Chapter 35: Choose

2.3K 90 19
                                    

11 in the evening hindi pa rin ako makatulog. Maloi didn't call perhaps because she was still busy with her school work. Magsasabi naman iyon kung free na siya.

On the other hand, tinitigan ko lang ang text ni Jho sa akin. Nagdadalawang isip ako. This would be my last straw pero alam kong ang dami ring mawawala kapag tinanggap ko ito. Pero paano si Papa? Paano ’yung sakit niya? Hindi naman pwedeng hayaan ko lang siya kasi mas gusto kong makasama si Maloi rito.

Bahagya kong ginulo ang aking buhok dahil hindi ko na alam ang gagawin. Wala na talaga akong ibang options.

I dialed Jho's number and after three rings ay sumagot na rin siya. My heart was beating too fast.

"Kapag ba tinanggap ko offer mo..." I trailed off. "Anong mangyayari?"

"Uh?" she asked. "We'll have a contract signing first. And then you can record your songs and bahala na kami sa promotion. Don't worry, hindi ka maglalabas ng pera sa amin."

"But this is embarrassing. Pero pwede bang maka-advance don?" I asked. Kakapalan ko na ang mukha ko.

"I can lend you some, pero ibabawas iyon kapag kumita ka na sa mga music mo." Jho explained. "Bakit? May cash problem ka?"

"I need work." I told her straight to the point. "Kakausapin ko lang family ko at aayusin ko na ang requirements ko for that. Available pa naman ’yung offer ’di ba? O nakahanap ka na?"

"Sira." Jho chuckled. "This offer is exclusive for you. I'll help you in any way I can. Talk to everyone first. Ayokong magmukhang inaagaaw kita sa pamilya mo."

I nodded even though she couldn't see it. "Thank you, Jho. Usap na lang tayo bukas sa school."

"Okay, no problem." She ended the call at napabuntong hininga na ako.

Sakto naman na nakita kong may mga missed calls si Maloi. Tapos na siya sa ginagawa niya at saktong may kausap akong iba. Buti na lang walang topak ngayon at hindi ako inaway dahil in another call ako.

"Punta ako dyan. Usap tayo." I texted her.

I thought she would refuse pero "Sige." ang reply niya. Nagjacket lang ako at kinuha na ang susi ng motor para pumunta na sa kanila.

I don't care kung hatinggabi na. Hindi ko na ipagpapabukas ang pagpapaalam ko. Gusto ko lahat ng desisyon ko ay alam niya, kahit na sa desisyong ’to, hindi na siya makakasama.

Pagkarating ko sa bahay nila ay nasa labas lang siya. She was sitting on the monoblock habang hinihintay ako. She didn't look okay, panigurado stress na ’to sa lahat.

"May gusto ka bang puntahan? Usap sana tayo." I told her and handed her another helmet.

"Dyan na lang sa likod. Tulog na naman sila Mama. Wala naman makakarinig sa atin." Maloi handed me back the helmet at tinanggal naman ang akin. "Why are you hiding your face? Miss na miss kita tapos maghe-helmet ka lang?"

When she removed my helmet, she kissed me on my lips. She could sense something already. Na kahit hindi ko sabihin alam na niya ang sasabihin ko.

"Iwan mo muna ’yan dyan, wala namang kukuha." Maloi put the helmets on the motorcycle at iginiya na ako sa likod ng bahay nila.

It was peaceful there. I didn't know that there's a tree behind it at mataas ang fences kaya hindi sagabal ang mga kabitbahay nila. You can lie on the grass habang tinitingnan ang mga bituin.

"Anong sasabihin mo?" she asked as we laid down on the grass and used my arms as her makeshift pillow.

Hindi ako makapagsalita. Parang ayoko na. Paano ko iiwan ang ganito ka-genuine na tao? Sobrang mahal ko siya at hindi ko maatim na iwan na lang siya basta rito.

"Ako muna magsasalita kung ayaw mo," she said and sighed. "Tuwang-tuwa sila Mama noong malaman na kasama ko si Sheena sa dance troupe. Ewan ko bakit ayaw nila akong pakantahin. Natatakot ata sila na in the future magiging singer ako at hindi ko na ip-pursue ’yung dreams ko."

"Malay mo mas malaki kita sa pagiging singer?" I asked.

"Hindi ka sure. Depende ’yan sa company mo." She smiled at me. "Ano bang sasabihin mo? Ang layo pa ng binyahe mo tapos hihiga lang tayo rito?"

I slowly looked at her. "Tangi, gusto ko maging singer. Gusto ko tulungan parents ko at hindi na ako makakapaghintay ng isa pang taon." Kung hihintayin ko pa maka-graduate ako baka lumala na sakit ni Papa. Ayoko.

"Anong balak mo?" she asked.

"Sasama ako kay Jho sa States."

Maloi sat when she heard it. I knew this would be her reaction. Sino ba naman kasing matutuwa kapag nalaman mong sasama ang girlfriend mo sa taong dati mong pinagseselosan? Alam kong mali, pero may choice ba ako?

"After next month na iyon ’di ba?" she asked. "Kailan mo pa na-realize na gusto mo pala tanggapin offer niya?"

"Kanina lang. I have to. Wala akong choice."

"Paano tayo?" she asked. Same question. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Lalo na hindi ako sanay sa LDR. Hindi ako sigurado sa mga mangyayari.

"Mahihintay mo ba ako?" I asked.

"Ilang taon ba?"

"Hindi ko rin alam."

Maloi chuckled at napatingin sa ulap. I knew she was only preventing her tears from flowing.

"Baka kapag naghintay ako, wala lang pala mangyayari." Maloi stood up. "Umuwi ka na. Magpapahinga na ako."

She was about to leave but I chased her and hugged her from behind. I couldn't prevent my tears anymore. I let them gush down while hugging Maloi.

"Mahal na mahal kita pero wala akong magawa." I cried. "This is my dream. This is for my family. Pinag-isipan ko naman ’to. I need to give up one thing."

"I know," she answered, her voice cracked. "And you chose to give up on me."

"Tangi, please." I hugged her even tighter pero inaalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Hihintayin kita. Pero sana maintindihan mo kapag hindi ko na kinaya." She removed my hands on her at deretso nang naglakad papasok sa bahay nila.

I wiped my tears and looked at the sky. Putangina. Bakit kailangan dumating sa ganito? Bakit kailangan may iwan ako para lang maging maayos pamilya ko? Bakit kailangan ko pang mamili?

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now