tahimik ng paligid. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ganon lang din. Sana pala hindi ko na tinanong.

"When you left, I was devastated." Maloi started and heaved a sigh. Medyo inilayo niya ang plato niya sa kanya. "Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na ginagawa mo rin naman ’yon para sa family mo at sa akin."

I didn't speak. Hinayaan ko na lang siyang magkwento dahil wala na rin namang salita ang lalabas sa bibig ko.

"I wait for you everyday and every night." She pursed her lips. "Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya ’yung LDR, pinilit ko. Kasi ’di ba babalik ka rin?" She looked at me with teary eyes.

"Sabi mo kasi babalik ka agad kaya naghintay ako." She looked at the ceiling to prevent her tears from falling down. "There are so many guys trying to pursue me. Ang dami, Cole. Pero niisa sa kanila wala akong pinansin. Kasi baka magalit ka. Kasi baka masaktan kita."

"Ayokong makasakit, Cole. Ayokong kapag umuwi ka, malalaman mo may iba na ako. Kaya kahit miss na miss kita. ’Yung yakap mo, ’yung halik mo... hindi ko ’yon hinanap sa iba." Her tears fell down and she wiped them immediately. "Pero ikaw... nahanap mo sa iba. At sa taong pinagseselosan ko pa."

"Mahal na mahal kita at ang laki ng tiwala ko sa ’yo. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi mo magagawang ipagpalit ako." She sniffled and looked down para hindi ko makita ang mukha niya. "Pero nagawa mo."

"Sobra kong ginaslight sarili ko kasi ang tanga ko pagdating sa ’yo." She covered her face using her palm at humagulgol na.

I approached her and pulled her into a tight hug.

"Sana maintindihan mo ’ko kung bakit ayaw ko na." She continued. "You didn't know the sacrifices I made habang wala ka. You didn't know the pain. At ayoko nang maulit pa."

"I'm sorry..."

"Pero tangina." She pulled away from me and looked me in the eyes. "Hindi ko alam. Ang tanga ko. Kasi kahit noong napanuod ko ’yung video mo na ipinagmamalaki mo si Jho as girlfriend mo, nakangiti pa rin ako."

"Kasi masaya ako na sa loob ng tatlong taon, hindi ka nag-iisa. Kasi sa loob ng tatlong taon na ’yun, hindi ka nasaktan." She heaved a deep sigh once again and smiled bitterly. "Tangina. Mahal na mahal kita."

"Bakit hindi natin subukan ulit?" I asked. "This time, I'm willing to sacrifice everything. Hayaan mo ’kong mahalin ka ulit. Hayaan mo ’kong patunayan sa ’yo lahat."

Maloi shook her head. "Masyadong masakit."

"Hindi na ako aalis." I assured her.

"Depende pa rin ’yan." Maloi stood up. "Tapos ka na ba?"

I stood up too and pulled her into a hug. The tight one. Kung pwede lang ayokong matapos ang oras na ’to. Gusto ko nandito lang siya sa tabi ko.

"Baka hinihintay ka na ni Jho." She removed herself from the embrace at nagligpit na ng mesa.

"She broke up with me. I told her everything." I looked down at ramdam ko naman na natigilan siya.

"You broke another woman's heart?" She huffed. "Tibay mo naman."

"I'm guilty. I know. I hurt both of you."

"Kahit mahal kita, Cole. Hindi ibig sabihin non tatanggapin na kita ulit. Kahit iwan mo pa si Jho. Kahit talikuran mo pa career mo. Kahit na ano pang gawin mo," Maloi clarified. "Let's just move on and move forward. Maging masaya na lang tayo sa kung anong narating nating dalawa. Kalimutan na lang natin kung anuman ’yung nangyari sa nakaraan."

Maloi faced me and lifted my chin gently. "May mga bagay na kailangan talikuran para sa ikabubuti nating dalawa."

---
Macolet Day ngayon sksksks. Pasensya na, may au lang sa twitter. ❤️
- coletales_

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now