Chapter 15: She's Here

2.8K 103 12
                                    

Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Maloi. Pinahiram ko na lang siya ng extra clothes ko since kasya naman sa kanya at practice lang naman ang gagawin namin ngayon. This would be the first time na magiging on time si Maloi sa practice.

"Bakit sabay kayo?" tanong ni Franz at agad tumayo sa sofa nang makita kaming papasok. "Tapos, damit mo ’to ’di ba, Colet?" Tinitigan niya nang maayos si Maloi at ngumisi. "Saan ka natulog?"

"Bakit mo ba tinatanong? Hindi ka ba masaya na maaga tayo makakapagstart?" Sam grabbed Franz arms at hinila na para pumwesto kung saan dapat siya umupo.

Wala pa si Taneo at ang ibang dance group members. Ang nandito lang ay kaming nasa banda plus si Jho at Sheena.

Teka, bakit nga pala nandito na siya? Hindi ba kailangan pa niya mag-adjust? Okay na agad sa kanya magstay sa maliit na headquarters? Hindi ba mag-iinarte ’to?

"Colet, I heard you're doing good sa pagsayaw. I decided to dance too, para magkasama tayo." Jho smiled at me and I only nodded. "Are you busy after practice? Magyayaya sana akong magdinner with the band if hindi ka busy."

Sam and Franz from Jho's back gestured na pumayag ako para sa free food. Mga siraulo talaga ’to. Although ayoko, hindi ko naman matatanggihan ang mga ’to. Mga mukhang pagkain talaga.

"Hindi naman. Saan ba?" tanong ko at inayos na ang bag ko. Hindi naman pwedeng habang buhay akong nakatayo malapit sa pinto. Sinusundan lang ako ni Jho hanggang marating ko ang table kung saan nakatabi lahat ng bags namin.

"Sa restaurant na pagmamay-ari ng friend ko. Malapit lang dito, sabay ka na lang sa akin. I can drive." Jho smiled again at tumango na lang ulit ako.

"Kasama natin sila?" tanong ko at tinuro sila Maloi.

Maloi was wearing a poker face at halatang hindi siya masaya sa nakikita niya kaya umiwas ako ng tingin. I looked at Jho again, waiting for her answer.

"Saan? Sa restaurant ba o sa car? If sa restaurant, syempre. Pero sa car kasi hindi kasya. Maserati MC20 kasi gamit ko." She looked away and the guilt was evident. Sabagay 2-seater lang iyon. Pwede ko naman ikandong si Maloi kung papayag siya.

Natawa ako sa sarili ko kaya natawa rin si Jho sa expression ko. Mukha tuloy kaming kinikilig sa isa’t-isa kaya umiwas na ako ng tingin at pinuntahan kung nasaan si Maloi.

She was silent. Nagwa-warm up na siya at hindi niya ako kinikibo kahit ginugulo ko na siya. Alam ko napapansin niya pangungulit ko pero hindi niya talaga pinapansin. Sa tuwing tatabihan ko siya, uusog at uusog siya kaya ako na lang din napagod.

Umupo ako sa upuan na katabi ni Franz at agad naman siyang natawa. Panigurado pinagmamasdan na naman niya kami ni Maloi kanina.

"LQ?" he asked. "Baka nakakalimutan mo, Colet. Ako ang unang nagka-crush sa ’yo."

"Hindi kita type." I rolled my eyes at pinanuod ulit si Maloi.

Ilang beses nang umamin si Franz sa akin tungkol dyan. Ako raw crush niya, ako raw gusto niyang i-pursue pero alam ko namang hindi na mangyayari ’yon. Franz is betrothed ever since he's a kid. Naikwento niya na sa akin ’yon noon. He's a half-chinese kaya hindi na ako nagtataka. However, ayaw naman niyang sabihin kung kanino kasi ayaw niya raw talaga sa babaeng ’yun. Mas malala raw ang ugali sa akin. Nonchalant pa sa nonchalant god.

"Alam mo ba tuwing nagpapractice tayo, tapos nakapikit mata mo habang tumutugtog ng gitara. Tinitingnan ka ni Maloi." Franz whispered para walang ibang makarinig. Busy na rin kasi Sam at Jho sa mga ginagawa nila kaya hindi na nila kami pansin. "Feeling ko may kaagaw na ako sa ’yo."

Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. "Siraulo."

"Aray naman!" Tiningnan ako nang masama ni Franz dahilan para magsitinginan na rin ang lahat sa amin. Sheena was smiling from ear to ear kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil kapag nang-asar siya, mas maaasar siya sa akin.

"Taneo!" Sheena cheered nang makitang papasok na ang ibang members ng dance group. Ang dami na namang tao. Masu-suffocate na naman ako.

"Nandito ka pala, Jho." Taneo smiled at Jho at ngumiti lang ito nang bahagya at tumingin sa akin.

Bakit parang nagkakaroon ng love triangle dito? Hindi ako nag-a-assume pero para kasing may gusto si Jho sa akin at si Taneo naman ay may gusto kay Jho.

Napatingin ako kay Maloi na walang paki sa mga taong dumating. Busy pa rin siya sa pagsayaw niya mag-isa sa harap ng salamin.

"Dalawa kayo sa buhay ko, at ako ngayon ay kailangan nang mamili. Isa lang ang maari~" Kanta ni Franz malapit sa tenga ko kaya agad ko siyang kinurot. "Aray naman, sabi! Napakasadista nito."

"Susungalngalin na kita, isa pa!" Inirapan ko siya at pumwesto na rin sa tabi ni Maloi. This time hindi na siya umusog dahil alam niyang wala na siyang mauusugan. Wala naman siyang choice kung hindi tumabi sa ’kin. Ano ba kasing nakain nito at bakit biglang nawala sa mood?

Suddenly, our adviser came and knocked on the open door, causing all of us to look at him.

"Busy ba kayo? Last three days before the event, hindi pa rin ayos ang venue ninyo. You're not expecting someone na mag-aayos non para inyo, right?" he asked kaya nagkatinginan kaming lahat.

Ang alam namin ay merong mag-aayos noon dahil kami na nga ang magpe-perform. Sobrang nakakapagod naman nito. Siguro pati sa technical sa mismong event kami pa rin gagalaw. Piskit.

"We'll organize it na po, sir." Taneo smiled at him and he nodded.

Pagkaalis ng adviser namin ay agad kaming napabuntong hininga. Sam and Taneo didn't know what to do since kailangan pa nga namin magpractice and at the same time need pa namin mag-ayos?

"I'll help. Ano bang mga gagawin?" Jho asked.

"Ayusin na lang muna natin ’yung stage. ’Yung backdrop at mga tela na gagamitin. May mga tools naman sa storage ’di ba?" Sheena asked and looked at Taneo.

"Oo, pero hindi lahat nandoon. Kailangan talaga may isa o dalawa na bibili sa labas para sa mga gagamitin." Taneo looked at Maloi and Franz. "Kayong dalawa na lang, okay lang?"

"Yup." Maloi gently smiled at lumapit kay Franz. "Ano bang bibilhin?"

Agad namang kumuha ng listahan si Taneo at doon na nagsulat ng mga bibilhin. Sheena and Jho helped him decide kung ano ba ang mga kailangan. Sam was busy explaining sa ibang members kung ano ang gagawin nila once na nandoon na kami sa venue while Maloi and Franz were talking to each other.

Galit ba sa ’kin si Maloi? Okay pa kami kanina ha? Ano bang ginawa ko at hindi namamansin ’tong mokong na ’to?

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now